♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
Kakakuha ko lang ng good news kanina pag uwi ko.
WALANG PASOK BUKAS!!! Whoooohoooo!!! Yes yes yes!!
"Hoy anak. Anong sinasayaw-sayaw mo dyan?" Bigla akong lumapit kay mama at tumili. "Waaaaaaaah!!! Mama walang pasok bukas. "
Binatukan niya ako. "At masaya ka pa ha." Sabi ni mama.
"Naman ma! Ay! Nga pala ma, aalis pala ako bukas." Sabi ko pagtapos ko hugasan ang pinagkainan namin.
"Akala ko ba wala kang pasok? Bakit aalis ka?" Takhang tanong ni mama.
"Pupunta lang po ako sa dati kong school." Paalam ko.
"Hay nako. Kaya nga kita nilipat para lumayo na sa school na yun eh. Pero.. kung yan ang gusto mo.. osige. Ano oras ka aalis?" Sabi ni mama.
"Uhm. Mga after lunch ma."
-
Kakatapos ko lang kumain ng tanghalian kaya naman nag ayos na ako.
To Candice:
Oy! Candice! Punta ako dyan sa school ngayon! Special holiday kasi sa school ko ngayon eh. Haha. So, see ya?Message sent.
Wala pang isang minuto ay nag vibrate na ang phone ko.
From: Glenn
Hiii!! Si Candice tooooo! Hehehe. Oki-oki! Wait ka namin sa tambayan nalang ah? Hehe. May class pa kasi kami ngayon eh. See youuuuu!Aba! Magkasama siguro sila ni Glenn ngayon? Nakuu. Kailangan ko na talaga maki-chismis mamaya!!
Pagtapos ko magbihis ay bumaba na ako.
"Ma! Alis na po ako!" Sigaw ko.
"Osige! Ingat!!" Sagot ni mama.
"Thank you po! Bye!" At tuluyan na nga akong umalis.
Hindi muna ako dumiretso sa tambayan dahil may klase pa nga sila kaya dumaan muna ako sa isang bookshop.
"Good morning ma'am." Bati nung guard nang pinagbuksan niya ako ng pinto.
"Good morning din po." Bati ko naman.
Nagtingin lang ako ng mga libro. Yung mga novels. Mahilig kasi ako sa ganun eh. Pero hindi muna ako bibili ngayon. Except lang kung may nakita akong magandang libro.
Habang nagtitingin ako ng mga libro ay nahinto ako sa isa. Nagningnging ang mga mata ko nang makita ko yun. Parang gusto ko talaga tumili at magtatatalon!
Grabee! Available na to?! Gusto ko to bilhin nag iisa na lang to oh!!! Lagi kasing out of stock tong book na to.
Kinuha ko na yung libro pero sa kasamaang palad may kasabay akong kumuha nun.
"Ikaw?" Sabay naming sabi ni Dominic.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Malmang para bilhin itong hawak ko." Sabi niya.
"Hala! Ako ang bibili dito. Ako ang unang nakakita e!" Sabi ko saka ko hinigit yung libro pero hinigit din niya yun. Bakit ba ang lakas ng mga lalaki?!
"Ayoko makipagtalo sa babae France. Ire-regalo ko lang sa mom ko.." Sabi niya.
"Palusot.com. Ikaw lang magbabasa nito eh." Bulong ko na alam ko naman na narinig niya yun.
"Magtanong na lang tayo sa staff nitong bookstore kung may stock pa sila nito." Suggestion niya na sinang-ayunan ko naman.
"Excuse me miss." Sabi niya dun sa isang staff ng bookstore.
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
De TodoThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!