Part 5: Case unclosed

11 0 0
                                    

Beep... Beep... beep...

Naputol ang linya ng tawag nilang dalawa.

Hindi mapakali si Tadashi sa narinig nya. "Bro, bilisan mo. May hindi magandang nangyari kay Tomoe. Humihingi sya ng tulong."

"Oo. Malapit na tayo. 1 minute nandoon na tayo." Niliko ni Haru ang kotse sa kaliwa at pinakatapakan niya ang gas pedal para mabilis sila.

Itinigil ni Haru ang sasakyan sa harap ng entrance. Agad na bumaba si Tadashi at tumakbo papasok sa reception area.

"Miss, pulis kami." Ipinakita ni Tadashi ang ID nya. "Saan nakacheck-in si Gozen Tomoe? Pakibilisan. Emergency."

Mabilis namang kumilos ang receptionist. "Sir. Actually po,kakacheck-out pa lang po, mga ilang minuto palang po ang nakakalipas. May kasama po siyang dalawang lalakeng suspicious sir..."

"Ano'ng kulay ng sasakyan nila?" Hindi pa rin mapakali si Tadashi.

"Black Audi po sir. Dumiretso po sila sa parking area."

"Thank you." Agad na naglakad palayo sa reception area ang dalawa pabalik sa kotse nila. "Bro, kailangan natin silang mahabol. Dala mo ba yung alarm?"

"Oo." Sabi ni Haru na nagtataka pero nagmamadali din naman.

Agad na sumakay sila sa kotse at s-in-et up ni Haru ang police alarm. Pinatakbo nila agad ang  sasakyan diretso sa parking area.

Narinig ito ng mga hostage taker. Isinakay agad nila sa kotse si Tomoe na nakatulog dahil sa pinaamoy na chemical sa kaniya.  Agad na nagmadali silang sumakay sa kotse at pinatakbo ang sasakyan. "P*ta! Paano nila nalaman?" Galit na sabi ni Jujii habang nag-d-drive. "Boss, mag-isa lang kase yang babae na yan kaya baka nakahalata yung mga nasa hotel." Katuwiran ni Sensou, ang nang-holdap kay Tomoe.

"P*ta ka! Pasasabugin ko yang ulo mo 'pag hindi ka tumahimik d'yan." Itinutok ni Jujii kay Sensouang baril na hawak niya.

Nakita naman nila Tadashi ang tinukoy ng babae sa reception area na black audi. Agad nila itong sinundan. Pinabilis ni Haru ang kotse niya para maabutan ang kotse pero sadyang mabilis din ang black audi. Nag-habulan ang dalawang kotse hanggang sa highway, pati sa expressway ng Clark. Hindi talaga nila maabutam ang kotse kaya tumawag sila sa Clark Police para humingi ng back-up.

Over the phone:

"Pareng Akio, Kailangan namin ng back-up kasalukuyan naming hinahabol ang black Audi na may plate number na IZX 2789. Mayroon silang hostage."

Nagtaka na nagulat si Akio sa narinig niya.  "5 minutes. Nand'yan na sila." Agad na tinawag ni Akio ang mga kasama nilang pulis.

"Nasa Main Road pa din kami." Sabi ni Tadashi. Tumunog naman ang radyo ni Haru. Pinatay na ni Tadashi ang phone nya.

"Going to the main road. over."

"Follow the Black audi car plate number IZX 2789. Over."

"roger that. Over"

"Papunta na. Over."

"PO2 Oda. Come in. over."

Kinuha ni Tadashi ang radyo ni Haru. "PO2 Oda Speaking. Over."

"PO2 Oda. 5 minutes. nand'yan n po kami. over."

"OK sir. Over" Sabi ni Tadashi sa radyo.

Lumiko naman ang black audi car sa isang expressway papuntang north.

"Bro, tanga yung driver. Pumasok siya sa expressway." Medyo matawa-tawa si Haru.

"Bro, lapitan mo na. Babarilin ko yung gulong niya."

Lumapit ang kotse nila sa hinahabol nilang kotse. T-in-arget ni Tadashi ang gulong. Nabaril niya ito pero sige pa rin sa pagtakbo ang kotse. Malapit na sila sa Tollgate. Nakalusot ng maayos sa nakaharang na tollgate ang kotse at patuloy pa rin sa pagtakbo ang sasakyan.

"Bro, ang tindi ng driver nito.  Puntiryahin mo pa yung isa."

Binaril naman ni Tadashi ang isa pang gulong. Doon ay hindi na makontrol ni Jujii ang sasakyan nila. "Sensou, tawagan mo mga kasama natin pati yung driver ng chopper." Itinigil na ni Jujii ang sasakyan at bumaba ito sa kotse kasama si Tomoe na hawak niya sa leeg at nakatutok ang baril sa ulo nito. 

Tumigil din ang sasakyan nila Haru. Bumaba sila Haru at Tadashi. "Sir! please. Kilala po namin kayo. H'wag naman po sana yung babaeng 'yan." Sabi ni Haru.

"Babarilin ko ang ulo ng babaeng 'to kapag lumapit kayo dito. Clark Police kayo di ba? Tawagan niyo ang General niyo." Nanggagalaiti sa galit si Jujii.

"Sir, please. Inosente po yang babae na yan." Pagmamakaawa ni Tadashi.

"GAWIN NYO!" Sigaw ni Jujii.

Agad na kinuha ni Tadashi ang phone niya at pumunta naman si Haru sa kotse para tumawag sa radyo niya. 

Sa puntong ding 'yon ay nagising si Tomoe. Naglikot siya habang nakatutok sa kaniya ang baril. " Bitiwan mo ako."

"H'wag kang malikot babarilin kita sa ulo." galit na sabi in Jujii.

"Tomoe! Mag-hintay ka lang."

"Tadashi!!! Tulungan mo ako." Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Tomoe.

Dumating naman ang mga tinawagan nilang mga pulis.

"Tumahimik ka! G*ngg*ng!" Tinakpan ni Jujii ang bibig ni Tomoe. "Nasaan na? Ipakausap niyo sya sa akin."

"Eto na po... Chief! Gusto po kayo makausap ng tao na 'to." Ni-loud speaker ni Tadashi ang cellphone niya.

"Sino ba yan Oda?" Sabi ni Chief over the phone.

"KUMPADRE! Despachar estos hijos de puta!(Dispatyahin mo na 'tong mga p*tang ito)" Sigaw uli ni Jujii sa salitang kastila

"Jujii? Eres tu?(Ikaw ba 'yan?)" Pagtatakang tanong ni Gen. Fujimoto Sora.

"Si! Kumpadre! Yo estoy con la chica que quiere presentar un caso a mi amigo. (Oo! Kumpadre! Kasama ko ang babaeng gustong magsampa ng kaso sa kaibigan ko)." Dire-diretsong sabi ni Jujii.

"Kumpadre! Necesito hacer una acción legal en la actualidad. (Kumpadre! kailangan kong gumawa ng legal na hakbangin ngayon.) Hacer un camino, Kumpadre! (Gumawa ka ng paraan, kumpadre!)"

Biglang dumating ang chopper na tinawagan ni Sensou. "Boss, nandito na sila." Bumaba ng bahagya ang chopper at ibinaba ang hagdan. Sumakay agad sila sa chopper. Unang nakaakyat si Tomoe habang hawak pa din ito ni Jujii. Binaril ni Tadashi ang binti ni Sensou habang paakyat ito sa chopper. Nasaktan at dumugo ang binti ni Sensou. Agad na gumanti ang dalawang lalakeng nakasakay din sa chopper na may hawak na malalaking baril at pinag-bababaril ang kotse ng mga pulis hanggang sa makalayo ang chopper. Agad na nakadapa ang mga pulis. Sa kabutihang palad ay walang natamaan sa mga pulis.

"Haru, si Jujii 'yon di ba?" Nanginginig na tanong ni D/Insp. Oshiro Akio.

"Oo. Ipahalughog mo na yung kotse sa kanila. Baka may makuha tayong mga ebidensya."

"Bro, bakit kailangan nilang kunin si Tomoe?" Umiiyak na sabi ni Tadashi.

"Bro, narinig mo ba yung pinag-usapan nila kanina?"

"Hindi ko naiintindihan. Salitang kastila kase." Sabi ni Tadashi habang nagpupunas ng luha niya.

"Bro, kinuha nila si Tomoe dahil sa kasong isinampa niya laban kay Sensou."

"Bakit nagkaganon? holdap lang naman ang nangyari pero bakit na-hostage na siya?" Napaupo si Tadashi sa tabi.

"Maaaring kilala nila si Tomoe. Siguro galing siya sa malaking pamilya kaya h-in-ostage siya." umupo din si Haru sa tabi ni Tadashi.

Tumayo naman si Tadashi. "Kailangan kong kausapin si General para klaruhin ang lahat."

"Bro! Kung kay General tayo lalapit baka walang mangyari sa atin. Liligwakin lang tayo nun dahil kay Jujii. Bata din ni Jujii si Chief kaya malabong mangyari 'yon."

"Hindi pwede! kukumbinsihin ko siya." Agad na sumakay sa kotse ni Haru si Tadashi at sumunod naman si Haru.



To be continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon