COLD #20

14 1 2
                                    

Krizyliyah's POV

Nandito na ako ngayon sa School. Kakakarating ko lang. Male'late na nga ako -_- Urgh Monday na naman kasi. Stress week na naman ito mga bes -_-

Hindi pa rin naaalis sa isip ko yung nangyare kahapon. Tss Ni hindi man lang nagtext o tumawag ang Mendez na yun! badtrip -_-

Naglakad na ako papunta sa room at medyo malayo pa lang ako, naririnig ko na ang boses ni krissa. What do we expect? -_- Si Krissa yun e. Tss

Napairap na lang ako ng mag isa habang naglalakad. Wala namang nakakakita kaya okay lang. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng room namin, binuksan ko agad yung pinto at pumasok.

"Good morniiiiiing prend"  bungad agad sa akin ni bruha at lumapit sa akin para yakapin ako.

"Ang OA! Umalis ka nga" pagtataray ko sa kanya at tinulak siya palayo.  Siya naman napanguso sa inasta ko.

"Yuck. Stop that bakla. Ang laswa e" nadidiri kong sabi sa kanya pero mahina lang. Ayokong naririnig ng ibang kaklase namin ang pinag uusapan naming dalawa. Mga chismosa't chismoso pa naman ito. 

"Grabe. Hindi mo man lang ba ako na'miss? Samantalang hindi ka na nga nagparamdam sa akin kahapon. Ganyan kana ba? Ano? Nagbago kana? May bago ka ng kaibigan? Sabihin mo sa akin! Pinagpalit mo na ba ako?" Mahaba nyang lintanya habang nakanguso na siyang nakapagpairap sa akin lalo.

"What the hell? Anong drama yan? Pang MMK o MAGPAKAILANMAN?" sarcastic kong tanong sa kanya.

"Ang sweet mo talaga e nu?" mataray nyang tanong sa akin at tinaasan na ako ng kilay.

Para po sa inyong kaalaman. PAREHAS PO kami ng ugali ng bruhang to. Pabebe lang pag may ibang tao. Hahaha.

"Ngayon mo lang nalaman?" Balik na tanong ko rin sa kanya habang nakataas na rin ang kilay ko.

Tiningnan ko ang mga kaklase namin at nakita kong hindi naman na sa amin nakatuon ang pansin nila. Siguro alam na nilang wala naman silang mapapala sa amin ni Krissa. Hahaha.

Pero nilibot ko pa rin ang tingin ko at nakita kong si Fuentabella lang ang nakatingin sa amin ni Krissa habang nakakunot ang noo.

'Problema nito?'

Hindi ko na lang pinansin si Fuentabella at tinuon ulit ang pansin sa bruhang to na super taas na ng isang kilay. Hanips.

"Siguro nga tama ako, May bago ka na talagang kaibigan" malungkot nyang sabi. Mygosh! Pabago bago siya ng mood. Sarap upakan. Chaaar lang.

"Ewan ko sayo" sabi ko na lang at iniwan ko siyang nakatayo dun sa may upuan. Ako naman tumungo na sa chair ko.

Medyo nainis kasi ako sa sinabi ni Krissa. What the hell? Alam naman nyang kahit ganon ako sa kanya. Hinding hindi ako maghahanap nang ibang kaibigan. Sa kanya palang nga sumasakit na ulo ko, tapos maghahanap pa ako ng iba? Hindi naman ata ako tanga para gawin ko yun. Hahaha tss -_-

Nang makaupo na ako, tiningnan ko si Krissa na nakatayo pa rin doon sa may pintuan.

'Seriously? Naniniwala siya sa sinasabi nyang may ibang kaibigan ako?'

Nakatingin pa rin ako sa kanya, pero maya maya lang pumasok na si ma'am kaya tumungo na siya sa upuan nya which is katabi ko.

Nakayuko lang siyang naglalakad papalapit sa akin at hindi ako tinitingnan.

Nang makaupo na siya medyo inusog nya ang upuan nya palayo sa upuan ko.

'What the hell'

Hindi ko na lang pinansin ang ginawa nya at nakinig na lang ako kay ma'am.

Minsan hindi ko maiwasang lingunin si Krissa pero siya ni hindi man lang siya tumingin sa akin. Urgh -_-

Isang oras ang lumipas pero tahimik pa rin si Krissa. Madalas naman, siya ang maingay sa klase pero ngayon hindi siya dumadaldal. Hays What's her problem? :3

Krriiiiiiing!
'Break time'

"Okay. Class dismissed. Thank you" paalam ng guro at lumabas na ng room.

'Yun ang line na gustong gusto ng mga estudyante e including me haha'

Hindi pa ako tumatayo dahil hinihintay kong alukin ako ni Krissa. Yun kasi ginagawa nya tuwing break time.

Pero ang wengya. Hindi man lang tumatayo sa upuan nya.  Urrrrrggggghhh.

Krrrriiiiiiiiiing!

King ina! Nag time na at lahat. Hindi man lang ako inalok o nilingon man lang ng bruhang to. Hays.

'I'll talk to her later'

Madaling lumipas ang oras at lunch break na.
Hinintay kong magsilabasan ang mga kaklase ko.

Kunot noo ko silang tinitingnan habang sila busy sa pag aayos ng gamit ang mga lalake at sarili naman ang inaayos ng mga babae.

'Wengya! Gutom na ako >_<'

Tiningnan ko naman si Krissa na inaayos na rin ang mga gamit. Hays. Paano ko siya makakausap kung lalabas rin siya? -_- Buset!

'Ba't ba kasi ang tagal magsilabasan ng mga buset na to?' -_-

Palabas na sana ng room si Krissa pero pinigilan ko siya.

"Krissa please stay inside" nakikiusap kong sabi sa kanya.

Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako. Tiningnan nya ako ng masama at tumalikod ulit.

'Ang taray ng bruha'

Handa na sana nyang buksan ang pinto.

"I SAID STAY INSIDE" may awtoridad ko ng sabi.

Parang nafeel naman ng mga kaklase namin sa loob na hindi maganda ang aura dito kaya yung mga natirang students nag uunahang lumabas. Buti naman at naisipan na nila bago ko sila masigawan -_-

"Urgh! Bakit ba?!!"  Naiinis nyang tanong sa akin habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. Kaming dalawa na lang ang nasa loob.

"We need to talk" sagot ko naman.

"Anong bang pag uusapan natin ha?!!" Pasigaw nyang tanong sa akin.

"Will you please lower your voice?!" Sigaw ko sa kanya.

"Lower your voice, lower voice tapos ikaw sumisigaw rin!" Sigaw nya pabalik sa akin.

Tss. Walang mangyayare sa usapan na to. Ngayon kilala nyo na si Krissa. Tulad ko rin siya, ayaw magpatalo. Lalo na kapag inis na inis siya -_-

"Mag usap na lang tayo mamaya" sabi ko sa kanya ng mahinahon. Wala kasi talagang mangyayare dito.

"BAKIT MAMAYA PA?! PWEDE NAMAN NGAYON?!"  sigaw nya ulit. Buset!

"KING INA! MAG UUSAP TAYO NGAYON TAPOS GANYAN KAINIT ULO MO?!!! SIGE NGA PANO NATIN TO MAAAYOS???!" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman siya sa sigaw ko.

Alam kong alam nyang nagsisimula na rin akong mainis.

"SINO BA KASING HINDI IINIT ANG ULO NA GUTOM NA AKO! HINDI AKO  NAG SNACK KANINA DAHIL SAYO!!" Sigaw nya sa akin.

"SO KASALANAN KO?! HA?! KASALANAN KO BANG TANGA KA?! TINGIN MO BA AKO NABUSOG KAKAHINTAY SAYO KANINA?!"   Nagsisigawan na kami dito sa loob.

"NAGSABI BA AKONG HINTAYIN MO AKO?!" Tanong nya sa akin ng pasigaw.

'Tss. Okay suko na ako. Nakakagutom lalo kausap ang babaeng to!'

"Ewan ko sayo!" Naubusan ko ng pasensyang sabi at naglakad na papunta sa may pinto.

"Sa bahay. I'll wait you there" sabi ko ulit at binuksan na ang pinto at naglakad na palabas.

***
TO BE CONTINUED...
A/N:
SLU guys, busy kasi. Kahit pala tapos na midterm ang rami pa ring ginagawa -_- huhuhubels. Babawi na lang ako. Ha?
Thankyou sa nagbasa nito ngayon. I love you. Please read, vote, comment and share. Salamat salamat :* mwuaaaahugsss :* :*

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon