Krizyliyah's POV
Madaling lumipas ang araw. Friday na ngayon at binigyan kami ng time ng adviser namin para makapag practice sa gaganaping competition sa susunod na linggo. Buti naman at naisipan nyang bigyan kami ng time. tss
Wala pa rin ako sa mood ngayon kasi hanggang ngayon absent pa rin si Mendez. 1 week na mga dude. 1 WEEK! Urgh. At alam nyo ba kung ano pa nakakawala ng mood? Yan ay araw araw kung naririnig sa mga estudyante dito na may hinahatid siya sa M Academy. Tapos hindi man lang nagpaparamdam. Hm.
Pero mas nakakainis ngayong araw -_- You know why? Pinalitan lang naman kahapon yung kakantahin namin. Tss Kung kailan ilang araw na lang bago ang competition pinalitan pa yung kanta. Sinong hindi maiinis? -_- Yung mga nagpapatugtog kasi ng instrument akala mo sila kakanta. Lalo na si Krissa. Kung makapag kontra. Sarap hampasin ng Gitara nya. Tss Ganito kasi yan.
Flasback
Nandito kami ngayon sa music room para magpractice.Nung nasa Intro at nagpapalitan pa lang kami ng lyrics okay pa at derederetso lang kami. Nasa chorus na kami ni Fuentabella sa kanta. Sabay na kaming dalawa.
"Cause when the daylight comes I'll have to go but tonight I'm gonna hold you so close. And ----------"
Napatigil kami pareho ni Chase kasi biglang tumigil yung mga tumutugtog. Sabay kaming napatingin sa kanila at tiningnan ng what-is-the-problem look. Tss
"Ang panget" prankang sabi ni Krissa.
Napakunot ako sa sinabi nya.
"WOW" Sarcastic kong sabi sa kanya.
"Ng kanta. Ang panget ng kanta. Ito naman hindi pa nga tapos e" nagpapacute nyang sabi sa akin at nag peace sign pa. Psh.
"Oo nga guys. Hindi bagay yung kanta sa inyo" pag sasang-ayon naman ni Nathan kay Krissa.
"Tsaka para kayong robot kung kumanta. Maganda sana ang boses kaso walang feelings!" Pagdudugtong naman ni Raphael.
"Oo nga. Ang panget tuloy pakinggan. Parang si Krissa. Ang panget. WAHAHAHAHAHAHA" Nang aasar naman na sabi ni Eros. Haha. Tiningnan ko naman si Krissa na masama na ang tingin kay Eros. Nako nako. Hindi na ako magtataka kung isang araw magmamahalan na tong dalawa. Psh. Hahaha
"Edi palitan tss" sabi ko na lang kahit ilang beses na namin itong pinag aralan kantahin. Sana naman noon pa lang sinabi nila agad.
"Why now?" Parang naiinis na tanong ni Fuentabella. Akala ko hindi na naman siya magsasalita.
"E kasi dude. Akala namin mababago pa yung pagkanta nyo. E yun pa rin hanggang ngayon" pagpapaliwanag naman ni Nathan.
"You should told us. EARLIER!" Naiinis pa rin siya. Tss tss. Tama siya. Dapat sinabi nila ng maaga kasi ilang beses na naman itong pinag aralan at ilang beses na kaming nagpractice gamit ang kantang yun.
"E kasi--" magpapaliwanag pa sana si Nathan pero oinutol ko na ang sasabihin nya.
"That's enough! Lets change the song while we have still time to practice" sabi ko na lang sa kanila. Tss sila naman tahimik lang at hindi nagsasalita.
1 minute
2 minutes
3 minutes
"Ano sasali pa ba tayo o hindi?" Naiinis ko ng tanong sa kanila. Mga wala atang balak magsalita. Tss
"SASALIIII" Sabay na sagot naman nung apat. Inirapan ko na lang sila.
BINABASA MO ANG
Mr. ICE meets Miss ICY
RandomYou don't know pain until you're staring at yourself in the mirror with streaming down your face and you're begging yourself to just hold on and be strong.