Part 4: Guns and glory

11 0 0
                                    

Alas-tres ng madaling araw. Gising pa ang dalawa at nagkwekwentuhan.

"Bro, matagal ko ng nakikita sa bahay ninyo yung sinasabi mong demonyo. Hindi ko alam kung bakit siya nandoon. Ang alam ko lang kaya nagpapakita sa isang tao ang isang demonyo dahil maaaring may gawin siya dito o kaya naman meron siyang pakay dito." Paliwanag ni Haru na medyo kinakabahan.

"Ano'ng ibig mong sabihin bro? Papatayin niya ako?" Medyo kinikilabutang tanong ni Tadashi.

"Hindi bro. Tulad kahapon na-promote ka, maaaring may kapalit yang na-achieve mo. Sabi kase kapag ang Dios daw ang nagbigay ng grasya walang kapalit yon. Isa pa, Masaya ka talaga sa nakuha mo tsaka parang maliwanag o maaliwalas ang pakiramdam mo."

"Kabaliktaran nararamdaman ko. Hindi ako ganun kasaya sa nakuha ko. Ibig mo bang sabihin, demonyo ang nagbigay ng grasya na to?"

"Maari bro. Mag-ingat ka kase paniguradong may kapalit iyan. Di ba nga nababalitaan mo yung mga Illuminati na tinatawag? Pinagpapalit daw nila ang kaluluwa nila para lang sa kasikatan?"

"Bro, hindi ko naman hiniling ito. Kusa lang dumating."

"Maaaring hindi sa'yo pero baka sa mga kaibigan mo o kaya sa mga kamag-anak mo."

Napa-isip ng malalim si Tadashi. "Ang mga kapatid ko?"

"Sorry, bro. Parati kase ako nakakakita ng mga ganyan kaya mas minabuti ko ng mag-research tungkol sa mga ganyan. Actually, pinag-aaralan naming yan nung pumasok ako sa kumbento bago ako nag-pulis."

Tahimik si Tadashi.

"Bro, ayos ka lang ba?" Hinawakan ni Haru ang balikat ni Tadashi.

"Bro, matulog na tayo. Alas-tres na." Tulala na sabi ni Tadashi.

Tumayo na si Tadashi at pumunta sa kwarto niya para ayusin ang tutulugan nila.

Tumayo naman si Haru at inalalayan si Akio papunta sa kwarto ni Tadashi. "Bro, sabihin mo lang sa akin kapag may kakaibang nangyayari nandito lang naman ako para tulungan ka." Ibinaba na niya si Akio sa higaan ni Tadashi. Natulog na silang tatlo.

Alas-sais ng umaga. Nagising si Tadashi dahil tumutunog ang cellphone niya. Tumayo siya para hanapin ang cellphone pero hindi niya ito makita. Hinalungkat na niya sa bulsa ng pantaloon niya at sa loob ng cabinet niya pati na rin sa ilalim ng kama niya pero hindi pa din niya ito makita. Lumabas siya ng kwarto niya. Nakita niya ito sa sala. Kinuha niya ito habang tumutunog. Nakita niya na landline ang tumatawag. Sinagot niya ito.

"Hello, PO2 Oda Tadashi speaking. Sino po sila?" Pagtatakang tanong ni Tadashi.

"Tadashi? Si Tomoe 'to. Kamusta?" Masayang tanong ni Tomoe na medyo inis.

"Ah! Madam! Ayos naman ako. Kagigising ko lang. Napatawag po kayo?" Medyo kumabog ang dibdib ni Tadashi nang malaman niyang si Tomoe yon.

"Kanina pa ako tumatawag Tadashi. Actually, tumawag din ako sa presinto niyo kaso sabi day off mo daw. Buti maaga ka nagising? For sure wala kang gagawin. Pwede mo ba akong samahan?"

"Kasama ko po si Haru yung kinakapatid ko. Pwede ko po ba siyang isama?" Alanganing tanong ni Tadashi.

"Oo naman. Wala namang masama doon."

"Ah! Salamat po. 30 minutes nandyan na po kami sa hotel ninyo." Tinaas ni Tadashi ng bahagya ang kamay niya na nakataas ang tatlong daliri niya.

"Don't worry sa oras. I'll be ready at 7:30 AM. Take your time lang. Basta tatawag ako ng mga 7AM ha?"

"Ok po madam."

"Ok bye." Ibinaba na ni Tomoe ang phone na hawak niya.

Pumunta sa kwarto si Tadashi na may dalang pitsel ng tubig aat baso. Agad namang niyang ginising ang dalawa. "Inpector, gumising ka na d'yan. May pasok ka pa. Late ka na. Alas-otso na." Ipinatong niya ang pitsel na may malamig na tubig sa mesa sa tabi ng kama niya.

Walang ano-ano ay agad bumangon si Akio. Agad na humawak sa noo niya. "Aray! Ang sakit ng ulo ko."

"May malamig na tubig dyan sa mesa oh! Naparami kase yang inom mo kagabi."

"Ang daya niyo kase hindi naman kayo masyadong umiinom." Inabot niya ang pitsel at baso. Naglagayn siya ng tubig sa baso at ininom ito. Ibinuhos niya ang natirang kaunting tubig sa mukha ni Haru. Nagising ito.

"Pare!" Agad na bumangon si Haru. Natawa naman ang dalawa. "Ang sarap ng tulog ko e."

"Bro, bilisan mo na d'yan. Ma-le-late na tong si Inspector baka mapagalitan siya ni chief. Isa pa, may pupuntahan tayo."

"Saan naman?" Inalis ni Akio ang kumot, tumayo at inayos ang hinihigaan nila.

"Kay Miss Tomoe. Tumawag siya kanina."

Napatingin si Akio sa kaniya. "Iba na yan. May namumuo sa inyo ah! Pare, umamin ka. May gusto ka ba sa kaniya?"

"Ah? Me.. wala! Nagpapasama lang siya." Medyo nahiya ng bahagya si Tadashi.

Tumayo si Akio "Pare! Halata ka ahaha... Ayos lang 'yan. Gusto mo tulungan kitang manligaw?"

"Maligo ka na doon. Susunod na kami. Para kang babaeng chismosa. Hahaha..." Kumuha si Tadashi ng tuwalya sa cabinet niya.

"G*go! Nagtatanong lang." Hinanap niya ang mga damit niya.

"Eto tuwalya. May sabon na doon." Inabot naman ni Tadashi kay Akio ang tuwalya na hawak niya

"Oo salamat." Pumunta na sa banyo si Akio.

"Bro, sino si Tomoe?" Nag-aayos pa din si Haru ng pinag-higaan nila.

"Yung kahapon na na-holdapan dun sa may Disney land."

"Ah! Oo pala. Alam mo ba yung nang-holdap na 'yon. Grupo sila ng malalaking sindikato. Hindi sinasabi ni Akio pero nakita ko kahapon yung lider nila si Jujii siya yung nag-piyansa doon sa lalake. Kung hindi ako nagkakamali Fukuda Sensou yung pangalan ng holdaper. Isa din sa mga magagaling na bata ni Jujii. H'wag mong babanggitin kay Akio yung mga sinabi ko. Sobrang nanginginig siya sa takot nung hinarap siya ni Jujii" Umupo si Haru sa higaan.

Napaisip ng malalim si Tadashi "Bakit ganun, bro? Bakit kailangan nating matakot sa mga mayayamang sindikato? Hindi ba mga pulis tayo. Tagatupad at tagapangalaga tayo ng batas. Prinoprotektahan natin ang mga inosenteng tao pero bakit tayo ang natatakot sa mga hindi tumutupad ng mga batas? Ganoon na ba tayo kababa sa kanila?"

"Hawak nila sa leeg si chief, bro. Hindi mo pa alam 'yon di ba? Lagi ka kaseng nasa labas. Takot si chief kay Jujii dahil kapag lumabag si chief sa gusto ni Jujii papatayin lahat niya ang mga kamag-anak at pamilya ni chief. Kapag may nahuhuling bata ni Jujii agad na dumidiretso 'to kay chief at siya agad ang kinakausap privately. Hindi na lang kumikibo ang mga kasamahan natin... Kaya kapag may nagsampa ng kaso sa mga bata ni chief siya mismo ang kinakalaban mo."

Hindi mapakali si Tadashi sa mga sinabi ni Haru. "Dapat malaman agad ni Tomoe ito. Hindi na dapat siya lumaban."

Mabilis na nag-handa sila Tadashi. Gamit ang sasakyan ni Haru, hinatid nila si Akio sa presinto at pumunta agad kay Tomoe. Habang nasa daan sila Tadashi. Tumawag naman si Tomoe. Agad na sumagot si Tadashi.

"Madam, nandyan na kami within 5 minutes. May importante kamiing sasabihin sa iyo."

"Tadashi! Tulungan mo ako!" pabulong na sabi ni Tomoe sa phone.

"TOMOE?" kumabog ng matindi ang dibdib ni Tadashi. Kinakabahan siya sa narinig niya.


To be continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon