Part 6: El sol brillará (The sun will shine)

20 0 0
                                    

Sa Stark Enterprises Building: Nasa pinakatuktok na floor sila Jujii kasama si Tomoe na nakatali sa upuan at kasama din nila si Sensou na ginagamot ang sugat niya. May kasama pa silang labinglimang lalake na nakapalibot sa kanila.

Sinampal ng malakas ni Jujii si Tomoe. "Lo que una p*ta! (What a whore!) Una vez que no se retiró del caso. Voy a pedir un dinero del rescate mil millones de pesos a sus padres. (kapag hindi mo iniurong ang kaso. Hihingi kami ng bilyong piso bilang ransom money sa mga magulang mo)" Galit na galit na sabi ni Jujii kay Tomoe habang nakatitig sa mga mata nito.

Hindi naman nagsasalita si Tomoe.

"Magsalita ka!" Sinampal ulit ni Jujii si Tomoe.

"HINDI KITA MAINTINDIHAN! MAGSALITA KA NG TAGALOG!" Sigaw ni Tomoe.

"Iurong mo na ang kaso. Kung hindi hihingi ako ng bilyon para sa ransom money mo."

"Gawin mo! Hindi ko pa din iuurong ang kaso. Pera lang naman ang gusto mo 'di ba? Kunin mo yung  bag ko. Bilyon ang laman ng bank account ko. Pakawalan mo lang ako."

"Hindi gano'n kadali yun! Sensou! Tawagan mo si general." Sabi ni Jujii.

Nagulat naman si Sensou nang tawagin siya ni Jujii. Doon ay natanggal ng kasama niya ang bala sa binti niya. Napasigaw siya sa sobrang sakit. "BOSS!!!! Ang sakit!"

"Bilisan mo na!" Sigaw ni Jujii.

"Opo." Mangiyak-ngiyak na hiyaw ni Sensou. Kinuha ng kasama niyang nagtanggal ng bala ang cellphone niya. Tinawagan na niya si General. "Hello, General Sora. Gusto po kayo makausap ni Boss."

"Sino'ng boss?" Sabi ni Gen. Sora.

Ni-loud speaker ni Sensou ang phone at ibinigay ito kay Jujii.

"Kumpadre! Me extrañaste? (Namiss mo ba ako?)"

"Jujii?" Gulat na sabi ni Gen. Sora habang kasama niya sila Tadashi at Haru. Sumenyas agad si general na i-trace ang tawag. Agad naman kumilos ang mga kasamahan nila.

"Si! Kumpadre! Ahora que? (Ano na?) Necesito un dinero del rescate valor de 1 millón de pesos  para esta chica. (Kailangan ko ng ransom money na 1 million pesos para sa babaeng ito.) A continuación , retirar el caso de mi hermano.( at tsaka, Iurong mo na ang kaso ng aking kapatiran.)

Sumigaw si Tomoe. "GENERAL! TULUNGAN MO AKO! TULUNGAN MO AKO!"

"Mierda! Tumahimik ka!" Pinaputok ni Jujii ang hawak niyang baril. Lalong sumigaw ng sumigaw si Tomoe.

Nagulat ang lahat sa putok ng baril. Lalong natakot si Tadashi. Gusto niyang magsalita pero hindi niya magawa dahil baka mahalatang may nakikinig sa usapan nila Jujii at Gen. Sora.

"Si! Kumpadre! Yo te daré lo que necesita. (Ibibigay ko ang kailangan mo.) Necesito su dirección para que podamos encontrarnos. (Kailangan ko ang address mo para makapagkita tayo.)"

"Vaya aquí mañana a las 8 de la mañana. Estoy en Stark Enterprises building. Es necesario ir solo o de lo contrario voy a matar a esta chica. (Pumunta ka dito ng alas-8 ng umaga. Nandito ako sa Stark Enterprises building. Kailangan mag-isa ka lang na pupunta kung hindi papatayin ko itong babae na 'to.)"

"NO! Kumpadre! Créeme. Voy a ir solo.  (H'wag! kumpadre! Maniwala ka sa akin. Pupunta ako ng mag-isa.)" Manginig-nginig na sabi ni General.

"OK! Kumpadre. Creo en ti. (Naniniwala ako sa'yo)." Naputol na ang linya ng tawag nila.

"General! Bakit kinakampihan mo ang tao na 'yon?"

"Tadashi, madami ka pang hindi alam."

"Chief. Kaya nga kami nagtatanong dahil kailangan naming malaman. Apektado na ang kaibigan namin kaya bakit kailangan pa kaming magpakatanga?" Inis sabi ni Haru.

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon