VIII

4.1K 53 0
                                    

Apat na araw na ang lumipas ng naganap ang Opening Party sa Restaurant ng Boss niyang si Aaron Yan, subalit ang isip ni Ligaya ay nadun parin sa kaganapan na yon.

Kahit masungit ang boss niya ay binilhan pa rin siya ng damit para sa Opening Party, hindi maiwasan ni Ligaya ang hindi ngumiti at kiligin. Hinawakan kasi nito ang kamay sabay pagpakilala sa camera na siya ay isang supporting chef. 

At ngayon, nakauwi na ito sa kanila ay todo kwento naman siya sa kanyang mga magulang.

"Anak, ano? Maganda ba doon?"

"Nakita kita sa TV anak, ang ganda mo don, sino ba make up artist mo?"

Tanong ng kanyang Mama at Papa. Lumapad naman ng ngiti ang binigay ni Ligaya sa mga magulang niya at sumagot din.

"Ma. Grabe, ang ganda dun. Tapos ang sarap sarap pa ng pagkain nila, at ang taas pala ng Effiel Tower dun ma, nakaka lula."

Masayang sagot ni Ligaya sa Mama niya.

Bumaling naman agad siya sa Papa niya at sinagot na din.

"Papa naman eh, sa salon po ako nagpa make-up and guess what? Libre lahat ni Aaron Mylovesss! Nakita niyo ako sa TV? Ang sikat ko na!!! Ang ganda ko papa noh?"

Hindi maipahayag ang kasiyahan ng mga magulang ni Ligaya hindi dahil na iinggit sila kundi masaya sila dahil unti-unti ng gaganda ang buhay ng anak nila, nakita naman ni Ligaya na maiyak-iyak na ang kanyang Mama.

"Oh ma? Umiyak ka? Inggit ka? Wag kang mag alala mama, pag ako yumaman. Ililibot kita sa boung mundo! Pero syempre papakasalan ko muna si Aaron Yan."

Batid ni Ligaya sa kanyang ina. Tumikhim naman ang kanyang ama na siyang nagpalingin sa sarili ni Ligaya.

"Anak, wag kang padalos dalos diyan sa Aaron na yan. Hindi natin alam kung anong magagawa niya para sa iyo."

Paalala ng kanyang ama.

"Pa, mabait naman po siya eh. Tapos ang gentleman pa. Extra bonus, gwapo at mayaman. Asan ka pa niyan."

"Anak, ang pag-ibig ay isang----."

"Ayan na naman ang tatay mo Anak, wag mo ng pakinggan niyan. Halika na't tayo ay kumain na."

Pina-upo na si Ligaya sa kanyang ina para maghapunan silang tatlo.

Ang saya siguro kung sila talaga ni Aaron Yan ang magkakatuluyan, subalit hindi niya parin maiwasan ngumiti at kiligin.

"Anak, mukhang nagkulang yata ang bigas na sinaing ko." batid ng kanyang ama.

"Anak, wag kang masyadong magpataba."

"Nako Ma Pa, dun sa Europe. Uso ang diet dun. Ang kanin nila dun ay apat na kutsara lang dito. Kaya magpapataba ako dahil ayokong maging payatot."

Napa-iling lang ang kanyang mama at papa sa sinabi nito, nang matapos kumain si Ligaya ay tumayo na siya at pumunta sa Refrigerator nila na malapit lang sa may kusina.

Napatingin si Ligaya sa orasan ng bubongnila at napa bugwak niya ang ininom niya dahil late na late na talaga siya.

Dali-dali siyang nag sout ng sapatos, lumabas ng bahay at saka pumara ng jeep...

Ng makarating na siya sa tina-trabahoan niyang hotel ay bumaba agad siya at pumasok sa hotel.

Tinungo niya agad ang Yan's Restau sa loob ng hotel at nag sout ng uniforme.

"Good Morning Chef! Have a great day!" batid ni Ligaya sa dumaan na matandang babae na mama ni Aaron.

Nginitian lang siya nito at nagpatuloy sa pag lakad.

Ngunit may napansin si Ligaya na parang may mali sa kinikilos ng Chef niya, nilapitan niya ito at tinanong.

"Chef, may masakit po ba sa iyo? Ayos ka lang po ba? Pahinga ka po muna."

"Oh, i'm okay Ligaya. I'm just a little bit dizzy."

Nang marinig ni Ligaya ang sagot nito ay na rattle agad siya.

Maya't maya, bigla nalang natumba si Mrs.Yan sa piling ni Ligaya at dahil kinakabahan si Ligaya ay napasigaw ito.

"Tulonng!!! Tulongan niyo si Chef!!!"

Napa-alerto agad ang lahat ng nag luluto dahil sumigaw si Ligaya at dinayuhan, tumawag na din ito ng ambulansya. Inalayan niya ang kanyang Chef papasok sa loob ng Ambulansya. At niyugyog yugyog niya ito, na nag babaka sakaling magising pa ito.



--------------------------------------------------------------------------------------

My Boss, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon