Krizyliyah's POV
Madaling lumipas ang oras. Kaming anim na lang ang natitira dito sa room. Yung iba nagsiuwian na.
"So guys. Saan tayo magpapractice?" Tanong ni Krissa sa amin.
"Sa bahay na lang" sagot naman ni Raphael.
"Okay lang ba sainyo?" Tanong naman ni Krissa sa aming apat .
Nagkibit balikat lang ako. Sina Nathan at Eros tumango bilang pag sang ayon. Si Fuentabella? Wala lang -_- wala po siyang kareareaksyon >_< what the heck? Kanina lang kinausap nya ako. Tapos ngayon? Tss Ano to? BSDU? Balik Sa Dating Ugali? -_-
"So sige. Sa bahay nyo na lang Raph" masayang sabi ni Krissa.
"Pero pano ano ang sasakyan?" Sabat ni Eros.
"Edi kanya-kanya. Duh?" Maarteng sagot ni Krissa.
"Malay mo kasi sabay sabay na lang tayo sa isang sasakyan. Duh?" panggagaya ni Eros kay Krissa. Si krissa naman ang sama na ng tingin kay Eros.
'World War 3 to panigurado'
Nagsusukatan na ng tingin ang dalawa hanggang sa pinigilan na to ni Nathan.
"Hey guys! Stop" pagpipigil ni Nathan at pumagitna sa dalawa. Binelatan na lang ni Eros si Krissa at si Krissa naman umirap lang. Ang sarap talagang pag untugin ng dalawang to -_-
"Ganito na lang, dalawa ang magsasama sa isang sasakyan kasi kung anim tayo at magkakanya kanya masyadong marami ng sasakyan. Wala ng space sa Garahe nina Raph Raph." Mahabang lintanya ni Nathan. Tsk. Bakit maliit ba Garahe nina Raphael? -_-
"Ganon ba?Gusto ko yan! Tayong dalawa na lang Nate! Hihihi" excited na sabi ni Krissa sabay lingkis kay Nathan.
"What the hell?" baling ko kay Krissa na wagas makalingkis kay Nathan at pinanlakihan siya ng mata. Umaasa akong kaming dalawa ang magsasama. Kasi in the first place kaming dalawa lang naman ang babae dito at higit sa lahat magkaibigan kami -_-
(A: Wag ka kasing umasa, kung ayaw mong masaktan tss tss)
"Ay izy. Sa iba ka na lang sumama. Ang boring mo kasi kasama kapag inaatake ka ng katahimikan at kasungitan. Hihihi" pabebe nyang sabi and she winked at me -_-
'Buset na babae to! Tss Walang kwenta!'
Inirapan ko na lang siya at nag peace sign naman siya sa akin. Tss
"So kami na ni Krissa ang magsasama. Kayo dude?" Tanong ni Nathan kay Fuentabella pero nagkibit balikat lang ito.
"Kami na lang ni Eros ang magsasama" sabat ni Raphael sabay akbay ki Eros at tiningnan ng makahulugan si Nathan.
'So walang gustong makasama ako? Tss'
"Okay. No choice kayong dalawa. Kayo ang magsasama" nakangiting baling ni Nathan sa amin ni Fuentabella.
"Bagay kayo" si Raphael na may panlokong ngiti.
Tiningnan ko siya ng what-are-you-saying-look ko.
"Bagay kayo- kasi you know parehas kayong tahimik" palusot ni Raphael. Tss.
"Tama na yan guys! Alis na tayo para makapagsimula agad." Singit ni Nathan. DAKILANG SINGITERO talaga ang lalakeng to -_- psh. Wateber.
"Yea. we need to win this contest para sa Korea! Kyaaaaah fight fight fight!" energetic na sabi ni Krissa habang nakalingkis pa rin kay Nathan at naglakad na sila -_-

BINABASA MO ANG
Mr. ICE meets Miss ICY
عشوائيYou don't know pain until you're staring at yourself in the mirror with streaming down your face and you're begging yourself to just hold on and be strong.