Part 10: The man in the mirror

11 0 0
                                    

"Bakit?"

"WALA!!! Aalis na ako!!" Sigaw ni Tomoe sabay lumabas ng VIP room. Agad namang sinundan ni Tadashi si Tomoe. Hinila ni Tadashi ang kamay ni Tomoe. "ARAY!" sabi ni Tomoe na parang napalipit ang kamay niya.

Bumitaw naman agad si Tadashi. "Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Ano bang intensyon mo at bigla ka naghubad sa harapan?" Sabi ni Tomoe na paharap kay Tadashi.

"Hindi ko alam. Natutulog ako kanina at pawis na pawis ako. Nakita mo naman yung damit na suot ko kanina para akong lumublob sa tubig." Paliwanag ni Tadashi.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo!"

"Binangungot na naman kase ako." Lumumanay at nanghina ang boses ni Tadashi.

Nanibago bigla si Tomoe. "Huh? Ano yun?" Pagtataka pa nito.

Ngumiti si Tadashi. "Wala 'yon. 'Wag mo ng pansinin yun." Kumamot si Tadashi sa ulo niya. "Mag-breakfast na tayo. Nag-handa na sila tita Maria ng makakain."

Sa Lamesa habang kumakain sila:

Television: Breaking news: Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang nilooban ang Banco Archipelagica. Tinutuntun pa din ng mga pulis ang mga suspek sa pagnanakaw ng hindi bababa sa limangdaang milyong pisong mga pera at alahas na nakatago dito sa bangkong ito. Ang mga nasabing suspek ay hindi lang basta-basta mga suspek at may suspetyang galing sa malalaking sindikato ang mga ito. Ayon sa pamahalaan ng Banco Archipelagica. Eto muna ang latest at magbabalik ang The breaking news.

"May magnanakaw naman ngayon?" Sabi ni Tadashi.

"Matagal ka na bang nakatira dito?" Tumitingin sa paligid si Tomoe habang nagtatanong.

"Oo. Eto talaga ang bahay namin. Malayo sa trabaho ko kaya madalas hindi ako dito umuuwi. May rest house kami sa Arayat. Doon ako namamalagi. Sabi ni tita sa akin doon na lang ako tumira kaysa mag-upa pa ako ng bahay. Wala din kaseng nakatira doon."

"Bongga! May rest house pa! Ikaw na talagang mayaman! Hindi ko expect na haciendero ka pala."

"Ipinamana lang sa akin ng mga magulang ko bago sila mamatay." Biglang nalungkot si Tadashi.

"Sorry, Tadashi. Ayos lang ba kung tanungin ko kung paano sila namatay?"

"Kumain na lang tayo. H'wag na natin pag-usapan 'yon."

Pagkatapos nilang kumain.

"Tadashi, samahan mo ako. Gusto ko pumunta sa mall. Pantanggal lang ng stress tsaka ng trauma sa nangyari kahapon. Ayaw ko ng isipin 'yon kaya please samahan mo ako." Pakiusap ni Tomoe sa kaniya habang nag-huhugas ng mga pinagkainan si Tadashi.

"Tapusin ko lang ito. Mag-ready ka na. Sasamahan kita."

"OK. sige. Salamat, Tadashi." Lumapit si Tomoe at yinakap niya si Tadashi sa likod.

"Tomoe."

"Ay! Sorry. Nasanay lang kase ako sa tatay ko."

"Ibig sabihin para mo akong tatay?" Napaharap si Tadashi kay Tomoe. "Grabe ka sa'kin. Hindi naman ako mukhang matanda."

"Sorry! Sorry!" Nalungkot si Tomoe.

Napansin ni Tadashi na iba ang lungkot ni Tomoe. "O? Bakit parang napakalungkot mo naman?" Tanong ni Tadashi habang tinutuloy ang ginagawa.

"Kaya ako nandito kase may kailangan akong kalimutan. Sa tingin ko sa mga nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw nalimutan ko na yun."

"Tungkol ba 'yan sa tatay mo?" Patuloy pa rin si Tadashi sa ginagawa.

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon