Chapter 1

2K 33 2
                                    

Joyce POV.

Sa isang St. Joseph Academy nag aaral ako bilang 4th year high school at kilala ako bilang nerd. Isang nerd na matalino, mataba at kulot na buhok. Simula ng makilala ko si kristoffer martin noong 1st year naging crush ko na sya sino ba naman hindi makaka gusto sa isang heartrob sa campus.


" hoy, baka matunaw si kris" sabi ni devon na nasa left side ko, naka upo kami sa isang table sa canteen kung saan tanaw namin si kris at mga kaibigan nito na masayang nagkukuwentuhan sa may field.

" oo nga kanina kapa nakatitig oh" sabat naman ni bea.

"haay kelan kaya nga ako mapapansin noh" sabi ko habang ang mga mata ko ay nakatitig pa din kay kris.

" wag ka sanang magagalit ah, pero kasi hearthrob si kris tapos ikaw..." aniya bea

" alam ko naman eh, gwapo sya samantalang ako isang panget" malungkot kong sagot.

" hindi ka naman panget kung wala ka sanang eye glasses at yung buhok mo ang panget ng pagka kulot eh" si devon

 "tapos try mong magpapayat im sure mas gaganda ka" dugtong pa ni bea

" tama na nga, time na tara balik na tayo sa classroom" pag aya ko sa kanila


Agad naman kaming pumunta ng classroom at mga ilang minuto pa dumating na ang prof. namin at nagsimula ng mag klase.


Kris POV.


Pagtapos ng klase dito kami sa likod ng gym kung saan may mga puno at mga upuan na tinatambayan ng mga estudyante.

" jake kanina kapa naka tingin dun sa babae ah" si james na ang tinutukoy yung babaeng di kalayuan sa pwesto namin na may kasamang nerd.

"sino ba yan?" sabi ko

" si bea" seryosong sagot nito

 "wag mo sabihing crush mo yan?" si james, naka halata din sigurong iba ang tingin ni jake dun sa babae na ngayon lang namin nakitang tumitig ng ganun si jake sa isang babae.

"bakit anong masama?" galit na tono ng boses ni jake.

" hahahaha.." tawa namin ng malakas ni james.

" anong nakakatawa?" tanong nya pa.


" anong nagustuhan mo sa kanya hindi naman maganda" sabi ko, para sa akin hindi talaga sya maganda walang ka ayos ayos sa sarili ni hindi nga yata marunong mag suklay dahil sa magulo nyang buhok.


" kaya nga at ang daming magagandang babae dyan na may gusto sa atin" pagmamayabang na sbi ni james.

" maganda naman si bea ah, hindi lang kasi marunong mag ayos ng sa sarili at wag nyo nga syang pagtawanan" pagtatanggol ni jake.

"ok easy wag kana magalit hindi lang namin mapigilan hihi" sabi ko na tatawa tawa.

" bahala nga kayo dyan" sabi nya sabay tayo at biglang umalis.

" uy, sandali" si james at dali dali namin hinabol si jake.


Sa aming tatlo si jake ang pinaka matino at mabait si james naman ang pinaka babaero at ako isang Kristoffer Martin na isang heartrob dito sa school at sabi pa nila pinaka mayabang sa aming tatlo. Mahilig magpahiya ng babae at manlait ng tao. At ako yung tipo ng lalakeng ayaw sa panget.


===============


ok lang ba ang first chapter?? Vote and comment guys, thank you.

Ms. Nerd meets Mr. Hearthrob (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon