COLD #11

18 1 0
                                    

Krizyliyah's POV

Tapos na ang klase at hanggang ngayon kinukulit pa rin ako ni Krissa, kesho kung kami na daw ba ni Luke kesho bakit daw ba kami magde'date. Tss

Napapairap na lang ako sa paulit ulit ulit ulit nyang tanong. Hays

"Hoy bruha! Aminin mo na kasi sa akin! Tanggap ko naman yung supladong yun e" kulit pa rin nya.

"HINDI NGA KAMI!" naiinis ko ng sigaw sa kanya.

Nandito pa kasi kami sa room, yung iba lumabas na. Nagpaiwan muna ako kasi inaayos ko pa mga gamit ko. Si Krissa naman nagpaiwan para kulitin ako.

"E bakit magde'date kayo?" Tanong pa rin nya. Kanina pa po ganyan ang conversation namin. Paulit ulit lang. Paikot ikot lang -_-

"Ewan ko sayo!" Sabi ko at nagsimula ng maglakad palabas ng room. Tapos ko na kasing ayusin gamit ko.

"Krizy naman e! Aminin mo na kasi" sumunod pa rin siya sa akin.

"Ang alin nga?!!!" Nauubos na pasensya kong tanong.

"Kung kayo na?" pabebe nyang tanong. Tss

"HINDI NGA! HINDI HINDI. paulit ulit ka! Isusumbong na kita kay kuya keith! Ano? Magtatanong kapa?!" naiinis kong tanong sa kanya. Pero sa loob looban ko grabe na ang tawa ko. Kasi naman ang mukha ni Krissa priceless. Haha. Naiinis na parang natatakot. Para siyang natatae na hindi. Hahahaha

"Hindi na! Wag mo lang mabanggit banggit ang pangalan ng unggoy na yun" nangigigil nyang sabi. Hahaha

"Hahahahahaha" nakakatawa talaga si Krissa. Tiklop kapag nababanggit si Kuya.

"Hoy! ANONG NAKAKATAWA?!" inis nyang tanong sakin. Ako naman patuloy lang sa pagtawa. Wala naman ng mga estudyante e. Kaya okay lang ipakita ang ugali kong wagas makatawa. Haha

"HAHA Wala! Kung maka'unggoy ka kasi parang hindi mo gusto ang UNGGOY na yun. Hahaha" tatawa tawa ko pang sagot sa kanya.

Gusto kasi ni Krissa si kuya simula pa lang, kung anu anong ngang ginagawa nyang kalokohan para mapansin siya kaso si kuya masyadong pabebe laging sinusungitan si Krissa.

Pero si Krissa naman sadyang pinanganak na makulit kaya push pa rin siya ng push hanggang sa makulitan na sa kanya si kuya at napagsalitaan siya ng masasakit na salita kaya ayan nasaktan si Krissa. Hindi naman daw siya galit, nagtatampo lang daw siya kasi masyado daw masakit yung mga sinabi ni kuya.

Hindi ko naman masisisi si Krissa, kasi nandun ako nung oras na napagsalitaan siya ni Kuya. Nagalit nga rin ako nun ki kuya e. Kasi bwesit lang! Kasabwat ako ni Krissa sa kalokohan nyang yun para isurprise siya tapos gaganunin nya lang kaibigan ko. Tss Ang gago nung kapatid kong yun. If i know gusto nya rin naman si Krissa. Pabebe lang parang hindi lalake. Psh.

"Hindi ko na gusto ang unggoy na yun!" Namumulang sigaw sa akin ni Krissa. Lalong lumakas tawa ko.

"Weh?" Hindi naniniwalang tanong ko. Haha

"Hindi na nga kasi!" sagot agad nya.

"Oo na lang. Hahaha"

"Krizy! Hindi na nga sabi"

"Kaya nga. May sinasabi pa ba ako?" pigil na tawa kong sabi.

"Ikaw kasi sabing hindi na"

"Para kang baliw dyan bruha! Kaya nga . Hindi na! Kunyare na lang naniniwala ako sayo. Hahaha" sabi ko at nagsimula ng maglakad.

"Krizy naman e" nagmamaktol na sunod naman sakin ni Krissa.

"Whaaaaaat?" tumatawa kong tanong.

Napatigil lang ako sa pagtawa ng may tumawag samin.

"Hey Liyah! Krissa! Kanina pa namin kayo hinihintay" papalapit na sabi samin ni Raphael. Kasama niya si Eros, Nathan at Fuentabella.

"Ah sorry! Si Krizy kasi e, ang tagal" sabi naman ni Krissa. Napatingin naman ako sa kanya ng what-the-hell-are-you-saying-look. Siya naman nagbelat lang. Tss parang bata. Pikon nga kanina e. Haha

"Nagpapahintay ba ako?" Nakataas kong kilay na tanong kay krissa. BSDU na naman ako - Balik Sa Dating Ugali :D

"Hindi" nakanguso nyang sagot. Inirapan ko na lang siya.

"Guys lets go! Para makapag start na tayo" sabat naman ni Nathan.

"Saan tayo magpapractice?" Tanong naman ni Eros.

"Samin na lang muna" sagot naman ni Raphael. Lahat sila napatango naman at handa ng umalis ng mahalata nila ako.

"Oh ikaw Liyah? Sasama ka ba samin?" Tanong sa akin ni Nathan.

"Hi---" magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa likod ko.

"Sakin siya sasama" sabat ng pamilyar na boses.

Tiningnan ko naman agad kung sino at napangiti ako ng makitang si Luke pala ito

'Shet! napapadalas ang pag ngiti ko tss'

Binalik ko agad sa pagka poker face ang mukha ko ng marealize ko ang pag ngiti ko. Tss para akong baliw -_-

"Hoy supladong bise! Ingatan mo si Krizy ha?!" Sabi ni Krissa kay Luke.

"Of course I will" sagot naman ni Luke.

Lumapit naman agad sa akin si Luke.

"Lets go?" aya nya sakin . Tumango naman ako at tumingin sa mga kasama ko.

"We'll go ahead" paalam ko sa kanila. Tumango naman sila maliban sa isa .

Tumalikod na kami ni Luke at nagsimula ng maglakad palabas ng Campus.

Nathan's POV

Pinapanuod na lang namin ang pag alis nung Supladong bise daw sabi ni Krissa kasama si Liyah. Tss

Lahat kami nakatingin lang dun sa likod ng dalawa.

Nagtinginan kami ni Raph Raph at sabay kaming tumingin kay Chase na masamang nakatingin dun sa dalawa habang nakakuyom ang dalawang palad. Tss tss napailing na lang ako sa nakita ko.

"Alis na nga tayo guys! Baka may sumabog na dito" pagpaparining ni Raph Raph. Hahaha natawa naman ako sinabi habang si Chase tiningnan ng masama si Raphael.

'Tss tss masyado kasing halata! Gago'

***
TO BE CONTINUED

A/N:
Eeeeeeeh sorry na agad kung panget. Haha guys please READ, VOTE and COMMENT. thankyou! Mwa :*

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon