Part 15: Flower in the Rain

15 1 0
                                    

Sa Carson City, Nevada:

Nakatingin si Tomoe sa bintana habang nakaupo sa higaan niya at pinapanood ang bagsak ng malakas na ulan sa labas ng condominium nila... Tulalang-tulala si Tomoe at tila na sobrang lalim ng kanyang takot. Ilang saglit lang ay tumulo ang luha niya. "Tadashi..." Tanging salita na nasambit niya.

Napakabigat ng pakiramdam ni Tomoe dahil bakas pa din sa kaniya ang  takot na nangyari sa kaniya. Kumatok at binuksan ng mama niya ang pinto ng kwarto niya. Lumapit siya kay Tomoe at umupo sa tabi nito "Mimi, may ipapakilala ako sa'yo. Tutulungan ka niya. Maniwala ka sa akin. Alam ko matatag ka kaya ipapakilala ko siya sa iyo."

Hindi nagsasalita si Tomoe.

"Mimi..." 

Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Pagbigyan mo na ako... Gusto kitang tulungan."

Tumayo si Tomoe sa pagkakaupo at nagbihis. Tumayo din ang mama niya  at lumabas na ito. Hinintay nito si Tomoe sa labas ng pintuan ng kwarto ni Tomoe. Ilang saglit lang ay lumabas na din si Tomoe. Pumunta sila sa sala kung saan naroon ang lalakeng ipapakilala ng nanay  ni Tomoe. Umupo silang dalawa.

"Mimi, ito si Hanzo Hatori. Gusto ka niyang tulungan sa mga pinagdaanan mo. Madami na siyang  natulungan na naging gaya ng kalagayan mo ngayon." Sabi ng mama ni Tomoe.

Natakot si Tomoe kay Hanzo. Tumakbo siya sa loob ng kwarto niya at kinandado ito.

"TOMOE!!" Sigaw ng mama ni Tomoe.

"Pasensya na po Mrs. Gozen. Natakot po ata siya sa akin. Babae din po kase dapat ang mag-counselor sa kaniya. May irerekomenda po akong magaling din sa pagka-counselling. Idane Nekomesume po ang pangalan niya. Psychiatrist din po siya. Tatawagan ko lang po siya."

Tinawagan ni Hanzo si Idane.

Over the phone:

"Idane, si Mr. Hatori ito. Pwede ba kitang maimbitahan ngayon dito sa bahay ni Mrs. Gozen. Gusto niyang humingi ng tulong sa iyo."

"Ok Sir. give me 5 minutes. Papunta na ako d'yan. Malapit lang naman ako sa kanila."

"Noted." Pinatay na ni Hanzo ang phone.

Ilang minuto lang ay dumating din si Idane Nekomesume.

Kumatok muli ang mama ni Tomoe kasama si Idane sa kwarto nito. "Mimi, may gustong kumausap sa'yo."

Binuksan ni Tomoe ang pinto. Nakatingin lang siya sa mama niya at kay Idane.

"Mimi, siya si Idane. Gusto ka nyang kausapin."

Pumasok sila sa kwarto at umuo sa higaan.

"Tomoe, Kamusta ka na?" 

Yinakap ni Tomoe si Idane. Umiyak siya sa balikat ni Idane. Hinaplos-haplos naman ng mama ni Tomoe ang ulo nito at yinaka niya din ito.

"Mama, pwede po ba na mag-usap po kaming dalawa ni Idane?" Nag-salita bigla si Tomoe.

"Sige anak." Medyo masaya na malungkot na sabi ni Mrs. Gozen. Lumabas na ito.

"Kilala kita Idane. Ikaw ang ex ni Tadashi... Di ba?" Malungkot na sabi ni Tomoe habang kaharap niya si Idane.

Nagulat si Idane. "Hah? Bakit alam mo?"

"Nakilala ko si Tadashi sa Pampanga. Naging kami ng ilang araw. Siya ang dahilan kung bakit nalimutan ko na si Minoru... Kaso dahil sa akin kaya napahamak si Tadashi. Kasalanan ko..." Umiyak si Tomoe. "Kasalanan ko kung bakit namatay si Tadashi..."

Hindi naman makaimik si Idane kundi yakain na lang si Tomoe.

Pumiglas sa pagkakayakap si Tomoe kay Idane. "Idane, ikaw ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa akin si Minoru di ba? Siya ang asawa mo ngayon? Tanggap ko na 'yon... pero ang mawala sa akin si Tadashi ang mas masakit. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula..."

"Tomoe... Gusto kitang tulungan. Kung ako nagawa kong kalimutan ang mga pinagsamahan namin ni Tadashi. Kaya din kitang tulungan..." Sabi ni Idane.

"Ayaw kong kalimutan ang mga pinagsamahan namin ni Tadashi... Ikaw? Masaya ka ba na kalimutan lahat 'yon? Yung tinanggap niya ang mga anak mo. Pinagbigyan ka niya sa mga gusto mo? Dahil lang kay Minoru na gustong makipagbalikan sa iyo. Iniwan mo siya. Ang tagal ninyong magkasama. Lahat ng dapat tiisin, tiniis ni Tadashi dahil mahal ka niya... Tapos eto lang ang igaganti mo? Ang kalimutan siya?" Sumbat ni Tomoe kay Idane.

"Tomoe..." Napaluha si Idane. "Tama na Tomoe... Mahirap ang mga pinagdaanan ko. Gusto kitang tulungan at ayaw kitang sumbatan sa mga nalaman mo. Sana maintindihan mo ako. Ginagawa ko ito dahil trabaho ko ito... Sana 'wag mo ng pang-himasukan ang hindi naman dapat."

"May karapatan ako dahil nakuha ni Tadashi ang loob ko. Mahal na mahal ko si Tadashi. Ayaw ko siyang naghihirap. Nahirapan na nga siya nung namatay siya. Siguro kaya pinagtagpo tayo dahil gusto ni Tadashi na sabihin lahat ito sa'yo. Ginamit niya ako para masabi lahat yung mga bagay na nagpasakit ng loob niya noon na hindi niya masabi sa'yo... Sana maintindihan mo 'yon Idane."

Napatayo si Idane at lumabas na umiiyak. Umuwi siya sa bahay nila.

"Mommy... Bakit po kayo umiiyak?" Sabi ng 3 years old na anak na babae ni Idane. 

"Wala baby." Binuhat niya ang bata at pinunasan niya ang luha niya. "Mag-lunch na tayo baby ah!"

Sa bahay pa din ng mga Gozen: Pumasok sa kwarto si Mrs. Gozen.

"Tomoe, ano'ng problema? Bakit lumabas si Ms. Idane na umiiyak?"

"Wala po mama... Ok na po ako." Lumabas ng kwarto si Tomoe kasunod ang mama niya at pumunta sa kusina. Napansin niya si Hanzo na naroon pa din at nakaupo sa sala. "Mama, bakit nand'yan pa yan?"

"May inaasikaso lang kami ni Mr. Hatori. Importante yun sa'yo at sa akin. Sana anak tulungan mo akong tulungan ka..." Malungkot na sabi ni Mrs. Gozen.

"Ma, kung iniisip mo na kailangan ko ng Psychiatrist, nagkakamali ka. Madami na akong pinagdaanan lahat nang 'yon nagpapakatatag ako mag-isa. Sana maisip mo mama na kayang-kaya ko."

"Tomoe, gusto ko lang naman makatulong sa iyo. Kung ayaw mong magpa-Psychiatrist. Si Hanzo na lang ang personal bodyguard mo."

Natahimik si Tomoe at uminom ng tubig.

"Payag ka ba anak?"

"Pag-iisipan ko mama..." Malungkot na sabi ni Tomoe.


To be continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon