Krizyliyah's POV
Nandito na ako ngayon sa kuwarto ko nakahiga habang iniisip yung mga pinag gagawa namin kanina :D
First time kong kumanta sa harap nila na parang nasa bahay lang ako. Shet -_- nakakahiya.Pero napagkasunduan namin na magdu'duet na lang kami ni Fuentabella. Do I have a choice? Tss Sa gitara naman si Eros at Krissa tapos drummer si Raphael at sa keyboard naman si Nathan.
Bongga sila ha? Mga gwapo na tapos may talent pa? Oh Edi wow :D Haha
Di pa rin maalis sa isip ko yung mukha ni Fuentabella kanina habang nakangiti. First time ko siyang nakitang ngumiti.
'At shet lang! Ang gwapooo nya promise'
Hindi ko alam sa sarili ko ba't napapangiti ako kapag naiisip ko yung mukha nya kanina *_*
'Ano ba yan Krizy ang landi mo na ha!'
Hindi ko na lang pinansin ang pinag iiisip ko kasi oras na para matulog . Bukas naman ako maglalandi. Hahaha
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
KINABUKASAN
Naglalakad na ako ngayon papuntang room.
Nang may biglang tumawag ng maganda kong pangalan."ZY! WAIT!" tawag sa akin ng pamilyar na boses .
Humarap naman agad ako at napakunot ang noo ko ng makitang si Luke ito. Ano naman kaya kailangan nito?
"What?" Tanong ko sa kanya habang nakataas kilay ko.
"I just want to know if you are available later?" parang nahihiya nyang tanong. Lalong tumaas kilay ko.
"Why?" tanong ko na nagtataka.
"Can we go out?" Nahihiya nya pa ring tanong.
"Nasa labas na tayo" pilosopo kong sagot habang nakangisi.
"No I mean. Can we go out. Hm. For a date?" Nakayuko nyang sabi.
O_O
'Si luke ba talaga to?'
Na'gets ko naman talaga yung sinabi nya kanina, gusto ko lang linawin at malinaw na nga ngayon -_-
"Seriously?" gulat kong tanong.
"Yes, but it's okay if you dont want to" sabi nya .
"Okay" maikli kong sagot.
"Okay??" Nalilito nyang tanong.
"Okay, Let's have a date" sagot ko at tumalikod para pumunta na sa room.
'Wag kang ngingiti krizy'
Geeeezz ba't napapangiti ako? Magde'date lang naman kami ha? Wala lang yun krizy! Inaya ka lang nya lumabas! Wag kang kiligin dyan. Tss
Nang makarating ako sa room sinalubong agad ako ng kaibigan ko.
"Krizy! May practice tayo mamaya!" bungad nya agad sa akin.
O_O
"Whaaaaaaat?" Gulat kong tanong at napalakas pa ata boses ko kaya napatingin sa akin ang lahat pati na rin sina Fuentabella, lahat nga e.
"Sabi ko may practice tayo mamaya!" Ulit nya ng pasigaw.
"Narinig ko!" Sabi ko naman
"Narinig mo naman pala tapos kung Maka'what ka dyan! Anong problema?" tanong nya.
"May lakad ako" sabi ko, alam kong nakikinig silang lahat.
"Ha? Saan naman?" nagtatakang tanong ni Krissa.
"May date kami ni Vice" walang paligoy ligoy kong sagot. Totoo naman e.
O_O
O_O
O_O
O_O
Yan ang itsura ng lahat maliban sa tatlo: Raphael, Nathan at Fuentabella. Maraming nagbubulungan at may mga kinikilig naman.
"Nananaginip ba ako ngayon?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Krissa.
"Hindi. Gusto mong sapakin kita?" Tanong ko naman sa kanya
"Hehe. Sabi ko nga gising ako ngayon! Pero seryoso Krizy?" Nagugulat pa rin nyang tanong.
"Mukha ba akong nagbibiro?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Ikaw at si Vice magde'date????" Tanong pa rin nya.
"Isa pang ulit makakatikim kana" naiinis kong sabi sa kanya at umupo na sa upuan ko.
"Pero Liyah may practice tayo mamaya" sabat naman ni Raphael.
"Kayo na lang muna" sabi ko naman ng hindi tumitingin sa kanya.
"Pero---" aangal pa sana siya. Pero hinarap ko na siya .
"Bukas na lang ako" putol ko sa kanya.
Napatango na lang siya at kukulitin pa sana ako ni Krissa pero dumating na si ma'am..
'Hay salamat'
Masaya akong nakikinig sa aming guro. Feel kong makinig ngayong araw kahit History ngayon ang subject. Haha Ewan ko ba parang masaya araw ko ngayon.
' Dahil ba to sa pag aya sa akin ni Luke?'
Napangiti na naman ako ng maisip kong may date kami mamaya.
Nathan's POV
Nandito na kami ngayon sa room. Hinihintay na magtime. Wala pa rin si Liyah. Napag usapan kasi namin na mamaya na simulan ang practice at siya na lang ang hindi nakakaalam .
Maya maya lang nandyan na si Liyah. Sinalubong agad ito ni Krissa.
"Krizy! May practice tayo mamaya!" Bungad agad ni Krissa.
Si Liyah naman parang nagulat.
"Whaaaaaaat?" sigaw ni liyah .
Inulit naman agad ni krissa yung sinabi nya ng pasigaw, ang ingay talaga ng babaeng to. Tss tss
Nag uusap lang yung dalawa habang kami nakikinig sa kanila.
"May lakad ako" walang ganang sabi ni Liyah. Saan naman kaya?
"Ha? Saan?" Takang tanong ni Krissa.
"May date kami ni Vice" walang paligoy ligoy na sagot naman ni Liyah. Sinong Vice? Yung lalake bang kasama nya kahapon sa Cafeteria?
Lahat nagulat at maraming kinikilig . Kaming tatlo naman, parang wala lang.
*krrrrrrrrreettcch*
Napatingin ako kay Chase ng marinig kong parang may nasira. Si Raph pala napatingin rin.
Pagtingin ko nakita ko siyang nakatingin sa may kina Liyah at nakakuyom ang palad habang hawak nya yung mineral bottle na wala ng laman.
Nagtinginan kami ni Raph. Nakangisi siya habang iiling iling habang ako napailing na rin.
'Tinamaan ang gago tss tss'
***
TO BE CONTINUEDA/N:
Sana may nagbabasa nito ^_^ hay. Guys please READ, VOTE and COMMENT. Oki? Thankyou :*

BINABASA MO ANG
Mr. ICE meets Miss ICY
RastgeleYou don't know pain until you're staring at yourself in the mirror with streaming down your face and you're begging yourself to just hold on and be strong.