Chase's POV
Babalik na sana ako ng room galing sa office ni Dad, when I saw her walking from rooftop. What did she do there?
I followed her.
Naglalakad siya palabas ng campus. Hindi rin ba siya pumasok?
Nang makalabas siya ng gate, may sasakyan na naghihintay dun, yung sasakyan nya at dali dali siyang pumasok.
'What happened to her?'
Someone's POV
Lumabas ako ng room at hinanap siya. Nasa'n ba siya? -_-
Pumunta ako sa office nila pero wala siya baka kumakain pa? Kaya pumunta ako sa cafeteria at nandun nga ang taong mahal ko :)))
Pero nakatulala lang siya at hindi ginagalaw ang mga pagkain. Napakuyom ako
'Dahil ba to sa lalakeng yun?-_-'
"Fuck you ka Mendez!" Mahinang bulong ko.
'Gagawin ko ang lahat mapunta lang siya sa akin'
Krizyliyah's POV
Nandito ako sa loob ng sasakyan namin. Nagpasundo ako kay Manong.
"Ba't ang aga mo naman iha?" Nagtataka at nag aalalang tanong ni manong habang nagmamaneho siya.
"Masama po kasi pakiramdam ko" pagpapalusot ko para hindi na siya magtanong ng magtanong.
"Gusto mo bang dalhin kita sa hospital?" Nag aalala pa rin siya. Minsan OA rin to si manong e. Hospital agad? Sabagay pwede rin. Masakit kasi ang puso ko ngayon :(
"May gamot na po ba ang hospital sa sakit sa puso dahil sa pagmamahal?" Mahinang tanong ko ki manong habang nakanguso.
"Ha?" Nagtatakang tanong ni manong. Tsk
"Wala po. Sa starbucks tayo manong" sabi ko na lang.
"Akala ko ba masama pakiramdam mo iha?" Tanong nya. Kulit naman ni manong -_-
"Hindi na po pala" palusot ko sa kanya.
"Sigurado ka? Baka kapag tumambay ka pa, lalo lang sumama ang pakiramdam mo?" Parang ayaw pa ata ni manong akong payagan. Hay
'Krizy naman kasi. Ba't ganon ang palusot mo? Alam mo naman na parang papa mo na to at grabe mag alala sayo
-_-'"Yes manong. I'm sure po. Gusto ko lang magpalamig" sabi ko at ipinikit ang mga mata para umidlip.
Ayoko na muna ngayon makipagdaldalan kahit kanino. Yea. Ayoko ng may kausap kapag may problema at yan ang ayaw na ayaw sa akin nina mommy, daddy, dalawa kong kuya at lalong lalo na ni Krissa na pinaglihi sa armalite -_-
Mas maganda kasi para sa akin sa pakiramdam kapag ikaw lang, nag iisa ka. Yun bang may pagkakataon kang mag isip na walang gumugulo sayo. Yung walang ibang magdidikta sayo kung ano ba ang dapat at hindi dapat mong gawin. Ewan, pero yan ang mas maganda para sa akin. Though darating rin ang panahon na kailangan ko sila, na hihingin ko ang tulong nila pero hindi pa ata to ang panahon. Darating rin tayo dyan, sa ngayon matutulog muna ako.
ZZZzzzzzzzzzz………
Sana pag gising ko wala na ang sakit. Sana pag gising ko panaginip lang pala lahat. Sana pag gising ko nandito na siya sa harap ko. Pero siyempre sana gumising pa ako -_- tss
"Iha nandito na tayo" narinig ko ang boses ni manong kaya binukas ko naman ang mga mata ko at inilibot ang paningin sa paligid. Nandito na kami at medyo dumidilim na.

BINABASA MO ANG
Mr. ICE meets Miss ICY
RandomYou don't know pain until you're staring at yourself in the mirror with streaming down your face and you're begging yourself to just hold on and be strong.