COLD #28

10 0 0
                                    

Krizyliyah's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Ako, si Krissa at si Eros. Lunch time na at hindi pa rin talaga ako nakaka move on sa gagong Fuentabella na yun sa ginawa nya kanina -_- Bihira magsalita pero kapag nagsalita naman puros pang iinis ang lumalabas sa bibig. Sarap hampasin ng walis. Tss

Ang kapal kapal ng pagmumukha. Yes. Gwapo siya pero mas gwapo si Mendez. Like duh -_-

AT Ako? Ako pa talaga yung may gusto na makipagtitigan sa kanya? Ang laki nyang ASA! tss Kung hindi nya ako tinitigan ng ganon, edi sana walang problema.

"Krizy"

Akala tuloy ni you know who nakikipaglandian ako sa kanya.

"Hey krizy"

E siya nga tong nakikipaglandian sa akin -_- tss

"KRIZYLIYAH!!!!!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Eros.

"AY GAGO KA FUENTABELLA!" Malakas na sigaw ko kay Eros dahil sa gulat.  Nagtinginan tuloy ang ibang students sa table namin at nag bulungan kaya tinapunan ko ng masamang tingin si Eros.

"Anong fuentabella ka dyan?" Nagtataka nyang tanong.

"Nothing! What the fuck Eros! Bakit ka sumigaw sa tenga ko?!!!" Inis na tanong ko sa kanya at hinawakan tenga ko.

"Late reaction lang krizy? Late reaction?" Pang aasar naman ni Krissa kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Are you Eros now huh?" Pang aasar ko rin sa kanya kaya sumama ang itsura nya sa sinabi ko.

"Yuck. Kahit kailan hindi ako magiging Eros. Ewww" maarteng ani ni Krissa sabay tingin ki Eros.

'Eto na naman po tayo sa dalawang to -_-'

"Hindi mo muna lang ba ako tatanungin kung gusto ko ring maging ako ikaw? Duh" mapang asar rin na ani ni Eros kay Krissa pero inirapan lang siya ng bruha. Iba rin talaga ang bruhang to e.

"You two! Please stop!! And you Eros! Anong trip yun? Kay krissa mo na lang sana yun ginawa!!" Inis na sabi ko.

"Hoy bakit sa akin?!" Takang tanong ni Krissa.

"STOP!! I'm not talking to you!" Sigaw ko kay Krissa kaya nag akto siyang susuko na at tinaas ang dalawang kamay -_-

"Okay okay. Chill brad" parang tibo na ani nya kaya napa akto ako na parang nandidiri. Yuck ang babaeng to. May brad brad pang nalalaman. Tss

Hindi ko na lang siya pinansin at si Eros na lang ang tiningnan ko. Tiningnan ko siya ng what-is-your-problem look ko -_-

"E kasi naman ang lalim lalim ng iniisip mo tapos yang pork steak mo durog na durog na" nakangiwi nyang sagot sa tingin ko sa kanya sabay tingin sa plato ko. Ako naman napatingin rin dun at nagulat sa itsura ng pork steak na ulam ko -_-

'Kasalanan to ni Fuentabella-_-'

"Epekto lang yan ng sagutan nila ni you know who kanina" sabat na naman ni Krissa habang ngumunguya.

"Hinihingi ba namin ang opinyon mo Medina?" Hambog na tanong ni Eros kay Krissa.

"Ikaw ba kausap ko Mendoza?!" Maarteng balik na tanong ni Krissa.

"Sinabi ko bang mag away kayo?" Sabat ko naman sa kanila.

"HINDI!" Sabay nilang sagot. Nagtinginan naman sila at tiningnan ang bawat isa ng masamang tingin -_-

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon