Part 24: The woman of mysteries

10 0 0
                                    

"Never mind. Kung ano man ang naging past ko hindi ko na naalala 'yon. Kaya nga ako nandito sa New York para magkaroon ng bagong buhay at hindi na balikan pang muli kung ano man ang mga nangyari dati."

"Sir, even a single memory. Wala na po talaga kayong naaalala?"

"Wala na."

"How sad it is kung ganun. Nalimutan niyo na lahat pero may naiwan pa ring mahabang peklat sa ulo ninyo nang kung ano man ang nangyari sa inyo sir."

"Hayaan mo na 'yan. Kung ano man ang nakaraan iniwan ko na 'yon dahil alam kong hindi maganda ang nangyari no'n... Maybe, let us have our lunch. Diretso na rin tayo doon ngayon."

"Ok sir."

After nilang mag-lunch. Sumakay na sila sa kotse at papunta na sila sa isang sikat na clothing company. Habang papunta sila doon.

"Miguel, please keep this as a secret. Ayaw kong masira ang industry na pinapasukan ko at binibigyan ko ng mga designs ko. Malaki ang offer ng clothing company na 'to kumpara sa Eleganza®. Ayaw kong nakikipagsapawan kay Milo. Nakita mo naman siguro kung ano yung ugaling ipinakita niya kanina sa meeting."

"Sir naman. Kailan ba ako naging hindi tapat sa inyo? Magmula't sapul lahat ng sikreto ninyo naitago ko na sa baul bago niyo pa sabihin."

"Maasahan talaga kita, Miguel. Kaya hangang-hanga ako sa lahat ng mga ipinapakita mong performance. Hindi magtatagal magiging business partners na tayo."

"Sir? pangarap ko po 'yan."

"Hayaan mo kapag ako na ang naging CEO at nagmamay-ari ng clothing company na 'to ikaw ang gagawin kong first high class designer ng company natin."

"Sir, napakabait niyo po talaga sa akin."

Nakangiti naman si Nero sa kaniya. "Hindi lang kita secretary, pinagkakatiwalaan din kita."

Lumingon sa daan si Miguel at nakita niya ang isang babaeng patawid ng daan. Napasigaw siya sa takot. "SIR! MABABANGGA NIYO PO YUNG BABAE!!!!"

Napaiwas sa daan si Nero dahil napansin niya din ang babaeng ito. Agad na iniliko niya ang daan at dumiretso ito sa kabilang pasalubong na daan. Umiwas siya sa isang kotseng pasalubong at dumiretso sa dagat na katabi lang ng daan. Lumubog ang kotse nila kasama silang dalawa. Nawalan na ng malay si Nero pero si Miguel ay sinusubukang buksan ang kotse. Nauubusan na ng hininga si Miguel at kaunti na lang ay susuko na siya. Napapapikit na siya dahil hindi na kaya ng hininga niya ang tubig. Isang babae naman ang nakita niyang lumalangoy sa dagat. Purong puti ang kaniyang suot. Kulot at blonde ang kanyang buhok na medyo may pagkasingkit. Binuksan ng babae ang pintuan at tinulungan ang dalawa. Nawalan na rin ng malay si Miguel. Nang makawala sila sa kotse ay umakyat sila sa ibabaw ng tubig.

Ilang oras ang lumipas. Dumating ang NYPD at ang ambulansya para mag-rescue sa kanila. "They're alive! I repeat! They're alive!" sabi ng isang pulis na lumalangoy habang pinupulsohan niya ang dalawa.

Agad na dinala sila sa ospital para i-check ang vitals nila. Ilang minuto pa ay nagising si Nero. "Tomoe..."

"Gising na si sir." Sigaw ng isang nurse na nag-aayos ng gamit.

Agad na dumating ang doktor. "Sir, Relax lang po kayo. Kailangan po namin i-check ulit ang vitals ninyo.

"Dok, nasaan ang kasama ko? Si Miguel?"

"Naroon po siya sa ICU. Critical po ang kalagayan niya."

"Paano nangyari 'yon?" Napatayo si Nero sa kanyang hinihigaan.

"Dahil po sa pagkakalunod." Sabi ng doktor habang inaalalayan si Nero na humiga ulit.

"Bitawan mo ako." Galit na sabi ni Nero.

Tumayo siya at pinuntahan si Miguel sa ICU. Tumatakbo siya nang makasalubong niya si Paloma. "Nero? What are you doing here?"

"It's none of your business." Galit na sabi niya kay Paloma dahil hindi niya ito masyadong namukhaan.

"Oh! Sorry." Nabiglang sagot ni Paloma.

Dumiretso si Nero sa ICU. Sumunod naman si Paloma sa kaniya kahit ganoon ang sinabi ni Nero sa kaniya.

Sa loob ng ICU: nakaluhod na nakasubasob ang mukha ni Nero sa higaan ni Miguel habang siya ay umiiyak.

"Miguel, sorry. Hindi kita nailigtas. Kasalanan ko kung bakit hindi ako tumitingin sa daan."

"Nero, ano bang nangyari sa inyo ni Miguel?" Tanong ni Paloma.

Napatingin naman sa kaniya si Nero. "Bakit ka nandito?"

"Nagpacheck-up lang ako."

"Sorry sa nasabi ko kanina." Tumayo si Nero at yinakap si Paloma.

"It's nothing. Sanay naman ako ng ginaganon."

Umupo si Nero sa upuan na nasa loob ng ICU. "Mayroon kaseng babaeng tumatawid kanina sa John Berry Boulevard. Sinubukan naming iwasan. Naiwasan naman namin siya kaso kami naman yung nahulog sa dagat." Tumingin si Nero kay Miguel na nakahiga sa ICU.

"Kailangan ng magising ni Miguel. Hindi pwedeng magtagal kami ng ganito. Sa kaniya ko ibibigay ang company na kukunin ko. Napakabait sa akin ni Miguel magmula pa noon para ko na rin siyang kapatid. Kung hindi dahil sa kaniya hindi ko makukuha lahat ng natatamasa ko ngayon."

Hinimas-himas ni Paloma ang likod ni Nero. "Nero... Magigising din si Miguel."

"Kailangan ko ng pumunta sa pupuntahan ko. Gusto kong sorpresahin si Miguel. Makikiusap sana ako sa'yo na bantayan mo sana si Miguel hanggang makabalik ako. Ayos lang ba sa'yo?"

"Ayos lang naman sa akin. Ako ng bahala dito."

"Salamat." Umalis na si Nero.

Tumayo si Paloma sa pagkakaupo at lumapit kay Miguel. Nagising si Miguel dahil sa narinig niyang nag-uusap. Inaasahan niyang si Nero ang makikita niya ngunit si Palomaang nakita niya  na nakatayo sa harap niya, nanlilisik ang kaniyang mga mata at tila papatayin si Miguel. Bumilis ang hininga at tibok ng puso ni Miguel dahilan para makita ng mga nurse sa Cardiac Monitor ang kalagayan nya sa ICU. Mabilis na dumating ang mga doktor at nurse sa ICU para maisalba si Miguel. Ilang oras ang lumipas at naging mahinahon na siya. Nasa ICU pa rin siya dahil hindi pa rin stable ang kondisyon niya.

Sa clothing company na pinuntahan ni Nero:

"Congratulations, Nero. Ibinibigay ko na ng buo ang company na ito sa iyo. Kakaibang performance ang ipinakita mo sa mga designs mo. Maraming mga fashion company ang gustong gayahin ang sophistications ng mga apparel mo pero syempre napaka-unique nito. Anyway, Masyado na akong maraming hinahawakang clothing line. Hindi ko na kayang i-handle pa ang company na ito." Sabi ni Marco Fuentes, ang may-ari ng highest fashion brand at industry na sikat sa buong mundo. Tinawagan ni Marco ang kaniyang lawyer. Agad na dumating ito dala ang lahat ng dokumentong kailangan para maipasa kay Nero ang lahat ng properties ng company sa pangalan niya.

"Maraming salamat po, sir. Hindi niyo po alam kung gaano niyo po napasaya ang kaibigan ko. Pangarap niya po kase ito sa akin kaya kapag nagising po siya magiging masaya po iyon."

"Napa'no ba ang kaibigan mo?"

"Kung mapapansin niyo po sir. Kagagaling ko lang po ng ospital. Naaksidente po kami. Na-ICU po siya. Kaya ako lang po ang nagpunta dito ngayon."

"Hindi ba si Miguel ang tinutukoy mo? Sekretarya mo siya di ba?"

"Oo sir. Kaya malaking pasalamat ko po sa ginawa niyo po sa amin."

Pinapirma na ni Marco si Nero sa mga documents na kailangan.



To Be Continued...


Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon