Dedicated sayo~ Thank you sa paglike at post sa page ko sa facebook. Mwa :* Lovelove.♥
--------------------
FARRAH'S POV:
"Salamat manong." sabay abot ko ng bayad.
Pagbaba ko ng taxi, napatitig ulit ako sa buong building. Parang namiss ko magpunta dito. Hahaha. At ngayon nandito ulit ako, planning to kidnap him again.
Pumasok ako sa loob ng building at dumiretso sa elevator. Ang sarap isipin na kakaladkarin ko nanaman siya mamaya. At boyfriend ko na mismo siya. Hindi boss ko lang. Hahaha.
Paglabas ko nang elevator, dumiretso agad ako sa unit ko. At wow. Nakakatuwa. Nakita ko ulit yung kama. Hahaha. Parang ang tagal kong nawala eh.
Inayos ko isa-isa yung gagamitin ko. Naghanap din ako nang masusuot. Baka may makakita sakin at mamukhaan ako. Hindi pwede yun.
Pag pasok ko ng CR, nag shower muna ako saglit. Nagbihis na ko nang mabilis at tinext si Ashton.
'Hey Babe. You done?'
After some minutes, nagreply na siya. Nasa office pa daw sya, at tinatapos pa yung ibang papers. Pero itetext daw niya ko pag tapos na siya.
Nang matapos na ko magayos, sinuot ko na yung malaki kong jacket. Kelangan ko to. Para tagong-tago. Haha.
Lumabas na ko ng unit ko at dumiretso sa baba. Shit. Wala akong dalang sasakyan. So ang gagamitin namin mamaya, sasakyan ni Ash.
Paglabas ko, buti na lang at may nagaabang na taxi sa labas. Kaya nakasakay agad ako at sinabi ko yung building ng company ni Ash.
Dahil 15 minutes lang naman ang layo nun sa condominium ko na to, nakarating ako agad.
Hindi ako pwedeng pumasok sa lobby. Tatanungin nila kung ano ang business ko sa loob. Eh syempre pag sinabi ko naman na pupuntahan ko si Ashton, itatawag nila yun. Ano pa bang pwedeng gawin? Hm...
"Bat ba tayo nandito? Eh diba nasa parking lot yung kotse mo?" malakas na sabi nung babae. Mukha syang call center agent. Papalabas sya galing sa loob ng building.
"Tss. Parang papagasolinahan mo naman yung kotse ko pag ginamit natin. At ano ka? Chix? Magtataxi tayo no." sagot naman nung lalaking kasama. Wow. Napaka'gentleman niya.
"Ano ba naman yan! Tara na! Parking lot! Please?" Pangungulit sakanya nung babae..
Parking lot.... Oo nga! Bat hindi ko naisip agad yun? Tch.
Tatakbo na sana ako nang nagbeep yung phone ko.
'Done with everything. I'll just take a shower here then i'll pick you up. I'll be there in 30 minutes.'
Oh shit. Patapos na siya. Kelangan ko ng umakyat sa parking!
Tumakbo agad ako papunta sa entrance ng parking. Buti na lang at nakikipagkwentuhan yung guard at nakapasok agad ako sa staircase.
Ano? Aakyatin ko hanggang 6th floor? No way in hell. Nandun kasi yung slot ni Ashton.
Nang makaakyat ako sa 2nd level, pumasok ako sa parking lot at nagabang ng elevator. Buti na lang at wala akong kasabay. Baka maghinala sila sakin eh. Para pa mandin akong james bond ngayon. Hahaha.
Pag pasok ko sa elevator. Pinindot ko kaagad yung button para sa 6th floor.
Nang makalabas ako, nagtago agad ako sa katabing poste nang slot ni Ashton. Shit, sana bilisan niya.

BINABASA MO ANG
I'm His Sexy Kidnapper(EDITING)
Roman d'amourALL RIGHTS RESERVED. Ashton Jimenez is a famous young bachelor with an almost perfect life; Having a loving girlfriend, cool parents, and a wealthy living. Until one day.. A sexy, mysterious woman kidnapped him. For what reason? A reason that will d...