COLD #22

12 0 0
                                    

Krizyliyah's POV

Parang nawalan ako ng gana sa narinig ko. Kung kanina gutom na gutom ako, ngayon parang gusto kong isuka ang mga nakain ko -_-
Kanina pa ako dito sa Canteen kahit na nag time na. Hindi ako makagalaw, wala akong balak gumalaw ngayon. Alam kong para akong tanga ditong parang estatwa na nakatulala sa kawalan. Pero wala akong paki sa mga crew ng canteen na to na nakakakita sa akin.

Ako na lang ang estudyante na nandito dahil 1:30pm na. 30 minutes na ang nakalipas ng mag ring ang bell. Hindi ko alam sa sarili ko dahil trip ko mag cut ng class ngayon.

"Miss Fuentes why are you still here? Kanina pa nag bell" lakas loob na tanong sa akin nang lalakeng parang manager ng canteen.

"I just want to. May problema ka?" Tanong ko pero nakatulala pa rin ako sa kawalan. Alam kong parang wala na akong galang, pero my gosh kilala na nila ako, alam na nila ugali ko na ayaw na ayaw kong pinapakialaman -_-

"Nothing. It's just that kami po ang mapapagalitan kapag may nakakita sayo dito" nag aalala nyang paliwanag.

"Okay then" tanging nasabi ko at tumayo na at handa nang maglakad palabas.

"Where are you going?" Habol sa akin nung manager na parang nag aalala pa rin.

"Ano bang paki mo?" Tanong ko sa kanya at hinarap siya.

"Wala po.sorry" pagpapaumanhin nya at yumuko sa hiya. Tsk Sabi nya kanina baka mapagalitan sila dahil sa akin, tapos ngayong aalis na ako tatanungin kung saan ako pupunta. Tss nako nako.

Napaismid na lang ako at tinalikuran siya. Nagsimula na akong maglakad sa kung saan. Hindi ko rin kasi alam sa sarili ko kung saan ako pupunta, nagpapadala na lang ako sa paa ko kung saan nya ako balak dalhin. Walang tao sa corridor at lahat sarado ang pinto ng mga room. Very good, wala akong masisigawan na estudyante na nakatambay sa labas dahil walang teacher. Tss

(A: Habang nagbabasa kayo ng part na to play nyo yung YOUR LOVE sa Dolce Amore. Wala lang mas maganda kapag may music. Enebe. Hahaha)

Para akong tangang naglalakad na hindi alam kung saan pupunta. Siguro kung ibang student kakabahan na kasi baka may makakita sa kanyang teacher habang ginagawa nya ang ginagawa ko ngayon, pero ako hindi. Wala akong ibang nararamdaman maliban sa lakas ng tibok ng puso ko simula ng marinig ko usapan nung mga babae. Wala akong pakialam kung may makakitang teacher sa akin. Tss Ang tanging gumugulo lang sa aking isipan ay sino ang babaeng kasama nya? >_<

'Who is the lucky girl?'

Namalayan ko na lang naglalakad na ako pataas papunta sa rooftop ng building namin. Ito ang paborito kong tambayan kapag may problema ako at stressed na stressed sa buhay, at hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito ngayon, e wala naman akong problema tss.

'A: WALA NGA BA?'

'Wag ako Ms. Author tss'

Pero ang alam ko ngayon ay nanggigil ako, parang gusto kong magwala. Hindi ko alam ang gagawin ko -_- Kaya ba hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin dahil sa babae na yun? Akala ko ba, okay na kami? Akala ko ba close na kami? Pero bakit ganito? Bakit ni magtext man lang o tumawag hindi nya magawa? May girlfriend na ba talaga siya? Girlfriend nya ba talaga yun? Urgghhhh! I hate this feeling >_<

Ang raming tanong sa isip ko na hindi ko masagot. Ang tanging alam ko lang ngayon ay maiiyak na ako sa inis :(

"Urggghh!" Para akong batang nagtatantrums dito habang nanggigil na hindi alam ang gagawin.

"Bakit nararamdaman ko to? Urghh ahhhhhhhhhh!!!!!! I hate this! I really hate this feeling of mine!" sigaw ko sa inis. Alam ko naman na walang makakarinig sa akin dahil ako lang naman ang nandito at bukod dun alam kong ako lang naman pumupunta dito.

*sniff sniff sniff*

Gusto kong matawa, umiiyak na pala ako ng hindi ko namamalayan.hays -_- Anong ginawa mo sa akin LUKE MENDEZ? :((( Bakit ako nagkakaganito?

Habang iniisip ko ngayon ang pinag usapan ng mga babae kanina, patuloy pa rin sa pagpatak ang luha ko. Ba't ba ako umiiyak? Ba't ba iniiyakan ko ang lalakeng yun?

"Ang problema kasi sayo krizyliyah masyado kang assuming, *sniff sniff* niyaya ka lang ng date, sinama ka lang sa pagsimba tapos iniisip mong may  gusto na sayo? Stupid!"  Para akong tangang pinag sasabihan ang sarili ko habang umiiyak.

"Tapos ngayon ano? Umiiyak ka dahil sa kanya? Umiiyak ka dahil may girlfriend na siya? *sniff sniff* Ang bobo mo kasi! Magkakagusto ka na lang sa may girlfriend pa. Huhuhu *sniff sniff*"
Yea. Tama kayo ng basa :( May gusto ako sa masungit na yun. May gusto na pala ako sa kanya ng hindi ko namamalayan. Magmumukha naman akong sinungaling kung idedeny ko pa e halatang halata naman diba? Hindi ko lang alam kung bakit at kailan, basta ang alam ko lang gusto ko na siya pero bakit ngayon pa? Ngayon pang may girlfriend na siya :((

Patuloy lang ako sa pag iyak ko habang naka ub-ob ako sa tuhod ko. Wala akong balak pumasok ngayon, alam kong ako president ng council pero kung makapagcut ng class,over over. Wala lang ako sa mood, baka kasi pag pumasok pa ako masungitan ko pa ang mga tao sa paligid ko.

Wala pa naman akong mapagsasabihan ngayon dahil galit sa akin si Krissa, hindi pa kami nagkakaayos. Hays  I want my kuyas now :( Siguro kung nandito sila, kanina pa sila gumawa ng paraan para malibang ako. This is my first time pa naman na magkagusto sa isang lalake. Tss tapos ganito pa? Hays. 

Alam kong hindi ako to, hindi to si Krizyliyah na matapang. Ngayon, si Krizyliyah to na mahina, iyakin at nasasaktan :(

"Ang gago kasi ng Mendez na yun e! Nagbibigay ng motibo! Ito namang si ako, assuming. Urggh! Uupakan ko talaga ang bise na yun kapag nakita ko siya!" Parang bata kong sabi habang marahas na pinupunasan ko ang mga luha ko.

"Kailangan kong ipakita na hindi ako apektado sa gagong yun. This is not you Krizyliyah kaya umayos ka" pag momotivate ko sa sarili ko. Alam kong para na akong timang dito pero wala akong paki.

Habang inaayos ko ang sarili ko, biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko naman itong kinuha.

From: MODUS

Ganyan nga! Wag mong iyakan ang taong gago.

Napakunot naman ang noo ko pagkabasa ko ng nagtext at ang laman ng text. Bakit alam nya ang pinagdadaanan ko?

Napalinga naman agad ako sa paligid ko para tingnan kung may ibang tao ba dito bukod sa akin, pero wala akong nakikita. King ina! Who the hell are you?

Tumungo naman ako sa may pintuan palabas para tingnan baka nandun siya pero the eff WALA -_-

'Sino ka ba talaga? Parang mas mukha ka pang gago kay Mendez e'

***
TO BE CONTINUED…
A/N:
Hello guys! Yiiieeeeee nagbabasa pa rin siya. Salamat sayo kung sino ka man na patuloy pa rin sa pagbabasa nito. Hihihi push mo yan bes :D
Pasensya na sa waley na update. Sabaw e. Hahaha kekeke sa susunod ulit :)
Please read,VOTE, comment and share at paki follow na rin ako ha? :D SALAMAT SALAMAT . mwuaaaahugs :*

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon