Part 22: One last time

4 0 0
                                    

Habang nasa kotse sila na dina-drive ni Hotaka.

"Ano'ng ginawa mo? Paano mo nauto yung babae?" Tanong ni Hotaka samantalang si Boushoku ay kunwaring hindi nakikinig pero sabik na sabik pakinggan ang isasagot ni Haru.

"Sabi ko pogi ako." sabi ni Haru

Napakunot ng noo si Boushoku. "Pare, itigil mo yang kalokohan na 'yan."

"Atleast ako ganito lang ang kalokohan ko. E ikaw?"

"Tama na nga! Para kayong mga batang maliit d'yan. Hindi na kayo nakakatuwa. Kanina pa kayo." Sabi ni Hotaka.

Bigla namang may bumangga sa likuran ng kotse nila. Mahinang bangga lang ito pero inulit pa ito ng bumangga.

"Pare! napa'no yan?" Tanong ni Boushoku na nauntog ang ulo sa driver's seat.

"Bilisan mo pare!" Sigaw ni Haru.

Pinaka-apak ni Hotaka ang gas kaya bumilis sila. Pinabilis din ng kotseng bumangga sa kanila ang kotse nila. Inulit silang banggain nito. "Pare! ano bang kag*guhan ang ginagawa nya'n?" Sigaw ulit ni Haru.

"Baka lasing 'yan." Sabi ni Hotaka.

Binangga sila ulit. Nawalan na sila ng kontrol at ibinangga nalang sa matibay na pader ang kotse nila Haru.

"Loko-loko yung driver na' yun ah!" Sabi ni Haru habang nakahawak siya sa noo niya na ramdam na ramdam ang sakit ng ulo.

Tumingin sila sa salamin at nakita nila Si Don Yoku na bumaba sa kotseng bumangga sa kanila kasama pa rin ang tatlong lalake. "Nasaan na ang kahon?" Sigaw ni Don Yoku habang papalapit siya sa kotse nila Haru.

Bumaba ng kotse si Haru at sumunod din ang mga kasama niya. "Nasa  amin na ang kahon, sir. Sa isang kondisyon. Ibibigay lang namin ang kailangan ninyo pero siguraduhin niyo na mabubuhay kami."

"Ok sige." Tinapon ni Don Yoku ang baril niya. Ganoon din ang mga kasamahan niya. "Nasaan na ang kahon?"

"Last na lang sir."

"Ano pa ba?"

"Nandito sa loob ang kahon. Kailangan naming siguraduhin ang kaligtasan namin kaya kukunin namin ang kotse niyo para umalis na dito."

"T*RANT*DO! PAANO NAMIN MASISIGURO YAN DIN ANG LAMAN NG KAHON?" Sigaw ni Don Yoku.

Ibinaba nila Hotaka at Boushoku ang kahon. Binuksan nila ito.

"Naniniwala na ako.Sige, umalis na kayo."

Sumakay na sila sa kotse ni Don Yoku at umalis na sila. May mga dumating naman na pulis na nagpapatrolya at nadatnan sila Don Yoku roon. Bumaba sa kotse ang isang pulis. "Sir, may problema ba dito? Bakit may nabanggang kotse dito?"

"Pakiayos na lang. Nabangga kami." Sabi ni Don Yoku.

"Opo sir. Lasing po ba kayo sir?"

"Hindi. Nawalan kami ng preno kaya nabangga kami."

"Ganun po ba, sir? Sige po. Kami na po ang bahala dito. Ihahatid na po namin kayo."

"Hindi na. Tumawag na yung kasama ko ng sasakyan namin. Salamat na lang."

Dumating na ang tatlong sasakyang hinihintay nila at naka-convoy pa ito.  "Mauna na po kami, sir. Salamat po sa concern."

"Sir, Wait lang po kailangan po naming malaman ang pangalan niyo."

"Don Yoku." Sabay sumakay siya sa kotse. Sinakay na din ang kahon. Umalis na din sila.

Naiwan naman ang dalawang pulis. Napaisip ang isang pulis sa pangalan ni Don Yoku.

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon