Part 20: Diamonds are forever... trouble

7 0 0
                                    

Sa kotse: Habang pauwi sina Boushoku at Haru.

"Pare, nakokonsensya ako." Sabi ni Boushoku.

"Hindi na natin pwedeng ibalik 'yan. Kung ano man ang mangyari sa ating dalawa na lang 'to. Pwede ba?"

"Oo pare."

Nakauwi na sila sa dorm nila. Nakita nilang dalawa na sira ang pintuan ng kanilang dorm. Pumasok sila at nagulat sila sa mga nadatnan nilang apat na lalakeng naroon. Nadatnan din nilang nakatali na patayo si Hotaka. Ginulo nila ang buong dorm para kalkalin ang mga dyamanteng hinahanap nila.

"Pare, tulungan niyo ako." Sabi ni Hotaka habang umiiyak.

"Kayo na naman?" Galit na sabi ni Haru. "Ilang beses ba namin sasabihin sa inyo na wala sa amin ang mga dyamanteng hinahanap ninyo."

"Paano mo nalamang dyamante ang laman ng kahon na 'yon?" Tanong ng lalake. Napatakip ng bibig si Haru. "Itali niyo yang mga yan. Kailangan nating malaman ang katotohanan. May mga nalalaman sila."

"TEKA! SINO BA KAYO?!" Sigaw ni Boushoku sa mga lalakeng ito."

Napatingin silang lahat sa kaniya."Pare, malaking tao 'yan mag-ingat kayo d'yan." Sabi ulit ng lalake. "Importante ba sa iyong malaman mo ang pangalan ko?" Dugtong pa niya.

"Wala naman kaming ginagawang masama sa inyo pero bakit kami ang pinagdidiskitahan ninyo?"

"Siya ang nakita namin sa loob ng building. Kaya nandito kami ngayon. Kailangan naming bawiin ang kahon na 'yon."

Itinali na nila ang dalawa. Nakasabit naman ng pabaliktad si Haru sa kisame.

"Ako si Don Yoku. Kung nakikilala niyo ako."

Nanlisik ang mga mata ni Haru. "Ikaw ang business tycoon na pinakamayaman dito sa buong Pilipinas di ba? Bakit hindi kita agad nakilala? Sir, Sorry po sa nangyari."

"Wag ka ng magpaligo-ligoy pa. Sabihin mo sa amin kung saang lupalop niyo dinala ang kahon na 'yon?"

"Hin-" Natigilan si Boushoku nang patuloy na nagsasalita si Haru.

"Sir, wala po talaga kaming kaalam-alam sa sinasabi ninyo." Sabi ni Haru.

"Pare, ibigay niyo na yung hinihingi nila para paalisin na tayo dito." Sabi ni Hotaka pagkatapos ay sinuntok siya ng isang lalake sa tiyan. "Aray! Tama na! Masakit" maduwal-duwal na sabi ni Hotaka.

"Wala nga kaming ibibigay na kahon sa kanila. Hindi namin alam kung bakit sa amin niya hinahanap yung kahon na yon." Iritang sabi ni Boushoku.

"P*TA! Tumahimik nga kayo d'yan! Sabihin niyo na ang totoo kung hindi tutuluyan ko na itong kaibigan niyo." Sigaw ni Don Yoku at bumunot siya ng baril.

Ipuputok na sana ni Don Yoku ang baril kaso ay biglang bumagsak ang kisame.Tumama ang ulo ni Haru sa sahig kaya mahilo-hilo sya. Dahil sa gulat ng mga lalake ay napatakbo sila palabas ng dorm. Tuluyan na silang umalis ng dorm nila Haru.

"Pare, iniwan na nila tayo dito. Paano natin kakalagan 'to?" tanong ni Hotaka.

"Lumapit ka dito." Sabi ni Haru.

Lumapit naman si Hotaka at kinagat-kagat ni Haru ang tali ni Hotaka hanggang makalag niya ang tali. Nang makalag na rin ni Hotaka ang mga nakatali sa mga kaibigan niya ay nagtanong siya. "Ano'ng dyamante ang tinutukoy mo Haru? Mayroon ba akong hindi nalalaman dito? Kauuwi ko lang galing ng presinto bigla ba naman akong sinunggaban dito sa loob tsaka nila ako tinali. Wala na akong laban kase wala naman akong dalang baril..." Hinawakan niya ang kamay niya. "Ang sakit ng kamay ko sa pagkakatali nila. Napakahigpit."

