KIDNAPPER#6

51.3K 510 16
                                    

*************

FARRAH'S POV:

"Girl, bakit di ka pumasok?" Tanong ni Crystal. Friend ko sa office. Oo may kaibigan ako dun. Minsan ko nga lang siya makasama dahil sa magkaiba kami ng department. Namimiss ko na nga 'to eh.

"Wala. Tinatamad ako pumasok. Nagsasawa na ko sa mukha ni Sir Ashton. Hahaha." Biro ko. Pero, yung una.. Totoo yun. Tinatamad talaga ako. Haha. Pero yung nagsasawa thing. Nah. Never mangyayari yun noh!

"Asus! Nagsawa! Hahaha. Oh ano? Gimik tayo mamaya?" Hm.. Gimik?

"Uh... Eh... Pwedeng pass muna?" Ayoko na kasi eh. Ayoko na mangyari ulit yung dati. Nung gumimik kami.. Tapos ang suot ko.. Syempre yung aking costume sa office. Hindi naman kasi alam ni Crystal yung sa secret ko. Minsan nga nadudulas na ko eh.

Pero.. Back to the story.. Ayun nga. Pinagtawanan ako sa loob ng club. Nakakainis! Kung alam lang siguro nila.. Kung hindi ko lang kelangan magpanggap pag kasama ko si Crystal.. Malamang naglaway na sila.. *wide smile*

"Huy!" Sigaw niya sa kabilang linya. Peste. Napasarap ako sa pagfflashback.

"A-ano ulit yun?"

"Sabi ko... Hindi na ulit mangyayari yung dati. Promise. Dahil......." ilang saglit pang hindi siya nagsasalita sa kabilang linya. Ano nangyari dun?

"Huy! Ano? Dahil?" pangungulit ko.

"AAYUSAN KITA! HIHIHI! Papunta na ko dyan ah! Bye! See you later!" Sabay baba niya ng tawag. Pupunta siya dito?! Eh naka'sando at shorts lang ako! Hala! Bihis na Farrah!

Agad-agad akong nagpunta sa kwarto ko at nagpalit ng mga suot ko sa office. Argh! Wrong timing! Ang sarap pa nang higa ko sa sofa eh!

Sinuot ko na yung mahabang palda at yung long sleeves na bulaklakin pa ang design. Oo ganito ako kabaduy. Humarap ako sa malaking salamin ko. Sinuot ko yung malaking salamin ko na dinaig pa si Harry Potter. Jusko nakakahilo! Kelangan ko pa kasing palagyan ng kahit konting grado to. Para hindi mahalata.

Uupo pa lang ako sa sofa nang biglang may nagdoorbell na kaagad. Ang bilis talaga nito pag dating sa gimik.

Binuksan ko na agad ito at tuloy-tuloy naman siyang pumasok.

"Ay. Salamat pinapasok mo ko ha?" Sarcastic kong sabi. Bakit ko ba naging kaibigan 'to?

"Ay! Hahaha. Sorry friend! Naexcite ako masyado sa pag transform sayo." Nilapag naman niya yung mga bag na dala niya sa center table. Bakit ang dami niyang dala?

"Hoy! Bakit ang dami mong dala?" Umupo naman ako sa lapag at isa-isang binuksan yung mga bag na dala niya..

"Make-ups... Dresses... Heels.." sagot niya habang nasa kusina ko na at naghalungkat pa sa ref.

Actually, nandito kami ngayon sa totoong condo ko. Farrah's condo. Wala din naman siyang makikita ditong kakaiba. Basta. Inayos ko lahat. Pero lahat ng gamit ko. Nandito.

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon