♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
France's PoV
"Ex siya ng late sister ko." Instant na nag fflashback sa utak ko ngayon lahat ng sinabi sakin ni Lawrence noon. Now I know.. si Lorelei nga talaga yung tinutukoy ni Lawrence noon sakin. Hay. "Wow.. I can't believe this." Di makapaniwala niyang sabi. "Kayo na ba?" At saka siya tumawa. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa tawa niya o hindi pero pilit kong iniiwas ang tingin ko sakanya dahil naka kapit siya kay Dominic. "I mean.. there's nothing wrong with it. It's.. good for you.. France."
Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya.
"Hehe guys, open pala yung buffet ah baka gusto niyo nang kumain." Singit bigla ni Gino. "Ikaw Lorelei kumain ka na. Pasmado na bibig mo eh baka nagugutom na hehe."
Inirapan ni Lorelei si Gino at saya nag puppy eyes kay Dominic habang para siyang tarsier na naka kapit dito. "Let's eat?? I'm hugry na eh."
Tinignan ko naman si Dominic na nakatingin lang din sakin. Ni hindi niya pinapansin at tinitignan si Lorelei.
May lumapit naman saaming medyo may edad na at inexcuse si Lorelei kaya umalis siya. Pag alis niya ay nag paalam ako para magpunta sa comfort room.
Pagpasok ko sa loob ay napahawak nalang ako sa may sink at napatingin sa sarili ko sa salamin.
Wag kang maapektuhan.
Wag kang masaktan.
Wag ka nalang tumingin.
Wag mong pansinin.
Focus sa event, wag sa tao.
Napabuntong hininga ako saka nag hugas ng kamay.
Pabalik na ako ngayon kung saan ko sila iniwan kanina nang makasalubong ko sila Gino at bigla akong hawakan sa wrist ni Dominic dahilan para mahinto ako sa pagpakad dahil nilampasan ko lang sila.
Tumuloy naman sa paglakad sila Gino at iniwan kaming dalawa ni Domimic. Inalis ko ang pagkahawak niya sakin.
"Walang kami."
"Hm?" Tanong ko kahit alam ko ang ibig niyang sabihin.
"Wala kaming relasyon ni Lorelei. Nababaliw lang yun. Wag ka sana magalit."
Pineke ko ang tawa ko at saka ako ngumiti. "Hindi mo na dapat sinasabi sakin ang mga yan. Kasi.. it's none of my business. Wala namang tayo. At ang tagal na nung mga nangyari satin."
"Sinasabi mo bang napatawad mo na ako?" Napahinto ako sa sinabi niya. "Kung hindi pa, I'm so sorry. I made a big mistake. I hurt you. Pangako, hinding hindi na kita sasaktan. One last cha--"
"Okay na. Napatawad na kita. Matagal na. Hindi mo na kailangan sabihin yan, I'm okay." Nilingon ko si Lawrence na nakatingin sa amin.
"Kayo na?"
Binalik ko ang tingin kay Dominic at ngumiti ako. "Kakilala mo pala siya no? Matagal na. Kaya pala ayaw mong kinakausap ko siya at nilalapitan noon. Kasi related siya kay Lorelei. At alam niya ang past niyo."
"France sorry--"
"No need. Okay lang ako." Ngumiti ako at bumuntong hininga. "Just promise me the next time you'll get hurt or maipit ka sa sitwasyon, don't ever use someone as a revenge. Or just tell that person directly, ask for help. Masakit kasi." Tumango ako. "Sige na, balik na ko don."
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
De TodoThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!