Part 2: Release your chakra within you.

14 0 2
                                    

"117 alert! May holdaper sa labas ng Disney Land. I repeat! 117 alert! May holdaper sa labas ng Disney Land. 3 minutes ago."

Mabilisang rumesponde ang mga Clark Police papunta sa nabanggit na lugar. Agad na pinalibutan ng sampung kotse ng pulis ang Disney Land para siguraduhing hindi makakatakas ang suspek.Nakita ng mga pulis sakay ng kotse ang lalaking tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng insidente. Hinabol nila ito. Pinuntahan naman ni Tadashi ang babaeng nakaupo at umiiyak sa bench ng parke para subukang ibaba ang tensyon. Nilapitan niya agad ito. "Miss, ayos lang po ba kayo?"

"Nakita mo na nga'ng umiiyak ako itatanong mo pa kung ayos  lang ako? para kang Ex ko! Nakita ko na siyang may ibang babae pero itatanong niya pa sa akin kung makikipagbreak ako sa kanya?! Shit ka!" Pinunasan niya ang luha niya.

"Sorry po. H'wag na po kayong humugot. Ano po bang nangyari?"

"na-hold-up-an ako. Kinuha yung 5,000 pesos na dala ko tsaka yung iPhone ko." Tuloy pa din siya sa pag-iyak.

"Nakita nyo po ba kung ano'ng itsura niya tsaka suot niya?" Sunod na tanong ni Tadashi.

"Malamang itsurang holdaper. Suot din niya damit. Mas madali ko siyang makikilala siguro kung nakasuot lang siya ng dahon." Hindi mapakali ang babae kaya tumayo siya. "Ako pa ba ang hahabol sa kaniya para lang kunin yung mga gamit ko? Pwede ba? Pulis kayo hindi kayo Host sa gameshow para magtanong ng kung ano-ano. Bakit hindi ninyo habulin ung tukmol na yun na kumuha ng mga gamit ko." Dugtong pa niya.

"Hinahanap na po siya ng mga kasama ko. Kalma lang po kayo."

"P**a ka! Pinapakalma mo pa talaga ako? Kung kunin ko kaya yang baril mo at itutok ko sa utak mong walang laman. Kakalma ka pa?"

Agad na hinawakan ni Tadashi ang baril niya at humingi ng paumanhin "Sorry po. Wala na po ako'ng sasabihin. Basta po h'wag na po kayong mag-alala mahuhuli din po namin yung kumuha ng gamit ninyo."

"Sobrang grabe naman itong lugar na ito! Mga bobo na nga ang mga pulis napakadelikado pa! 'Du ba trabaho ninyo'ng mag-bantay sa lugar na ito? Bakit wala man lang mga pulis dito?"

"May naka-duty na po dito."

"Kung may naka-duty bakit nanakawan pa din ako? Pinapakita mong isa akong malaking TANGA??"

Tumunog ang radyo ni Tadashi. "PO1 Oda,  nahuli na po ang holdaper.  over!"

Pinindot ni Tadashi ang radyo para magsalita. "Copy, sir. Over!"

"Papunta na kami sa presinto. Over!"

Pinindot niya ulit ito. "Papunta na din kami, Sir. Over!" Hindi na muling tumunog ang radyo. "Miss, nasa presinto na po ang mga gamit ninyo."

"Paano mo nalaman? Wala naman siyang sinabi. Narinig ko lang na nahuli na nila yung holdaper malay ko bang siya yun."

"Sumama na lang po kayo para makasiguro tayo."

Sumakay na sila sa kotse. Habang tumatakbo ang kotse. "Siguraduhin mong nandoon na ang mga gamit ko kung hindi kakasuhan kita."

"Miss, pwede po bang tumahimik na lang po kayo? Pulis po ako pwede ko po kayong kasuhan. Lalo na po binigyan niyo po ako ng threat."

