COLD #9

24 1 0
                                    

Krizyliyah's POV

Lumipas ang oras ng wala naman masyadong nangyare. Pagkatapos kong mahuli si Fuentabella na nakatingin sa akin kanina, Hindi na naulit yun.

'Baka nasaktuhan lang kanina na nakatingin siya sa akin! -_- Ang assuming ko kasi. Hays'

Nandito kami ngayong lahat sa room kahit tapos naman na yung klase. Pag uusapan daw kasi namin yung sa contest sabi ng Class President namin na si Ara Dasigan.

Siyempre alam kong hindi magpapatalo ang section namin pagdating sa mga laban laban na yan *smirk*

"Okay guys! Alam ko naman na ayaw nyong matalo sa battle of the band na magaganap sa School natin diba?" Simula agad ni Ms.Dasigan .

"Naman!!" Sigaw naman ng lahat, well maliban sa akin at kay Fuentabella :D haha magkapatid ata kami nito e, parehas ng ugali :D

"So dapat, paghandaan natin to ng mabuti diba?" dugtong pa niya.

"YESSS" Sagot naman ng lahat.

Ang raming paligoy ligoy tss -_-

"At since Battle of the band ang contest para sa atin, dapat marunong kumanta at gumamit ng mga instruments ang sasali." Aniya.

'Malamang! Tss ang raming alam nito'

Napairap na lang ako sa mga pinagsasabi nya. Ang tagaaaaaaal -_- I wanna go home >_

"Araaa araaa!!" Sigaw ni Krissa habang nakataas pa yung kamay. Kami naman napatingin sa kanya. Makasigaw kasi akala mo may sunog.

"Yes krissa?" Nakangiting tanong naman ni Dasigan.

"May kilala ako dito na magaling kumanta :)" super ngiti nyang sabi at tumingin sa akin. Oh-oh. Alam ko na ang binabalak ng bruhang to.

Pinanlakihan ko siya ng mata . Siya naman parang walang nakikita dahil ngiting ngiti pa rin siya sa akin.

"Who?" masayang tanong Ni Dasigan.

"Ang Dakilang Presidente ng Student Council na siiii
MS. KRIZYLIYAH FUENTES" masayang sagot ni Krissa. Tuluyan na akong napairap sa kaibigan ko. Kaibigan ko nga ba to? -_-

"Talagaaaa? Kumakanta si Pres?" Sabat naman ni Eros.

"Kakasabi ko nga lang diba?" Masungit na sabi ni krissa.

Binelatan na lang ni Eros si Krissa. Tss parang mga bata.

"May Vocalist na pala tayooo" masayang sabi ni Dasigan habang pumapalakpak pa .

"Waiiiiiit!!!" Sumisigaw na pigil ni Raphael. Napatingin naman kami sa kanya.

Napakunot ang noo ko, samantalang yung ibang babae kilig na kilig habang nakatingin kay Raphael. tss

"Why?" Nagtatakang tanong ni Dasigan.

"May kilala rin ako ditong magaling kumanta" nakangiti rin nyang sabi at napatingin kay Fuentabella.

"What the hell?"

Narinig kong sabi ni Fuentabella habang nakatingin ng masama kay Raphael.

"Ha? Sino?" Nagtataka pa ring tanong ni Dasigan.

"Si Chase Fuentabella" nakangising sagot ni Raphael habang nakaturo yung kamay nya kay Fuentabella.

"Omg! Si Chase daw oh*_*"

"Waaaaahh magaling daw kumanta si Chase"

"Geeezz gusto ko siyang marinig kumanta"

Mr. ICE meets Miss ICYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon