COLD #14

24 1 0
                                    

Krizyliyah's POV

K I N A B U K A S A N

Nandito ako ngayon sa loob ng room nakaub-ob. Napaaga kasi pagpunta ko dito sa School.

Ewan ko ba kasi sa akin para akong tanga kaninang umagang nagmamadaling pumunta dito sa School kahit antok na antok pa ako.

(A: ayyiiee may gusto ka kasing makita)

(Heh! Stop me ms. Author!)

(A: ayyiiee ayyiieee kasama mo pa lang siya kagabi tapos gusto mo na agad siyang makita ulit)

(Heh! Sino ba yang tinutukoy mo?)

(A: wala.)

(Si Mendez nu? Hoy hindi ah! Hindi ako excited na makita siya.)

(A: wala akong sinasabi hahaha)

Ewan ko sayo Ms. Author magsulat ka na lang dyan. Tss

"Geeeez I'm so sleepy!" malakas kong sabi habang nag uunat dahil wala pa naman akong kasama dito sa loob ng room .

"ANU BA KASING GINAWA MO KAGABI?" Pasigaw ng isang pamilyar na babae sa may pintuan. Agad ko naman itong hinarap at tiningnan ng masama.

"I'm not deaf bruha. No need to shout. Tss" sabi ko at inirapan siya. Ngumuso naman siya sa akin. Tss muntanga -_-

"Wag mong ibahin ang usapan bruha. Anong ginawa NYO kagabi ba't parang puyat na puyat ka?" Putak nya habang naglalakad papalapit sa akin kung saan rin ang upuan nya.

"Nyo?" Nagtataka kong tanong. Kunyare hindi ko alam tinutukoy nya. Mwahaha.

"Nyo ni Mendez! Sino pa ba? Diba nag date kayo, so anong ginawa nyo? May ginawa ba kayo? May nangyare sainyo? Ano? Ba't ka puyat ha bruha? Sinuko mo na ba ang bataan mo? Pero bakit bruha? Alam ba yan ng pamilya mo? Izy naman e. Diba iniingat ingatan natin yan? Ang bata bata mo pa, Ba't mo sinuko? Alam mo naman na dapat ---" hindi na nya natuloy sinasabi nya dahil ang sama na ng tingin ko sa kanya. Tss Ang OA talaga ng kaibigan kong to. Ang sarap po nyang batukan minsan.

"OA na" maikli kong sabi.

"Just answer my question na kasi" maarte nyang sabi.

"Walang nangyare sa amin" walang gana kong sabi.

"WEH? WALA? WALA TALAGA? BAKIT WALA?" disappointed nyang tanong.

Ang gulo ng babaeng to. Kanina halos patayin nya na ako sa kakaputak kung ba't ko sinuko tapos ngayong sinabi kong walang nangyayare sa amin. Bakit daw wala. pSh. O diba ansarap nyang batukan? -_-

"Ewan ko sayo" nauubusan kong pasensyang sabi at umub-ob na lang ulit sa upuan ko.

Kukulitin pa sana ako ni krissa ng may nagsalita sa may pintuan.

"Hi krissa" masayang bati ni Raphael ata yun base sa boses,nakaub-ob pa kasi ako ngayon kaya hindi ko makita.

"Ow nandito na pala si Liyah" Dugtong pa nya. CONFIRMED. Si Raphael nga dahil siya lang naman at si Nathan ang tumatawag sa akin ng liyah. Tss

"Hi Raph. Hi Nate. At Hi Chase" masayang bati rin ni Krissa. Pustahan. Ngiting ngiti yang bruhang yan habang bumabati.

"Hello krissa" sagot naman ni Nathan. Siya lang sumagot. hindi ko marinig boses ni Fuentabella e.

"Tulog ba yan si Liyah?" Si Raphael base sa boses. Oo Nagtutulog tulugan. Haha

"Oo. Puyat kasi e" sagot naman ni Krissa.

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon