KIDNAPPER#12

43.1K 390 44
                                    

--------------------

CRYSTAL'S POV:

"Sir Ashton? Bakit ka po napatawag?"

"Nothing. I just wanna ask kung... ano na yung nagawa niyong plan?"

Sabi ko na nga ba eh. Ito lang pakay nito. Sus! Nakakapang'selos! Lagi na lang ganito pakay sakin. Hahahaha! Syempre joke lang yun! Duh! Kay Farrah my friend na siya noh. Magkokontrabida pa ba ko? Eh silang dalawa pa nga lang hirap na hirap na. Jusme.

"Wala pa po sir. Nahihirapan po kaming mag-isip. I'll just call you pag meron na po." Syempre joke lang din na nahihirapan kaming mag-isip. Remember? Meron na? *evil laugh* Eh sa mas gusto kong may thrill ang lahat? Mas magandang parehas silang walang alam diba? Si Farrah hindi alam na alam na ni Ashton niya.. At syempre, si Sir Ashton, hindi alam ang plano namin.

"Oh.. Want me to.. help?" Aba? Tutulong pa siya?

"Ah.. Hindi na po sir. Okay na po. Magiisip na kami. Babye sir!" Sabay baba ko ng call. Hahaha. Magagalit yun! Sabihin mas mukha pa kong boss dahil sa ginawa ko. Anyway, I don't care. Ang mahalaga ngayon... Eh ang magandang plano. Na sana eh walang sumagabal.

"Crys.. Let's go?" Ooops. Aalis na pala kami ni Tita. Oo, nakiki-tita na ko. Wahaha. Eh sa nakakahiyang gawin lang siyang friend eh. Haha.

"Tara po."

San kami pupunta? Hmm... Sa lugar kung saan magaganap ang lahat. *wink*

"Bye Farrah! We'll call you okay? Mwah." Sigaw ni Tita bago lumabas ng Condo unit ni Farrah. Hayy. Sana ganun na din kami ka'close noh? Pero alam kong magiging close pa kami lalo. Pakners kami ngayon eh!

After 2 hours and maybe, 30 minutes? Nandito na kami...

OHMYGOD. ISANG MAGANDANG PARAISO.

BAGAY NA BAGAY SA MANGYAYARI! YES! Ang galing talaga ni Tita! Oh bakit? Feel ko yung Tita thing! Bleh!

"So what do you think of this place Crystal?" tinabihan ako ni Tita sabay tingin sa malayo. Tinatangay ng maaliwalas na hangin ang mga buhok namin. Wow. Ang sarap sa feeling.

"I think it's perfect. Really perfect." then I smiled. Nakakatuwa lang yung ginagawa namin ngayon. Para kaming mga batang nakikipaglaro kay Cupid. Paunahan magawan ng paraan sila Farrah at Ashton. Hahaha.

"Then we're good! Let's go Check in! Then i'll call all the helpers and staffs na tutulong satin. Then when we're all finished.. Tatawagan ko na yung dalawa. Apir!" Nakipag-apir din naman ako kay Tita Jessie. Nakakatuwa talaga! Isip bata siya. Hahaha.

Naglakad na kami papasok ng isang sobrang gandang hotel. Kung satin eh, 5star hotel, sasabihin kong pang10 star ito. Haha. OA ba? Pero, ang ganda kasi talaga.

"Goodevening ma'am. Goodevening Madam. Welcome back."

I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon