Chapter 7 (I Confess)

338 12 3
                                    

(JONI’s POV)

Naka-uwi na ako ng bahay. Ang sarap iiyak lahat ng problema. Ang sarap basagin lahat ng plato, baso, vase sa kusina. Ang bigat-bigat sa pakiramdam ng ganito.

Here I am sa piano room. Una kong pinatugtog ang kanta ni Acel Bisa ang “One Love”. Nakakapagbigay ito sakin ng peace of mind. Promise pakinggan niyo to.

One love, I love you so, (Rovel...)

Love is a beautiful one...

I love you so... (Rovel)

NakakaHAAAAAYYYYY!!!

Hindi HIGH na parang naka-drugs lang, correction, nakaka-HAAAAYY!, peace of mind, ang lamig sa pakiramdam.

Dahil sa sobra akong nadala sa pinapatugtog ko. Hindi ko na malayan nasa tabi ko ang bunsong kapatid kong si JC.

Joni: Anong ginagawa mo dito?

JC: Pinakikinggan kang muling tumugtuog ng piano. Ang tagal mo nang hindi tumugtog nito ah.

Joni: Ahhh—Oo nga eh. Busy sa study eh.

JC: Mas masarap pakinggan at tumugtog ng piano nang umaawit. Kanta kanta rin. Ate, ano bang prblema? Andito ako para pakinggan ka.

Joni: Wow, seryoso ka ngayon ah!

JC: Ano ka ba minsan lang akong maging ganito lubos-lubusin mo na!

Joni: Aamin ako sayo ah! Pero ‘wag mo munang sasabihin kay ate at kina mama at papa ah.

Ang kulit talga ng batang to!!!

JC: Sige ba…

Joni: Ang laki nang problema ng MARS…

JC: Wow, perstaym nyong magka-problema ah! So, ano na nga yon?

Joni: May taong nagpapadala samin ng dead threaths

Kumunot ang noo nito. At mas lalong naging seryoso ang anyo ng mukha.

JC: At sino namang baliw ang magpapadala sa inyo nun, baka trip lang kayo.

Joni: Tatlong beses na kaming binibigayan ng threat.

JC: Aside sa pag-bibigay ng threaths ano pang ibang nangyari maliban dun?

Serious talk na talaga ito. Ano nga ba? Ano pa nga bang ibang nangyari?

Joni: Pero bago yun mangyari ay may dumatiing na isang grupo ng mga CATTLEYA girls, ang war freak nila, mga anti-MARS daw sila.

(CATTLEYA means Feelingero/feelingera in short FEELER!)

JC: Baka sila ang nag-bibigay ng Threaths sa inyo!

Joni: Nope! We don’t think so. Kasi bago mangyari yun, ang War Freak girl nay un ay ni report ni Demi sa Guidance. At sabi ng guidance councilor at kapag kinalaban pa kami o gumawa ng hindi mga kanais nais ay hindi sila makaka-graduate!

JC: So, sino sa tingin nyo ang gagawa nito?

Joni: Actually, clueless.

JC: Ate, Feeling ko talga ah, may nan-ti-trip lang sa inyo. Except dun ano pang problema mo?

Joni: Ahh—ehh… wala na…

Baby, I Do (MARS Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon