Chapter 22 - The Ex
♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♀♂♀♂♀♂
Habang naka pasan ako sakanya nakaramdam ako ng antok pero pinipigilan ko iyon. Ayoko namang matulog kasi baka pag gising ko wala siya sa paningin ko. Katakot pa naman dito sa lugar na 'to.
Kaya para hindi ako antukin, dadaldalin ko nalang siya.. "Dominic, diba sabi mo best friends kayo ni Lorelei dati? Tapos nawalan lang kayo ng connections nung pumunta sila sa ibang bansa? Eh bakit parang hindi ko naman kayo nakikitang nag usap manlang sa school kahit isang beses? Magkaaway kayo?"
"Hindi naman sa ganun. Siguro nagkakahiyaan nalang din kami." Ohh.
"Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sainyo ni Lorelei?" Tanong ko sakanya. "Sige na kwentuhan mo na ako pleaseee?"
"Wag na." Kumunot naman noo ko sa sagot niya.
Parang magkekwento lang naman eh! "Hindi mo ako kekwentuhan?" Mataray na may halong pagbabanta kong sabi sakanya.
"Sa ibang araw nalang. Pfft." Halos sabunutan ko siya dahil don. "Excited ka naman masyado eh." Tumawa pa siya.
Nag make face lang ako. "Psh. Sige. Sabi mo yan ah. Pag ikaw hindi nag kwento sakin, si Lorelei ang dadaldalin ko kahit nakakainis siya kausap."
Tumawa lang siya. Pinatong ko nalang ang baba ko sa balikat niya at pumikit ako.
-
Gino's PoVNandito ngayon ang mga tropa ko sa bahay. Wala kasing tao at bored na bored ako kaya pinapunta ko nalang si Dennis at ang pinsan ni Dominic na si David. Kumakain lang kami habang nanonood ng movie sa kwarto ko.
"Tumawag sakin si Lorelei kagabi. Tinatanong niya kung totoo daw bang magkasama si Dominic at France ngayon." Natingin kami kay Dennis na nagsalita.
"Oh anong sabi mo?" Tanong ko at kumuha ako sa chichirya na hawak niya.
"Edi oo." Binatukan ko siya bigla dahil sa sinabi nya. "Aray ko tol! Bakit ba?!"
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
RandomThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!