Tatahimik sana ang babae pero binanggit na lang niya na "I'm a lawyer. I can sue you to court immediately."

Tumigil ang sasakyan. "Nandito na po tayo." Bumaba sila sa kotse at pumasok sa presinto. "Sir, nandito na po ang biktima." Sabi ni Tadashi na lumapit kay Detective/Inspector Oshiro Akio

"Miss, ano pong pangalan ninyo?" Tanong ni D/Insp. Akio.

"Nasaan yung holdaper?" Tanong ng babae.

"Miss, kailangan po namin ng impormasyon tungkol sa inyo. Hindi niyo po muna pwedeng makita ang suspek dahil baka kung ano po ang pwede ninyong gawin sa kaniya. Na-retrieve po namin yung cash sa kaniya na 5,000 pesos tsaka iPhone 8s sa kaniya. Miss, bago po namin ibigay sa inyo ito at makita yung suspek kailangan po namin ng impormasyon tungkol sa inyo." Tuloy-tuloy na sabi ni D/Insp.Akio na parang nag-ra-rap.

"Tomoe Gozen, ang pangalan ko. 23 years old. Nakatira ako sa Manila. Nandito ako para magbakasyon. Naka-check-in ako d'yan sa Palazzo Dei Sogni ng hanggang June. May tanong ka pa?"

"Miss Gozen, apelyido niyo po yun di po ba? Alam niyo po ba kung sino si Tomoe Gozen?" Tanong ulit ng inspektor

"Oo. Samurai woman siya ng Japan during civil war. Eto ipinangalan sa akin ng mga magulang ko ano'ng magagawa ko. Hindi ko lang alam kung kamag-anak ko siya kase Gozen din apelyido namin na katulad sa kaniya." Sabi ni Tomoe. "Ibibigay mo na ba ang gamit ko?" Dugtong pa nito. "Kung itatanong mo na magsasampa ako ng kaso sa kaniya. Oo! magsasampa ako ng kasong robbery sa kaniya. Para naman mabawasan ang mga taong masasama dito sa Pilipinas!"

Natulala si D/Insp. Akio at Tadashi.

"Sir!" Sigaw ni Tomoe.

Nagulat naman si Inspector Akio. "Ah! Eto pirmahan mo."  Ibinigay ni D/Insp. akio ang record book niya tsaka ang signature pad nito sa computer.

Bumulong naman si Tadashi habang nag-s-sign. "Sir! Lawyer daw po siya."

"Yes! I am a lawyer. Kailangan mo pa bang ibulong sa kaniya samantalang naririnig ko naman. Don't  make mu dumb, you idiot! Ako ang magsisilbing lawyer at witness sa sarili ko. Wala ng iba. May question pa kayo?"

"Wala na po Ma'am. Sorry po sa abala." Ibinalik ni D/Insp. Akio ang mga gamit ni Tomoe sa kaniya. 

Ch-in-eck muna ni Tomoe kung 'yon talaga ang mga gamit niya. "Thank you. Eto na 'yon. Next time paki-double check ninyo ang mga pulis ninyong nag-du-duty. Hindi nila ginagampanan ng mabuti ang kanilang tungkulin. Sineswelduhan kayo ng maayos ng mga nasasakupan ninyo puro katangahan lang ang inaatupag ninyo."

"Pasensiya na po ma'am. Sabi po ng pulis na naka-assign doon. Sinadya po talaga ng suspek na tapos na po sila magronda doon sa lugar ng pinangyarihan. Humihingi po kami ng paumanhin sa nangyari."

"Nag-pasa na ako ng complaint. Batas na lang ang bahala sa kaniya." Sabi ni Tomoe.

"Ma'am Gozen. Ihahatid ko na po kayo sa tinutuluyan ninyo." Sabi ni Tadashi.

"Mabuti pa nga para may pakinabang ka." Sarcastic na sabi ni Tomoe.


To be Continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon