♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
"So bat hindi ka sumama sa mom mo?"
Sinamaan ko siya ng tingin sa tinanong niya. "Napaka walang kwenta ng tanong mo." Sagot ko sabay irap.
Natawa naman siya. "I'm just asking."
"Ayoko. Wala naman akong mapapala don."
"But you'll see him."
"May napala ba ang tawag pag nakita ko siya?"
Nag smirk siya. "Bitter."
"Me? Di noh." Masungit kong sagot. "Mas gusto pa kitang kasama kesa dun."
Umayos siya ng upo at naka diretsong tingin lang sakin. "I hope you mean that."
Napatingin ako sakanya at nginitian niya ako.
-
Natapos na kaming kumain at nanood lang ng movie sa sala.
English movie siya na about love, more on regrets. Na di pinaglaban yung relationship hanggang sa napunta sa iba yung loved one niya.
"Relate ka?"
"Ha?"
Tinitigan niya lang ako at hindi sinagot.
"Bat di ka pa kasi sumama sa mama mo eh."
Hindi ako sumagot at bumuntong hininga lang. Hanggang sa matapos kaming manood at napag desisyunan namin na lumabas at mag lakad lakad.
Naka pamulsa siya habang naglalakad kami at diretso lang ang tingin.
Never in my life na pumasok sa utak kong magkakagusto sakin si Lawrence. Matalino siya, talented, saka gwapo din. Kaya bat ako?
"You can speak your thoughts."
"Ha?"
"Kanina ka pa naka titig sakin. Hinaharass mo na ba ako sa isip mo?" tss. feeling.
"Di noh. Wag mo na kong pansinin." sagot ko sakanya.
"I will be going back to manila next week."
"Ha? Bakit?" gulat kong tanong dahil ang alam ko sa enrollment pa siya babalik doon. "Bakasyon pa ah?"
Tumingin siya sakin. "Emergency."
"Anong nangyari ba?"
At hindi na nga niya ako sinagot pa.
Ano kayang nangyari? Eh wala naman sa manila family niya, andito.
-
Inutusan ako ni mama na mag grocery ngayon kaya kasalukuyang namimili ako ng kukunin kong beverages.
Soju Peach? O strawberry? Ano kayang gusto ni Lawrence dito?
Naisip kong bumili neto at uminom manlang kami bago siya bumalik sa manila. Pag umalis na siya next week isang buwan ko din siyang hindi makikita.
I ended up getting both. Di naman kami malakas uminom kaya tatlo anim lang na bote. Hehe.
Habang naglalakad ako papunta sa aisle ng mga sabon na panlaba natanaw ko si Dominic at Lorelei.
Agad akong tumalikod at napahinto dahil hindi ko inaasahang makikita ko sila ngayon. Napahawak ako sa dibdib ko at mabilis na lumiko sa aisle ng mga shampoo at nanatili muna doon.
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
RandomThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!