Chapter 2 - New Friends

3.8K 153 17
                                    

♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀

"BEETHOVEN ALL BOYS SCHOOL?!" sigaw ko.

Pano ba namang hindi mapapasigaw eh all boys school to!

"Shh! Ingay mo nak!" Suway ni mama.

Nakita ko naman na halos lahat ay napahinto at tumingin sakin.

"Ma ayoko mag-aral dito sa iba na lang ma please.." pagmamakaawa ko.

"Eh an---"

"Ibalik niyo na lang po ako sa dati kong school ma.. promise hindi na ako magpapa-bully." I assured her.

"At ikaw naman ang mang-bubully ganun?" Sarcastic na tanong niya.

"Pwede.. Basta ayoko dito ma.. all boys school to oh. Mukha ba akong lalaki? Ma hindi ako para dito.."

"Lucy!" Napalingon ako sa tumawag kay mama. Babae siya at tingin ko nasa 30's siya tulad ni mama. "Lucyy! Nako na miss kita!"

"Uy Lian! Missed you too!" Pagtapos ay nag beso sila. "By the way, si France nga pala anak ko. Siya yung kinukwento ko sayo." pagpapakilala sakin ni mama.

Ngumiti lang ako.

"Oh, hi iha, she's so pretty just like you. Oh before I forgot," may binigay siya na folder sakin. "Nakalagay dyan yung schedule ng classes mo, yung room mo, and may map ng school dyan. Just in case.. you know." Tinitigan ko yung map ng school.

Shet. Doble to ng dati kong school ah. Nako maliligaw ako nyan! Mahina pa naman ang sense of direction ko. Madali akong maligaw e. Sorry ha!

"Sige Lian, anak, I'll go ahead. Ikaw na bahala kay France ah." Sabi ni mama.

"Sure thing." Sagot naman ni ma'am Lian.

"Hi France! You know what, lagi kang kinukwento ni Lucy sakin. Your mom is my one and only best friend since we're elementary. Baka kasi nagtataka ka kasi super close namin." kwento niya. "France I know my school is only for boys but, we will try our very best para maging masaya ang pag aaral mo dito. Actually hindi lang ikaw ang babae na nag aaral dito. May dalawa pa. A total of three girls. And, if you're worried because lalaki halos lahat ang nandito sa school, well wala kang dapat ipag alala. They are all harmless."

"Ah ma'am--"

"Oh just call me ninang since ninang mo naman talaga ako and very close kami ng mom mo." I smiled pagkasabi niya nun.

Naglakad na din kami paakyat ng isang building. Huminto kami sa tapat ng isang room. Tinawag niya yung teacher na kasalukuyang nagka-klase at lumabas ito.

"Yes ma'am?" tanong nito.

"France this is sir Darwin. He will be your class adviser. Sir Darwin this is France Gianna Fabian, a new student. I am hoping that your class would be nice to her." Sabi ni ninang kay sir Darwin.

"Of course ma'am." Magalang na sabi ni sir Darwin.

Pagtapos nun ay nagpaalam na si ninang.

"I'd like to welcome you to my class miss Fabian." Naka ngiting sabi ni sir Darwin kaya ngumiti ako.

Pagtapos nun ay nauna nang pumasok si sir Darwin at sumunod naman ako.

"Kaya mo to France.." sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok ng classroom.

Nasa harap na ako ng mga lalaki kong classmates na nasa halos 50 din.

"Please introduce yourself to everyone." Sabi ni sir.

Enrolled In All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon