Chapter 23 - I'm sorry

590 19 2
                                    

Chapter 23 - I'm sorry

♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♀♂♀♂♀♂

Hawak ko ang menu at tinatago ko ang mukha ko mula ilong pababa. Nakita kong umupo na si Lorelei sa harap ni Dominic.

Hindi ko alam kung ano na ba ang pinag uusapan nila pero bakit parang naiiyak si Lorelei? At si Dominic naman walang reaksyon.

Bigla nalang tumayo si Dominic at lumabas ng shop kaya agad ko siyang sinundan.

Sa sobrang bilis niyang maglakad halos tumakbo na ako para lang maabutan siya. Nang maabutan ko siya hinatak ko ang braso niya kaya napahinto siya at humarap saakin.

"Sandali lang.. bakit mo naman iniwan si Lorelei doon?" Tanong ko sakanya.

"So tama nga ako, pinapunta mo siya doon? Para ano? Ano bang pumasok sa isip mo at ginawa mo yun ha?" Nagulat ako sa naging reaction niya. Like, bakit ba siya nagagalit? Big deal ba tong ginawa ko? Sabihin niyo nga, bat sobrang nagagalit siya?

"Gusto ko lang naman... gusto ko lang namang magka bati kayo eh." Tinitignan ko ang mga mata niya at talagang hindi nga niya gusto ang ginawa ko.

"I'm telling you, hindi mo magugustuhan pag nagka bati kaming dalawa." Iniwan niya ako pagtapos niyang sabihin yan.

Nakatayo lang ako habang pinapanood siyang maglakad palayo saakin. Kaya biglang pumasok sa isip ko yung thoughts ko noon. Na ex girlfriend nga niya si Lorelei. Pero hindi naman ako sure doon. At hindi din naman ako tanga. Kaya kailangan kong alamin yung totoo.

-

Naglalakad lakad lang ako nang may sumigaw ng pangalan ko. Pag lingon ko nakita ko sila Drake, Kaden, Sherwin, Haru at Enzo at nilapitan nila ako. "San punta mo?" Tanong ni Drake.

Umiling ako. "Wala. Kayo?"

"Siopaoan?" Sagot ni Haru. Tumawa naman sila. At dahil wala din naman akong pupuntahan sumama na ako sakanila. Tagal na din naming hindi nakapag bond eh.

Nauuna silang maglakad habang kami naman ni Drake ang magkasabay. "Malungkot ka ata? May problema ba?" Tanong niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Ang hirap palang pumasok sa relasyon no?"

"Bakit mo nasabi? Nag away ba kayo?"

"Sana nga nag away nalang kami eh. Hindi yung ganito na ang dami kong tanong na gusto kong malaman ang sagot. Pero parang ayoko namang malaman ang totoo. Kasi baka hindi ko magustuhan ang sagot." Tumawa ako. "Ewan ko ba. Eh ikaw? Diba nagka girlfriend ka na? Ano nangyari, bakit kayo naghiwalay?"

Enrolled In All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon