XII

4.1K 69 1
                                    

Maria Ligaya

Papunta na ako ngayon sa Hotel ng biglang may humarang na sasakyan.

Isang magrandeng limousine. Wow!

Bumukas ang passenger seat at lumabas ang isang matangkad na lalaki at mukhang alalay ata ito. Pumunta ito sa backseat at binuksan. Lumabas ang isang magarang magandang babae , hindi ito matandang pero namumukhaan ko siya. Kamukha niya si Mrs.Yan, teka kung ganun nga ay anak niya ito?

"Magandang Araw ho." bati ko sa babae. Di ko alam ang pangalan eh.

"Sumakay ka."

"A-ako po?"

"May nakita ka bang may iba akong kausap?"

"W-ala."

"Edi ikaw kausap ko, kaya sumakay ka dito sa kotse."

Tumango nalang ako at sumakay na sa kotse. Umandar na ito at hindi nalang ako nag tanong kung saan papunta. Juice koh, yung trabaho ko po. Malapit pa naman yung sweldo.

"Hindi ka ba mag tatanong kung saan tayo pupunta?" pasimula ng magandang babae sa tabi ko.

"Saan ho ba?"

"Sa Hospital."

"A-ah okay po. Kamusta na po ba siya?"

"Kaya nga sinasama kita para makita mo ang lagay niya ngayon."

"Oh my god. Sana ligtas na po siya, di ko kaya mawala siya."

"What did you just say? Ano mo ba siya? Nanay?"

"A-ah ehehe. Joke lang po. Syempre, siya yung head chef namin kaya nag-alala din po ako."

"Hmmm, cge."

Natahimik ang paligid, ng narating na namin ang hospital ay bumaba agad kami at pumasok sa loob ng hospital. Nag elevator kami at ng nasa palapag na kami ay lumabas na at papunta na sa room ni Mrs.Yan, binuksan namin ang pinto at pumasok kami sa kwarto ni Mrs.Yan. Nakahiga lang siya at nakatutok sa tv.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya sa akin, at in-off niya ang TV.

"Ligaya!" masaya niyang bati.

"Magandang Araw ho Mrs.Yan ."

"Kamusta kana? Salamat sa pagdala sa akin dito."

"Ah eh, ako po yata ang dapat magtatanong niyan sa inyo. Hehehe."

"Naku, ikaw talagang bata ka." tumawa ito at tinignan ako.

"Kamusta ho kayo?" sabi ko.

"Okay lang naman, actually kaya kita pinapunta dito. Kasi may hihingin sana ako sayong pabor."

"A-ano po yun?" oh my god, ano yun? ano yun? excited ako.

"Arianna Dear, spill it."

"Ikaw ang napili ng Mom ko na ipapakasal sa kapatid ko."

"Poh? Bakit ako? Mahirap lang poh ako. Wala po akong yaman."

"On purpose ito iha."

"And besides, 5 months lang naman ay pwede na kayong mag divorce."

"G-ganun po ba? Paano po pag ayaw niya?"

"Kukumbinsihin namin siya."

"Ikaw ang napili ko iha dahil alam kong may gusto ka sa anak ko at totoo iyon. At alam ko in the future ay mas lalo mo siyang mamahalin."

"Paano po yung mga magulang ko pag nalaman nila ito?"

"Iyan ang problema."

"Ako ang bahala dito Arianna."

My Boss, My Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon