Part 1: Promovido a la ira (Promoted to anger)

16 0 0
                                    

Sa opisina:

"hay... sobrang late na ako." sabi ni Tadashi.

Si Tadashi ay isang police officer 1 ng Clark Police. Matagal na siya sa serbisyo pero 23 years old lang siya. Nag-OJT na din siya sa Clark Police kaya matagal na siyang nagseserbisyo doon. Sa edad na 19 years old ay nakatapos na agad siya ng criminology sa PNP Academy. Napili ng kanyang professor na dalhin siya sa Clark para doon mag-OJT. Nagustuhan ng Chief Police ang trabaho niya. Mula noong nag-OJT siya hanggang sa kasalukuyang serbisyo niya ay ngayon niya lang naranasan na ma-late.

Kapapasok pa lang niya sa glass door ng opisina nila nang biglang may pumutok at nagbagsakang mga confetti. "CONGRATULATIONS! PO2 Oda Tadashi" sabi ng mga ka-opisina niya.

"Congratulations? bakit? dahil late ako?" nagtatakang tanong ni Tadashi.

"Bro, hindi. Promoted ka na bilang PO2. Nakakatuwa di ba?" Sabi ni PO1 Minamoto Haru. Ang pinaka-bestfriend ni Tadashi na parang kapatid na din niya.

"Hindi nga Haru? hindi ka nag-bibiro?" Nagtataka pero may kakabit na saya ang sabi ni Tadashi.

"Oo nga! Ang kulit mo naman bro e. Inaprubahan na ni chief yung years of service mo na 4 years kaya promoted ka na!" Sabi pa ni Haru.

"Wow! salamat naman." Laking tuwa ni Tadashi sa sinabi ni Haru.

"Sir Oda, tawag ka ni chief." sabi ni Katsuo. Ang secretary ni General Fujimoto Sora.

Pumasok sa loob ng opisina ni Gen. Fujimoto si Tadashi. nag-saludo siya bilang paggalang. "Maupo ka, Oda."

"Salamat po, Sir."

"Late ka ng 3 hours. Demerit 'yon ng 100 per 30 minutes." Seryosong sabi ni Gen. Fujimoto habang nakatitig na parang may galit kay Tadashi.

"Sorry po sir. Sorry po talaga. Hindi na po mauulit."

"Kaya nga kita agad pr-in-omote kase magmula noong bago ka pa dito ay alam kong isa ka sa mga napakaresponsableng pulis tapos ngayon nagkakaganyan ka. Oda! Hindi ibig sabihin promoted ka ay yayabang ka na. Doble ang responsibilidad na nakaatang sa'yo."

"Pasensya na po." Todo yuko si Tadashi dahil sa hiya.

"Makinig ka sa aking mabuti Tadashi. Under observation ka ng NAPOLCOM. Bakit? Dahil sa recommendation na ginawa ko. Nakapag-render ka ng service dito sa opisina na ito bago ka pa naging graduate. Malaking katanungan sa kanila iyon kung bakit mabilis kitang na-promote samantalang ang totoong years of service mo pa lang dito ay 2 years."

"Pero sir pwede naman po iyon di po ba?"

"Oo pwede. Maraming kondisyones kapag nangyari 'yon. Kaya nakikiusap ako sa iyo Oda! H'wag mong sirain ang tiwalang ibinigay ko sa iyo."

Tumayo si Oda at sumaludo. "Opo!"

"Oda. Umupo ka nga." Inis na sabi ni Gen. Fujimoto. "Eto ang regalo ko sa'yo."

Biglang natuwa si Tadashi. "Wow! Chief! Salamat po. Akala ko po galit kayo."

"Hindi. H'wag mong ihihiwalay sa katawan mo 'to kahit anong mangyari. Importante sa'yo yan. Lalo na ngayon na late ka."

"Nang-asar pa si chief e. Relo talaga? Hahaha..." 

Natawa din si Gen. Fujimoto. "Sakto sa pagka-late mo ngayon di ba? hahaha.. Sige na, bumalik ka na sa trabaho mo."

Pagkalabas na pagkalabas niya sa pintuan ng opisina ng heneral. May narinig siyang nagsalita. "Ang yabang". Hindi pinansin ni Tadashi ang narinig pero natunugan niya ang boses na parang si Haru. Tinawag siya bigla nito. "Bro! halika dito. hinanda namin ito para sa'yo." Pag-aaya ni Haru habang nagsasandok ng palabok. Madaling lumapit si Tadashi kay Haru at bumulong. "Kapatid, mag-usap tayo sa labas. Saglit lang." Medyo may inis ng kaunti ang boses ni Tadashi.

Sa labas ng opisina:

"Kapatid, may problema ba?" Nagtatakang tanong ni Haru.

"Kapatid, tungkol sa narinig ko kanina. Alam ko ikaw nagsalita na mayabang ako. Dinig na dinig ko ang boses mo." May galit na sabi ni Tadashi.

"Kapatid naman. Kapatiran tayo. Kung ano ang ayaw ko sa'yo agad kong sinasabi sa'yo. Hindi ko magagawang makipagplastikan sa'yo. Isa pa hindi naman ako bakla para gawin ko 'yon sa'yo..." Mahinahong sagot ni Haru. "Tadashi, maiba ako. May problema ka ba? Unang beses mo pa lang na-late tapos sobrang late pa. Ngayon, nagkakaganyan ka? Sabihin mo nga yung dahilan." Dugtong pa nito.

"Wala kapatid. Kumain na tayo sa loob." Biglang nag-bago ang mood ni Tadashi. Tila may nagtatagong takot na may halong galit ang kanyang isipan.

"Kapatid. Ano'ng silbi ng pagiging kapatiran natin kung naglilihim ka na. Sige kapatid bahala ka d'yan. Sabihin mo lang kapag may gusto kang sabihin." sabay pasok sa loob ng opisina si Haru habang naiwan naman si Tadashi na nag-iisip.

"Hindi ako pwedeng magkamali. Dinig na dinig ko talaga yung boses niya kanina na sinabi niya 'yon." Pumasok na si Tadashi sa loob ng opisina.

To be continued...

Siyete Pecados MortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon