♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀♂♀
Tatlong linggo pa ang lumipas at hindi na ako uli nagpunta ng ospital. Naka ilang tawag at messages na sakin sila Gino pero ni isa wala akong sinagot doon.
Because I felt the need to distance myself again.
Palabas na ako ng school dahil wala naman na akong gagawin. Patapos na din ang school year kaya hindi na ganun ka busy sa acads. Naglalakad ako sa quad ngayon nang matanaw ko si Dominic kasama ang mga kaibigan niya. Shit. Dirediretso lang akong naglakad at nagkunwaring hindi ko sila nakita.
"France!" napahinto ako nung marinig kong tawagin ako ni Gino. Lumingon ako sa kaliwa ko kung nasan sila at hinarap ko si Gino nung lapitan niya ako. Sumunod din sakanya sila Dominic at Dennis. "Kamusta na? Tagal mo di nagparamdam ah."
Naubo ubo naman siya nang hampasin ni Dennis ang likod niya. "Pasmado talaga bibig mo pre." bulong ni Dennis na narinig ko.
"Kamusta?" tanong ni Dominic kaya napatingin ako sakanya.
Puso ko tangina ang bilis ng tibok. Do pwede to.. Act normal France! Act normal!
Ngumiti ako. "I'm good. Ikaw kamusta?"
"Still recovering from the operation."
Tumango tango ako. "Good." simpleng sagot ko. "Sige una na ako. Ingat kayo." sabay talikod ko sakanila.
"Wait." Hindi ko nilingon si Dominic na nagsalita. "Can we talk?" hindi ako sumagot. Nakita ko sa gilid ng mata ko na umalis sila Gino at Dennis. Hinawakan ako ni Dominic sa braso at hinarap ako sakanya. Diretso lang ang tingin ko sa ibang direksyon. "I'm so sorry, love." hindi ko parin siya tinignan. "Hayaan mo akong bumawi sayo.."
This time tinignan ko siya sa mata habang nangingilid na ang mga luha ko. "Sorry? Mabubura lahat ng sorry?" tanong ko. "Babawi ka?" lumunok ako dahil ayokong sumigaw dito. "Bakit? Ganun ba kadali yon?" hindi siya nagsalita. "Dominic hindi mo alam yun epekto nun sakin. Ang alam mo lang, nasaktan mo ako pero hindi mo alam kung gano kasakit yung ginawa mo." pinunasan ko agad yung luhang tumulo sa mata ko at pinilit kong maging matapang sa harap niya. "Niloko mo ako. Ginamit mo ako. Alam mo bang nagtataka ako noon kung bakit bigla mo akong nagustuhan pero mas pinili kong magtiwala sayo dahil yun ang sabi mo, na pagkatiwalaan kita. Naniwala ako sayo Dominic.. binigay ko sayo yung buong tiwala ko. Binigay ko yung oras ko, yung puso ko. Pero ganito lang pala yung mangyayari. Sana una palang sinabi mo na sakin na tulungan nalang kita hindi yung putanginang gagamitin mo ako ng wala akong kaalam alam. Tangina. Tapos sa iba ko pa nalaman lahat.. Alam mo mahal kita eh.. hanggang ngayon kahit na sobra mo kong nasaktan. Kaso hindi ko alam kung pano uli magsisimula kasama ka. Di ko alam pano ko uli bubuuin yung tiwala na sinira mo. Di ko alam kung ano pa sa mga sinasabi mo yung totoo sa hindi. Ang hirap maging kampante.. kasi hindi ko alam kung ano pa yung pwedeng mangyari." tinakpan ko yung mukha ko dahil di ko na kaya pang magsalita. Basag na basag na yung boses ko sa pag iyak. "Alam mo yung past ko.. alam mong takot na akong at maloko.. pero--" hinabol ko ang paghinga ko dahil sa pag iyak ko. "pero ganun din yung ginawa mo." hindi na ako nakapag salita pa at bumuhos na lahat ng luha na kanina ko pa pinipigilan.
Ramdam ko ang pagkawak niya sa likod ko at pag yakap niya sakin, dahilan ng lalo kong pag iyak.
Gusto ko siyang yakapin.
Gusto kong sabihin na mahal na mahal ko siya.
Gusto ko siyang patawarin.
Gusto kong kalimutan ang lahat ngayon.
BINABASA MO ANG
Enrolled In All Boys School
RandomThis story is still on going, maniwala kayo sakin HAHAHAHA. Thank you!