♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
-
France's PoV"Parating na yun napaka mainipin naman." Sabi ko dito kay Lawrence.
Inaantay na pala namin si Gino ngayon dito sa may coffee shop sa mall.
"Mauna na ko." Patayo na siya kaya agad ko siya hinatak paupo ulit.
"Ano ba yan ang kj. Dalawa nga tayo eh kasi isasama din kita sa birthday nya. Wag kang kokontra sasakalin kita."
"Uy tamis! Paistorbo muna hehe." Napalingon naman agad ako sa nagsalita. Napatayo ako at napayakap sakanya bigla. "I miss youu!" Sabay yakap niya din sakin.
"Na miss din kita Gino. Kamusta na?" Tanong ko pagka upo namin.
"Eto.. napaka pogi padin. Halatang halata naman diba??"
Natawa ako sa sinabi niya.
Siyang siya padin yung Gino na nakilala at naging kaibigan ko.
"Pakilala mo naman ako sa aports mo." Natatawang sabi ni Gino saka ko naalalang nandito nga pala si Lawrence.
Nagulat ako nang hawakan ni Lawrence ang kamay ko. Ngumiti ako at tinap yung kamay niyang naka hawak sakin. "Si Lawrence nga pala." Pakilala ko. "Si Gino, high school friend ko."
At nag tanguan lang silang dalawa. "Nice meeting you pre." Sabi ni Gino at tinanguan lang uli siya nitong Lawrence na to.
Kinuha ni Lawrence yung kamay ko at tinago iyon sa ilalim ng lamesa habang hawak padin niya.
Parang nakaramdam ako ng panghihina dahil nag fflashback sakin yung ginawa niya a year ago. Yung inakbayan niya ako bigla sa supermarket dahil nakita niya si Dominic. And now.. di ko maiwasan isipin na baka nakita uli niya si Dominic dito somewhere kaya niya hinawakan ang kamay ko. Hays. Baka naman nag iimagine nanaman ako? Tama na nga!
Nag usap lang kami kung kelan, saan at anong oras ang celebration niya. Mukhang marami pero pili lang din yung mga inimbitahan niya. Gusto ko sanang itanong kung kasama ba si Dominic pero ayoko dahil ayoko na magka issue. Baka mamaya may girlfriend na pala yun sa ibang bansa tas hinahanap ko pa siya. Hayy.
"Uhm, ayun lang naman. Ayan na din yung invitation para sainyo. So.. see you?"
Ngumiti ako.
"Ano?" Tanong niya. "May.. iba ka pa bang gusto na itanong?" Tanong niya sakin na para bang nababasa niya ang nasa utak ko. "Ah si Dominic? Okay lang naman yun di naman makakapunta yun wag ka mag alala. Busy yun." Saka siya tumawa ng awkward. Napakamot siya sa ulo niya. "O-osige na. Una na ko hehe. Kitakits nalang France, pre." At saka siya mabilis na umalis.
Napasandal nalang ako at huminga ng malalim.
Hindi ko alam bat nalulungkot ako.
-
Gino's PoVMay sinabi sila sa kabilang linya pero hindi ko maintindihan maderpaker!
Inayos ko yung wireless headphone sa kaliwa kong tenga. Isa lang naman kase nakasuksok kaya di gano malinaw sa pang dinig ko.
"Ano?" Tanong ko dahil punyeta nagbubutil na yung pawis ko sa dami nilang gusto ipasabi sakin.
"Bobo." Dinig ko sabay tawa nilang lahat doon.
Hayop na barkadahan talaga oh.
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
SonstigesThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!