Chapter 2

1.5K 30 4
                                        

Jake POV.

Naglalakad kami sa field sa loob ng campus nila kris at james nang may na bunggo si kris na babae.


"sorry" sabi ng babae na naka yuko ang ulo.

"tumingin ka nga sa dinadaanan mo" inis na sabi sa kanya ni kris

" sorry ulit" paumanhin nya ulit na naka yuko pa rin.

" sa susunod kasi wag kang tanga" medyo malakas na pagkakasabi ni kris at lumakad na paalis

"ikaw kasi wag kang pahara hara ka sa daan" si james atsaka sumunod kay kris

" sorry miss" tipid kong sabi sa kanya

" ok lang ako naman may kasalanan eh" sabi nya na naka tingin na sa akin.

" sige ingat ka na lang" yun na lang huli kong sinabi at naglakad na ko palayo sa kanya.


Habang naglalakad kami doon ko lang naalala ang mukha nung babae sya yung babaeng kaibigan ni bea. Si bea na simula ng minsang pinagtaggol ko sa mga bully hindi na nawala sa isip ko.


----------

Joyce's POV


Pagdating ko sa canteen naghihintay na pala sina bea at devon.


"joyce bat ang tagal mo?" tanong agad ni devon pagka upo ko pa lang.

"sorry may nangyari kasi eh" sabi ko pa ng naka ngiti

"anong nangyari?" seryosong tanong ni bea

" na bunggo ko kasi si kris" sabi ko

"ha anong sabi nya? naka ngiti ka pa?" si devon na kumakain  pa ng burger

"wag daw akong tanga" alanganin ko pang sabi

"nilait kana, naka ngiti kapa? baliw kana ba?" si bea

"ngayon nya lang kasi ako kina usap at napansin" sabi ko na nakangiti at tila iniimagine ang nangyari kanaina.

"naku bea may friend na tayong baliw" si devon

"oo nga dalhin na natin sa mental" dugtong pa ni bea

"hoy, hindi ako baliw noh"

"ah, gutom kana noh? eto sayo na tong burger ko kainin mo kung anu-ano pinagsasabi" si devon sabay bigay ng may bawas ng burger sa akin.

"thank you" agad kong kinuha yung burger sabay kagat dito.

"haist, basta pagkain ang bilis mo talaga" si devon


Tumawa na lang si bea sa ginawa ko haha kung sabagay gutom na nga naman ako. Natapos ang buong araw ko sa school pero hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari kanina kahit na puro panlalait lang ang sinabi ni kris sa akin ok lang dahil kahit papano na pansin pa din nya ko. hay tanga na kung tanga ganito yata talaga kapag gustong gusto mo ang isang tao. Simula pa lang ng una ko syang makita noong 1st year kami naging crush ko na sya kahit na hindi ko pa alam ang name nya. Naalala ko pa noong first day natumba ako dahil sa dami ng estudyanteng nagsisisikan na tumitingin ng kanilang pangalan sa bulletin board doon ko sya unang nakita ang lalaking tumulong  sa akin na maka tayo. Doon ko nakita ang mukhang nyang napaka gwapo. Medyo matangkad, moreno at gwapo. Si Kristoffer Martin ang lalakeng crush na crush ko.



Kris POV.


Habang naghihintay kami ng prof. dito sa classroom napag usapan namin yung babae kanina na ikina badtrip ko hanggang ngayon.

"bwisit na yun, ang laki laki ng daan banggain pa ako" inis ko pa ding sabi

" relax lang wag mo ng isipin yun" sabi ni james

" dapat hindi mo sya ginanun babae pa din yun" si jake

" tama si james hindi ko na dapat isipin yun lalo lang umiinit ang ulo eh"


Bakit ko pa nga ba iniisip yung babaeng yun, tsk nagkalat kasi ang mga tangang babae tulad nya.


Ms. Nerd meets Mr. Hearthrob (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon