Chapter 27 - Volleyball
♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♀♂♀♂♀♂
France's PoV
Ilang araw nalang magpapasukan na ulit. Pero hindi padin kami okay ni Dominic. Di ko nga alam kung kami pa ba eh. Hindi na din siya gaanong nag tetext at tumatawag. Ano na kayang nangyari dun?
Naka higa lang ako sa kama at naka tingin sa kisame habang inaalala yung mga masasaya naming moments ni Dominic hanggang sa unti unti nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pano ba kasi kami umabot sa ganito?
Alam ko na din ang lahat. Lahat ng tungkol sakanila ni Lorelei. Hindi ko nga alam kung magpapasalamat ako dahil sa nalaman ko na yung totoo o magagalit at malulungkot dahil dun.
Tangina.
Niloko ako.
Pinaglaruan ako.
Ginamit ako.
Pinaniwala ako.
At eto naman ako, ang tanga tanga ko kasi naniwala agad ako. Nung una talagang nag duda ako dahil mag kaaway kami nun ni Dominic.. pero wala, tanga si ate mo France eh. She fell too fast and crashed too hard.
Nalaman ko din pala na si Lawrence ay ex ng kapatid ni Lorelei na sumalangit na kaya magkakilala si Lawrence at Dominic. Ang witty shit pinaglalaruan ako ng tadhana.
Biglang nag ring yung phone ko na nasa tabi ko lang kaya sinagot ko pero hindi ako nagsasalita dahil unknown number.
"Hi!! Kamusta ka na? Grabe nahirapan akong kunin yung number mo. Nagbago ka na pala ng number? Di mo naman sinabi sakin."
"Who's this?" Tanong ko.
"Sino pa ba? Edi yung nag iisang may crush sayo simula elementary!" Tumawa siya at sinabing nagbibiro lang siya.
"Jared.."
"Teka, umiiyak ka ba? Anong nangyari sayo?"
Agad niya akong pinuntahan dito sa bahay kahit sinasabi kong wag na. Wala eh, mapilit.
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak ng ganyan? May nanakit ba sayo? Sabihin mo lang, uupakan natin yan. Ayoko pa naman sa lahat ay pinapaiyak yung mga babae, parang wala silang mga nanay ah. Ano bang nangyari?"
Natawa ako sakanya ng konti. Sinabihan niya akong baliw dahil iyak tawa daw ako.
"Care to share?"
Pinunasan ko ang luha ko at nagsimulang mag kwento sakanya. But before anything else, I told him na wag munang mag violent reactions about sa kinekwento ko at patapusin muna ako.
Pagkatapos kong mag kwento sakanya, sobrang gumaan ang pakiramdam ko at umokay na din ang lagay ko dahil pinapatawa niya ako sa kabila ng mga pagbagsak ng luha ko kanina. He really is my best friend.
"Jared thank you ha."
"Nako no problem. Basta pag kailangan mo ng makakausap nandito lang ako. Wag kang mag alala, susundin ko naman yung mga sinabi mo. Di ko na uupakan yung Dominic. Pero pag sinaktan ka pa niya ulit, nako. Di ko padin siya uupakan. Ayoko kaya ng may kaaway. Saka baka magsgasan pa itong soft hands and face ko."
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
AléatoireThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!