Part 23: Lust and Fashion

14 0 0
                                    

Sa isang bar sa New York City:

"One glass rhum." Sabi ni Nero sa bartender nang maupo sya sa bar table.

"Here you go, sir." Binigay ng bartender ang isang basong rhum na hiningi ni NEro. Pagkatapos ng tatlong baso ay may dumating na isang babae.

"Hello." Sabi ng babae kay Nero.

"Hi." Medyo nahihilong sagot ni Nero.

"I'm Paloma. You are?" kumumpas si Paloma sa bartender at binigyan sya ng cocktail drink.

"Nero. You're such a beautiful woman. Mehikano bebe?" Pabirong sagot ni Nero.

Natawa si Paloma. "Mukhang lasing na lasing ka na."

"Hindi pa ako lasing. Gusto mo ba akong samahan dito?"

"Oo naman. You're alone kaya kita nilapitan. Mukha namang masaya ka."

Hindi nag-agree si Nero. "No, I'm not. Kaya nga ako nandito dahil gusto kong kalimutan ang mga problema ko."

"Well, don't tell me you've been broken up with your girlfriend no?"

"No. Wala akong girlfriend. I've just wondering these days. Masyado kong pine-pressure ang sarili ko. Lalo na sa trabaho kaya nandito ako ngayon."

"Oh I see... I think you need to release every stress." Lumapit si Paloma kay Nero at hinimas-himas ang balikat ni Nero.

Nakiliti ng bahagya si Nero. Tumingin siya kay Paloma . "I think I need to."

Pagkatapos ay naglakad-lakad sila sa labas ng park.

"Nero, matagal na akong naglalakad dito sa park pero kahit kailan hindi pa ako nakakilala ng kagaya mo."

"How come? Hindi mo pa naman ako masyadong kilala?"

"I know. And I think there is a good heart in you."

Napatigil si Nero sa paglalakad at natulala dahil sa napansin niyang anino sa likod ng isang puno.

"Hey. Why did we stop?" Gulat na tanong ni Paloma.

"hah?" Inosenteng sagot ni Nero na parang wala talagang narinig.

"I said why did we stop?"

"I'm sorry. May nakita lang kase ako."

"Ano 'yon?"

"Never mind. I need to rest for now. Magkita nalang tayo ulit bukas."

"I think so. Salamat sa oras mo."

Kumuha ng pera si Nero para sana ibigay kay Paloma. "No, I don't need money. Companionship mo lang ang gusto ko."

"You need this."

"Hindi. Salamat. Mauna na ako."

Nag-hiwalay na sila ng daan. Didiretso na sana si Nero pero nilingon niya ulit si Paloma. Nagulat siya dahil mabilis na nawala si Paloma.

Sa bahay ni Nero: Nakahiga siya sa kanyang kama. Napakunot-noo siya nang maalala niya ang anino ng isang lalaki na nakita niya sa park. Hindi siya mapakali at hindi makatulog dahil parang nakita na niya dati ang lalaki na ito. Iniisip niya ang anino na ito hanggang abutan na siya ng umaga.

Kinabukasan: Tumawag si Miguel Garcia sa phone ni Nero. Si Miguel Garcia ay ang secretary ni Nero.

Over the phone:

"President, kailangan na po namin kayo sa meeting ngayon. Kanina pa po nag-hihintay ang ibang administrator dito sa hall."

"Ok. OK. Papunta na ako. 30-mins." Sabi ni Nero nang mapabangon siya sa kanyang higaan. Nagmadali siyang nag-ayos at pumunta agad sa opisina nila.

End of call.

Sa Eleganza® Fashion and Style Industry: Late ng dumating si  Nero sa hall of fashion.

"President, we need urgent updates regarding with the latest projects that you've released yesterday. We are waiting 'til now." Sabi ng CEO ng industry.

"We're waiting like hell!!! Ano bang pinagkakaabalahan mo?! Hindi ibig sabihin na presidente ka sa kumpanyang ito e winawalang bahala mo na kami." Sabi naman ng Vice president for fashion and styles.

"Relax. Ladies and gentlemen! It is my honour that you give importance to this industry. However, we must be patient for everything..."

"How can we be keep patient? Marami ng mga clothing company ang naglalabas ng bagong style ng mga apparel. If we keep f*cking calm and relax, our industry will be facing consequences! Bear that in your mind!"

Nag-play naman ang isang video. Natulala lahat ng mga Administrator na naroon sa hall sa video na naka-flash sa screen... Pagkatapos na mapanood nila ang video, nagsilabasan ang mga model ng bagong apparel nila. Tumayo si Nero "Can you please repeat everything you've said a while ago? Hindi ko kase maintindihan."

Tumayo ang CEO ng company. "IMPRESSIVE! Kailangan pala magalit pa kami sa'yo bago mo ipakita ang totoo mong potensyal e."

"Sino bang may sabing magalit kayo? Kayo lang naman itong masyadong atat."

Tumayo naman ang VP na medyo galit. "Mr. Nero, you should know the consequences you are facing right now. It is not my loss if one day these achievement of yours will disappear."

"Mr. Milo Vazquez, go back to your office. You must work hard for now. Hindi yung puro ka satsat." Sabi naman ni Nero kay Milo.

Ibinagsak ni Milo ang mga hawak niyang papel at bolpen at tsaka siya lumabas.

"Hayaan mo siya, Nero. He's just insecure kase mas maganda ang mga apparel na inilabas mo kumpara sa mga layouts niya. Maintain these sophiscated designs. Malaki ang itataas ng Eleganza® kapag nagpatuloy ang ganitong kalakaran natin. Kahit kailan hindi ko pa nakita ang mga ganitong designs sa mga inilabas na designs ng ibang clothing company."

"Salamat po sa lahat ng compliment, madam. Help me to be more competent para po sa request din po ninyong maging sophisticated ang mga designs na ito."

"Meeting is dismissed. Go back to your office. Thank you for waiting." Sabi ng CEO.

Nagsibalikan na lahat sila sa kanya-kanay nilang opisina.

Sa opisina ni Nero: Kausap ni Miguel si Nero.

"Sir, napa-wow niyo po lahat ng mga administrator kanina. Ang galing po ng mga ideas na inilabas ninyo."

"Miguel, thanks to you dahil naging possible 'yung mga yun."

"Opo sir. Salamat din po sa opportunity na binigay ninyo." Nakangiti lang si Miguel.

"Sa susunod na project ikaw ang gagawa ng mga designs. Gusto kong ipangalan sa iyo iyon dahil alam kong malaki ang potensyal mo."

"Sir? Hindi nga po?" Nagulat si Miguel.

"Oo. Kaya mag-hanap ka na ng mga pwede mong pagkuhanan ng mga designs mo."

"Opo sir... Ay! Sir! Bago ko po pala makalimutan may meeting po kayo mamayang 1PM sa isang clothing firm na kumuha ng isang design ninyo. Ibibigay na po ata yung offer nila sa inyo."

"Sumama ka. Ililibre kita after."

"Talaga sir?"

"Oo. Tsaka may ipapakilala akong babae sa iyo. Napakaganda niya."

"Sino siya sir?"

"Paloma ang pangalan niya. Nakilala ko siya sa bar kagabi kaya nga na-late ako."

"Kaya pala sir. Inuwi mo ba siya?"

"Hindi. Dahil may nangyaring hindi maganda. May nakita akong anino ng lalake sa park kagabi. Hanggang kaninang umaga hindi mawala sa isip ko 'yun dahil sa parang nakita ko na dati 'yon.

"Sir, hindi po kaya may kinalaman po iyon sa dati n'yong buhay?"



To Be Continued...


Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon