COLD #29

9 0 0
                                    

Krizyliyah's POV

Nandito na ako sa room. Kakarating ko lang galing office. May balak na naman nga sana akong mag cut ng class e. Wala naman ng papasok ngayon dahil may practice kami kaso yun nga may practice kami kaya kailangan pumasok -_- urgh.

Nakaupo lang ako sa upuan ko at yung mga kaklase ko naman busy sa pag iingay. Kanina pa ako nakatingin sa phone ko. At masasabi kong para na akong timang na kinikilig habang titig na titig sa Cellphone. Gusto kong tumili ngayon. Gusto kong magtatalon sa tuwa at kilig. Gusto ko siyang tawagan at sabihing I miss you too kaso nahihiya ako -_-

Nangangati na ang lalamunan kong sumigaw ng bonggang bongga at ipagsigawan na namiss ako ni Mendez. Waaaaaahhhh

"Hoy bruha! Anong itsura yan?" -krissa

"What? Why?" Nagtataka kong tanong.

"Para kang natatae dyan. Kanina ka pa namin tinitingnan oh! Hahaha" tawang tawa na ani ni Krissa. Agad ko namang nilibot ang paningin ko.

O_O

BAKIT LAHAT SILA NAKATINGIN SA AKIN? -_-

"Problema nyo?" Maarte kong tanong.

"Para ka nga kasing natatae bruha!hahahahahaha" tawang tawa pa rin si krissa. Psh -_-

"HAHAHAHAHAHA" tawanan naman ng iba -_-

"What's funny?" Naiinis ko ng tanong.

"E kasi pres. Parang kanina ka pa dyan may gustong ilabas. HAHAHAHA" Yung isa kong kaklaseng pasaway -_-

"Ilabas mo na yan pres maghihintay kami Hahaha" dugtong naman nung isa.

"What's with you guys?!" Inis kong tanong pero sila tawang tawa pa rin maliban sa isa kong kaklase. Alam nyo naman ata kung sino -____-

"Hoy tumigil nga kayo! Inis na si pres oh." Pagtatanggol ni Eros sa akin. Seryosong seryoso ang mukha nya. Buti naman at may kakampi pa ako dito.

"Ang KJ mo talaga Mendoza!" Angal naman ni Krissa.

"Tumigil na kasi kayo. Hayaan nyo na siya. Hayaan nyo na siyang mag isip kung ilalabas nya na o hindi. HAHAHAHAHA" Dugtong ni Eros sa sinabi kanina at humagalpak sa tawa.

'What the hell?!'

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Tawa ng lahat maliban sa isa.

Kung hindi lang kami magkaalitan ng isang to iisipin kong siya lang ang kakampi ko dito. Buset na mga kaklase ko to. Urrrrggggh!

"Sige lang. Bullying yang ginagawa nyo. Baka gusto nyong mag Community Service ng 1 week?" Nakangisi kong sabi sa kanila.

O_O

O_O

O_O

Ganyan po mga mukha nila. Parang nakakita ng multo na hindi mo maintindihan. Hahaha

"Oh ba't para kayong natatae dyan?" Pagbabalik ko sa kanila habang may ngisi na nakaguhit sa labi ko. Gusto nyo pala ng asaran ha? Okay. Pagbibigyan ko kayo. *evil grin*

"Bruha naman! Ito naman hindi mabiro" parang tangang ani ni Krissa sa akin sabay lingkis. Alam kong ayaw nyang mag CS. Sa arte ba naman ng bruhang to? Tss tss

Ang Community Service kasi dito sa School hindi dito ginagawa kundi sa mga Public Schools. Doon sila maglilinis ng isa o higit pang linggo depende sa parusa. Ganyan ang palakad sa School na to. Every month nga may pa'feeding Program ang School namin para sa mga batang kalye. Oh diba? Bongga! Hahaha

Inirapan ko na lang siya sa inasta nya.
Lakas rin kasi mang asar e. Wala rin pala.

"Oo nga zy. Joke lang yun e" pacute na sabi naman ni Eros sa akin. Isa rin to. Akala ata madadala ako sa pagpapa cute nya -_- Inirapan ko lang ito dahil buong akala ko kakampi ko siya, isa rin pala siya sa mga kaklase ko. Urgh.

"Labas ako dyan. Nakikitawa lang ako" sumusukong aksyon naman ni Raphael habang iiling iling. Ang cute nya <3

Nilibot ko naman paningin ko para tingnan mga gago kong classmate pero wengya akala mo walang nangyareng asaran. May kanya-kanya na po silang ginagawa ngayon at hindi kami pinapansin. Wow. Ang galing rin e. -_-

FAST FORWARD

Sabado na ngayon at wala ako sa wisyo. Malapit na ang competition kaya kailangan magpractice pero kagabi, I mean kahapon ko pa pinag-iisipan yung pagtawag sa akin ni Mendez. My gosh he's driving me crazy -_-

Paano kung sinabi kong pwede ako ngayon?

Paano kung magde'date pala ulit kami?

Pero paano naman kung ipapakilala nya pala sa akin yung girlfriend nya?

Hays. Puros what if's -_- Hindi naman nga ako pwede kasi nga may practice. Hindi pwedeng mag absent dahil next week na. Urgh. Ba't ba kasi kasali ako dito? -_-

Nandito ulit kami kina Raphael. Dito na kami nagkita-kita dahil alam naman na namin kung saan ang bahay, hassle pa kasi kung sa school pa maghihintayan at buti naman WALANG LATE -_- Ayoko sa lahat yung 8:30 ang usapan tapos 9:30 datingan. Tsk

Nakatulala lang ako sa kawalan habang sila kumakain ng kung ano-ano. Pagdating kasi namin may mga nakalatag ng pagkain sa sala. YES. Sa sala at hindi sa kusina. Mga snacks lang naman kasi. Tahimik lang kaming lahat at walang nagsasalita o nag iingay man lang.

Lahat kasi kami wala pang ganang magsimula. Urgh. Kung hindi sana ako kasali dito siguro tulog pa ako. Psh -_- Si krissa may kasalanan nito e.

At siguro kung hindi ako kasali dito magkasama sana kami ni Mendez ngayon. Hayyyyy

"All my life you stood by me when no one else was ever behind me

Halos mapatalon ako sa tunog ng phone ko. Taranta ko itong kinuha sa bag dahil baka si Mendez yun.

"All this light you can't blind me---

Sinagot ko agad ito ng hindi tiningnan man lang kung sino tumawag.

Hindi ako nagsalita at hinihintay na siya ang unang mag hello pero letse lang tahimik rin ang kabilang linya kaya tiningnan ko na kung siya talaga.

"BULLSHIT!" Malakas na bulyaw ko ng makita ko kung sino ang tumawag.

*tooot tooot*

Pinatay agad nya yung call. -_____-

"Hoy bruha anong nangyari sayo?" Takang tanong sa akin ni Krissa.

"Urrrrrghhhh!" Hindi ko siya sinagot at para akong bata na nanggagalaiti sa inis.

"Hey! Liyah. What happened?" Nag aalalang tanong ni Nathan at nilapitan ako.

"Nothing nothing" irita kong sagot sa kanya.

"Are you sure? Are you okay?" Sunod sunod na tanong ulit nya. Sina Krissa, Eros, Raphael, at Chase naman nakatingin rin sa akin at nakakunot ang noo nila. Naghihintay rin ata ng sagot ko.

"Yes. Don't worry I'm fine. Lets start the practice" parang timang kong pagche'change topic. Lalo tuloy akong nawalan ng gana ngayong araw. Hayssssss

'Walang hiyang MODUS kasi yun Urgh napaka'PAPANSIN!!!'

***
TO BE CONTINUED
A/N:
Please vote and comment! :) Thank you :*

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon