Part 8: Cereus - A night-blooming flower

18 0 0
                                    

Inutusan ni Gen. Fujimoto Sora si D/Insp. Oshiro Akio para imbestigahan ang isang University sa Clark dahil sa mga reports tungkol sa mga fraternity doon na may magandang hindi ginagawa. Pinuntahan ito ni Akio para kumpirmahin ang mga reports na ito na tanging sa gabi lang daw nangyayari.

Sa Maj. Harold M. Clark University: Madilim ang paligid nang makarating si Akio sa entrance ng University. Nang makapasok siya sa entrance ay may nasilayan sya'ng isang lalakeng pamilyar ang itsura at nakadisente ang damit at parang pupunta sa isang part, may kasama siyang dalawang babae at nagtatawanan sila. Sinundan ni Akio ang mga ito at nilapitan. "Bespren! kamusta na?" Agad niyang inakbayan ang lalakeng nakita niya.

Nagtaka ang lalake na may umakbay sa kaniya kaya agad niya itong tinignan. "Uyyy!!! Bespren! Ikaw pala 'yan!" Nakipag-apir siya kay Akio. "Eto pala ang bespren ko si Cereus. Medyo matagal din kaming hindi nagkita nito." pakilala ng lalake sa mga kasama nitong mga babae.

Kumaway naman si Akio A.K.A Cereus sa mga babae. "Hello? kamusta kayo?"

"Ang gwapo mo naman." Pinisil nang babae ang pisngi ni Cereus.

"Bespren kanina pa tayo hinihintay ni Akuma sa loob."

"Kaya nga nandito na ako e."

Pumasok na sila sa loob ng isang bahay na lumang dormitoryo pero ngayon ay ginawa ng bahay ng Lobos Oscuros isa sa mga grupong itinatag ng International Syndicate na Candelabra at pinamumunuan ito ni Akuma at isa rin sa mga lider ng Candelabra. Mayroon silang gagawing pagnanakaw sa isang malaking bangko sa labas ng Clark. 

Pagkapasok nila Cereus kasama ng lalake na nakasabay niya kanina na ang pangalan ay Ko HIroshi na isang first-class sniper at Mechanical Engineering graduating student sa Maj. Harold M. Clark University. Sinalubong sila ni Akuma. Inakbayan agad ni Akuma si Cereus. "Pare! kamusta na? ngayon ka lang ulit napadaan dito ah. Aalis tayo mamaya. Lalabas tayo ng Clark at alam mo na siguro kung ano ang gagawin natin."

"Oo pare. nakaplano na ang lahat." sabi ni Cereus. Kinuha nya ang backpack nya na nakasabit sa likod nya at kinuha ang mga laman nito na kailangan sa ginawa niyang plano. Kinuha nya ang blueprint ng isang bangko. "Eto ang blueprint ng Banco Archipelágica. Narito lahat ng impormasyon para madali tayong makapasok dito. review-hin nyo na lang ang mga impormasyon."

Kinuha ni Akuma ang blueprint. "Magaling! Paano mo nakuha 'to?"

"Sa akin na lang 'yon, pare." May itinuro si Cereus sa blueprint. "Eto ang fake vault nila. Dito nila inilalagay ang mga perang kakadeposit lang pero syempre meron silang mother vault. Doon lahat nakalagay ang lahat ng transaksyong pumapasok sa kanila. Mapasinanglang alahas, mga pera, mga ginto, mga dyamante. Nandyan lahat." Nirolyo na ni Cereus ang blueprint at ibinigay ito kay Akuma.

Nag-ayos na sila ng mga gamit nila. Nagdisguise sila suot ang uniform na katulad ng uniform ng mga security guard sa Banco Archipelagica. Nagsuot din sila ng facial prosthetic para siguradong hindi sila makikilala.

Sa Banco Archipelagica: Pumasok si Akuma at Cereus sa loob ng bangko. Nasa taas naman ng kaharap n building ng bangko si Hiroshi. Nakahiga siya at nakasilip s telescope ng sniper na hawak niya. Sinisilip niya doon sila Akuma at Cereus para magsilbing look-out ng dalawa sa loob ng bangko. Madaling nakuha ng dalawa ang mga pera at alahas at iba't-iba pang malalaking halagang gamit doon sa loob ng bangko. Hindi nila tinangkang patayin ang mga CCTV Cameras. Nakalabas na sila kasama ang mga gamit na ninakaw nila ay hindi man lang nag-alarm ang buong paligid ng bangko. Pagkatapos nilang dalhin sa van lahat ng gamit nila ay umalis na ang van. Bumalik naman ang dalawa at pinagbabasag ang mga salamin ng bangko. Doon ay nag-alarm na ng pagkalakas-lakas ang paligid ng bangko.

"Bilisan mo, Cereus." sabi ni Akuma pagkatapos bitawan ang makapal na kahoy na hawak nya.

Sabay na tumakbo agad ang dalawa palayo sa bangko. Nagpunta sila sa madilim na eskinita habang walang humahabol sa kanila at doon sila nagpalit ng kanilang mga suot bilang ordinaryong sibilyan. Pagkalabas ng dalawa sa madilim na eskinita ay nakita ng mga hindi bababa sa limang security guard ng bangko ang hingal na hingal na lumapit sa kanila. Nagtanong ang isang security guard. "Sir, hah... hah... hah... May nakita po ba kayong dalawang security guard na hah... hah... hah... tumatakbo kanina papunta sa gawing ito?"

"Ah! sir, pasensya na po. Wala po kaming napansin." mahinahong sabi ni Cereus. "Napa'no po ba sila mga sir?"

"Mga magnanakaw sila at sinira pa nila ang bangko." sabi naman ng isang security guard.

"Nako! sir! Yung mga ipon ko naroon sa bangkong yon." Kunwaring nataranta naman si Akuma.

"Subukan niyo pong dumiretso sir. Baka po doon sila dumaan." Kumumpas ang kamay ni Akuma na nakaturo ang daliri palayo sa likod niya.

"Salamat!" Sabi nang isa sa mga security guard at pumunta na sa direksyong itinuro ni Akuma. Mabilis namang tumakbo ang mga gwardya palayo sa itinuro ni Akuma. Sumakay agad ng taxi ang dalawa para hindi maabutan ng mga gwardyang humahabol.

Pagdating sa hideout nila. Nagkakasiyahan sila dahil sa dami ng nakuha nilang mga gamit na mamahalin at mga pera sa bangko. "Pare! Ang galing mo talaga!" Nakipag-apir si Akuma kay Cereus.

"Tantya ko nasa mahigit sampung milyon ang lahat ng nakuha natin kasama ang mga alahas at gamit." Sabi ni Cereus habang inilalabas sa sako ang mga pera.

"Yung isang sako sa iyo na iyon. Malaking tulong ang ginawa mo... Yung mga alahas ipunin ninyo ipapadala ko na agad yan sa Europa para mas lumaki ang value. Mamayang kaunti pupunta na ako doon dahil mayroon kaming pagpupulungan. Eto na ang pasalubong ko sa kanila." Sabi ni Akuma habang nagbibilang ng mga pera na nakuha nila.

Kinuha na ni Cereus ang isang sako na may lamang pera na ang halaga ay hindi bababa sa isang milyon. "Mauna na ako dahil may trabaho pa ako."

"Salamat ulit Cereus. Sa uulitin." Umupo si Akuma.

Naglalakad na palabas si Cereus nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalake ang nagbukas nito na sunog ang buong balat sa katawan at nakasuot ng damit na pangpasyente. "A....Kuma" Sabi ng lalake at napasubsob sya sa hagdanan na nasa pintuan at nahimatay.

Napatayo si Akuma at nagulat ang lahat sa lalakeng ito. 



TO be continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon