♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
Pag gising ay ginawa na naming tatlo ang morning routine namin. Pagtapos ay naligo at nagbihis na dahil magsisimba pa kami.
6:00am ay nasa simbahan na kaming tatlo. Si mama naman hindi na nakasama kasi araw-araw may trabaho siya. Syepmre dagag kita din yun bukod sa kinikita ni papa sa ibang bansa.
Hmm. Di na uli tumawag si papa nuh? Hayy! Di bale na baka busy lang siya. Ipagdadasal ko nalang.
-
Pagtapos magsimba ay dumaan kami ng mall para doon na kumain.
"Nagugutom na akoooo. San tayo pwede kumain?" tanong ni Stephanie na halatang malaki na nga ang gutom.
"Sa kainan san pa ba?" pabalang na sagot ni Lauren.
Nagsimula nanaman sila..
"I mean SAANG kainan?" tanong ni Stephanie emphasizing the word saang.
"Dito sa mall, saan pa ba?" pambabara uli ni Lauren.
"Saan nga dito sa mall?!" pasigaw na tanong no Stephanie kaya ang ibang tao ay napatingin sakanya. "What?!" bulyaw niya sa mga tao.
"Pst huy!" pigil ko sakanya saka ako nag sorry sa mga tao dun.
Nilayo naman namin siya sa mga tao. Dun kami sa loob ng isang dress shop.
"Nagutom lang naging war freak na?" tanong ko.
"Onga." pag sang ayon sakin ni Lauren.
"Sorry naman.. wait!" bigla siya tumakbo palabas ng shop kaya sinundan namin siya.
"Huy sandali---"
"EHEM." tawag niya sa atensiyon nung mga tao dun. Tumingin naman sa kanya yung iba.
"Sorry po! Sorry po nasigawan ko kayong lahat kanina! Sorry po talaga!" sabi niya habang nag bo-bow sa mga tao. Sign of respect.
After nun ay umalis na kami dun sa lugar na yun. Pumunta nalang kami sa bookstore. Magti-tingin lang kami ng libro. Elampambili. Tsaka kabibili ko lang last week ba yun? Nung nakipag agawan pa ako kay Dominic.
"France? France Gianna Fabian?" napalingon kami dun sa tumawag sa pabgalan ko. "Ikaw nga. Hi." bati niya. Ang tangkad naman ni kuya. Teka,
"Sorry pero hindi po kasi kita kilala." sabi ko.
"Ah." pinunasan niya yung kamay niya. Bale pinunas niya sa polo-shirt niya. Bat kailangan punasan? Uyyy pasmado si kuyaaaa. Hahaha! "I'm Gino Faisal, Fourth year high school from Beethoven All Boys School. Section A-1." nilahad niya yung kamay niya.
Sorry pero mataray ako. Di ako makikipag shake hands sayo.
De joke lang. Inabot ko naman yung kamay niya.
"Ipakilala mo naman ako sa mga kasama mo oh." sabi niya.
"Mga best friends ko. Si Stephanie *turo kay Stephanie*, tsaka si Lauren *turo kay Lauren*" pagpapakilala ko sa best friends kow.
"Ahh I see. Nice to meet you." sabi niya kanila Lauren.
"Uy may dumi ka sa siko oh." biglang sabi ni Lauren.
Tinignan naman yun ni Gino.
"Ha, nasan?" tanong niya habang tinitignan parin kung nasaan daw yung dumi. "Wala naman ahh." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
AléatoireThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!