"Pare, pasensya ka na nadamay ka pa. Nadamay ka na lang din naman, idadamay ka na rin namin." sabi ni Boushoku. Pumunta sa labas si Boushoku at kinuha ang bag na puno ng perang galing sa jewellery shop na pinagpalitan nila ng diyamante at nagkakahalaga ito ng mahigit 2.5 Million pesos.

"Alam mo Boushoku, kailangan na nating ibalik yung diyamante. Hindi na maganda yung ginagawa nila. Baka mapatay pa nila tayo." Sabi ni Haru.

Napaisip si Boushoku habang binubuksan niya ang bag. Nakita naman ni Hotaka na ang daming perasa loob ng bag.

"Pare! Ibig sabihin kinuha niy nga yung mga diyamante?" Tanong ni Hotaka.

Itinuro ni Haru si Boushoku. "Siya ang may kasalanan. Siya yung nakakuha ng kahon na 'yon."

"Saan mo ba nakuha 'yon Boushoku?" Tanong ni Hotaka. "Sabi sa presinto nung panahon ng operasyon natin, may mga naunang pumasok sa atin. Doon daw talaga itinatago ni Don Yoku yung mga kayamanan niya dahil hindi na magkasya sa bahay nila... Ilang beses na silang pabalik-balik sa opisina pero kahit kailan hindi nila nareport na mga dyamante 'yon."

Dumukot si Boushoku sa bulsa niya. Kinuha niya ang mga natirang mga diyamante. Nagulat naman si Haru. "Nag-iwan ka pa? G*go ka talaga!" Sabi ni Haru.

"Pasensya na. Nagandahan kase ako e."

"Hoy! Hindi 'yan pagkain a! baka mamaya kainin mo 'yan." Sabi ulit ni Haru.

Kinuha naman ni Hotaka ang isang piraso ng diyamante. "Hindi pangkaraniwang mga diyamante to ah! Mga red diamonds to na nagkakahalaga ng $25,000+ kada carat sa merkado. Mas mahal ito kung dadalhin ito sa black market, umaabot ng $100,000+ kada carat. Magkano bili nila?"

"$2,500 per 0.5 carat." Sabi ni Haru.

"ANAK NG! PUMAYAG KAYO??" Gulat na gulat na sabi ni Hotaka.

"Kailangan na kase namin dispatsahin yun tulad nga ng nangyari ngayon. Pumunta sila dito. E di kung hinayaan namin 'yan d'yan kami pa ang makakasuhan."

"Nagmamalinis pa pala kayo ah! Ako ng tatawag sa presinto gusto niyo?" Kukunin na sana ni Hotaka sa bulsa niya ang cellphone niya pero pinigilan siya ng dalawa "Uy! Pre! Teka! Teka!" Teka lang... Imbis na magsumbong ka sa opisina tulungan mo muna kami."

"Gumawa tayo ng agreement. Ayos ba 'yon?" Sabi ni Hotaka at inilabas niya ang cellphone niya.

"Ano 'yon?" Tanong ni Haru.

"Mangako kayo pagkatapos natin maibalik sa kanila ang mga diyamante. Isusuko niyo ang sarili niyo kay chief. Pulis pa naman tayo pero tayo ang pinagmumulan ng ganitong pangyayari."

Napaisip ang dalawa. "Payag ako." Sabi ni Haru.

Hindi umiimik si Boushoku. Dinagukan ni Haru si Boushoku. "Alam ko na ang mangyayari kapag sumuko ako sa kaniya... Ayaw ko."

"Pre, nakain mo na lahat ng pagkain. Ano pa bang hahanapin mo?"

"Ayaw ko pang mamatay. Hindi ko kaya." Sabi ni Boushoku.

"Iba ka talaga, Boushoku. Bagong-bago ka palang dito pero ang dami mo ng trouble na ginawa." Sabi ni Hotaka na sarcastic ang boses.

"Tama na yan! Pumunta na tayo sa jewellery shop na 'yon para maibalik na natin ang mga dyamante na 'yon kay Don Yoku."

Lumabas na sila ng dorm, sumakay sa kotse at pumunta na sa jewellery shop na binentahan nila ng dyamante.


To Be Continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon