Krizyliyah's POV
'What is HE doing here?'
Nagtatakang tinignan ko ang tao ngayon na nasa harap ko na may dalang pagkain.
Nagtitigan kami hanggang sa inilapag nya yung tray na dala nya na may lamang pagkain. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakataas pa rin ang kilay ko.
"Kakain?" Patanong nyang sagot sa akin.
"I know I know! I mean bakit dito sa pwesto ko? Ang rami raming bakante oh" naiinis kong sabi sa kanya habang tinuturo yung mga bakanteng mesa.
"Because I want to?" Patanong na naman nyang sagot at umupo na sa harap ko. Urggghhh buset na Vice to!
Yes! Tama kayo ng basa. Ang lalakeng nasa harap ko ngayon ay ang Dakilang Vice President na si Mr. Luke Mendez. -_-
Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na sa pagkain.
First time nya akong sabayan sa pagkain at hindi ko alam sa sarili ko ba't ako napapangiti ngayon .
'Urrghh! Krizy wag kang ngingiti ngiti sa harap nang lalakeng masungit na yan'
Napayuko ako dahil hindi ko talaga mapigilan ang pag ngiti ko.
'Anong nangyayare sakin? Para akong timang. Tss'
Binilisan ko na lang ang pagkain ko para makaalis na ako dito. Ayokong kasabay ang masungit na to. Oo ayoko talaga. As in ayoko.
('Ayaw mo, pero bakit ngingiti ngiti ka dyan?')
'Wala! May naiisip lang ako!'
('Sows! Oo na lang')
Muntanga ako dito habang kausap ko ang sarili ko.
Patuloy lang ako sa pagkain hanggang sa nabilaukan ako."*cough* *cough*" ako habang pinapakalma ang sarili ko.
Yung lalake naman na nasa harap ko parang nataranta sa pagkuha ng tubig at inabot sa akin.
"Dahan dahan kasi! Hindi naman kita aagawan ng pagkain" sabi nya habang tinitingnan ako na parang nag aalala siya sakin.
Inabot ko na lang yung tubig na hawak nya at ininom agad to.
"Thanks" tipid kong sabi ng makainom na ako.
"Are you okay now?" Tanong nya na parang nag aalala pa.
'Wag kang assuming krizy ba't naman yan mag aalala sayo tss'
Tumango naman agad ako. Siya naman may kinuha sa bulsa nya at nakita kong panyo ito.
Pinunasan nya yung basa sa may gilid ng labi ko. Siguro yung pag inom ko to ng tubig kanina.
Dahan dahan nya itong pinunasan. Ako naman nakatingin lang sa kanya.
Nakatulala. Nagugulat sa ginagawa nya ngayon.'Ano kayang nakain ng taong to?'
Patuloy lang siya sa pagpunas hanggang sa may nagsalita..
"Hi liyah!" Masayang bati ni Raphael.
'Panira naman to e! Tss'
Inis ko naman siyang hinarap. Si Luke naman parang nagulat at inalis agad yung kamay nya. Tss
"Why?" Tanong ko. Kasama nya yung dalawa nyang barkada. Tiningnan ko naman sila. Si Nathan nakangiti rin sa akin tulad ni Raphael, pero yung isa nakatingin lang saming dalawa ni Luke. Problema nito? Tss

BINABASA MO ANG
Mr. ICE meets Miss ICY
RandomYou don't know pain until you're staring at yourself in the mirror with streaming down your face and you're begging yourself to just hold on and be strong.