A/N: Salamat sa mga taong nag-add ng story na ito sa mga RL nila. Sana ma-enjoy niyo ang story na 'to guys. Love all of my readers! <3
------------------------------------------------------------------------------------------
“Yee best malapit na pala ako umalis papuntang Manila. Dapat mag-bonding muna tayo ng bongga bago ako umalis okay,” sabi sa akin ni Rika na kumakapit na naman sa kamay ko na parang linta. Nandito kami ngayon sa bahay nila with some of our friends. Kakatapos lang kasi ng graduation namin and we decided to celebrate here. Sina Rika kasi ang may pinakamalaking bahay sa amin.
“Psh tigilan mo nga ako Rika. Linalandi mo na naman ako,” sabi ko sabay tulak sa mukha niya at tumawa naman ang mga kaibigan namin.
“Narinig ko sa Ateneo mo balak mag-aral Rika ah. Makakayanan ba ‘yun ng utak mo,” pabirong sabi ni Markie at tumawa-tawa pa.
“Eehh kainis ka naman matsing eh. Nag-aral kaya akong mabuti,” sagot ni Rika na nag-pout at nag-cross arms pa. Napatawa tuloy kaming lahat. Para talagang bata itong si best eh. Kaya ang sarap niyang pagtripan.
“Haha so I guess I’ll see you at the exams,” sabi naman ni Audrey.
“HUH? SA ATENEO KA DIN MAGA-ARAL?” Napasigaw na tanong ni Rika.
“Kung makasigaw naman ‘to as if impossible ah. Ikaw nga eh, biruin mo ‘yun susubukan mo din sa Ateneo eh ikaw ang may pinakamababang general average sa buong class natin four years in a row,” tukso ni Zeke na boyfriend ni Audrey at nagtawanan na naman kaming lahat.
“Huhuhu ang sama niyo. Best tulungan mo nga ako,” sabi ni Rika at tumingin siya sa akin as if nagmamakaawang ipagtanggol ko siya.
“Hoy tigilan niyo na nga itong si best,” simula ko at agad na nagsparkle ang mata ni best nung narinig niya ang sinabi ko. “Alam niyo na ngang utak kalabaw siya eh pino-point-out niyo pa,” dagdag ko at lahat ng kaibigan namin ay nagpabunto ng isang malutong at malakas na tawa.
“Ehh naman eh ang sama niyo huhuhu,” iyak ni Rika. Hahaha kawawang bata binubully sa sarili niyang bahay. But oh well, she knows we love her.
“Mukhang nagkakasiyahan na kayo ah. We arrived at the right time,” biglang may nagsabi out of nowhere at nagtigil kaming lahat sa pagtawa but my heart sank when I saw who was standing there.
“Hey Jake, my man!” Sabi ni Markie at agad siyang pumunta kay Jake at nag-handshake silang dalawa. But all I see is him.
“Huhuhu bebe buti dumating ka inaaway nila ako,” sabi ni Rika na umiiyak paring pumunta kay Jake at hinagkan siya. But all I see is his brown eyes staring deeply back on my own.
“What? Inaaway niyo ang girlfriend ko pare?” Gulat na sabi ni Jake at inakmang dibdibin si Markie. But crap! All I see is him staring back at me with his fingers wrapped around another girl’s hand.
“Hey tama na ‘yan. We’re here to have fun,” awat ni Zeke kay Markie at Jake kahit halata namang nagbibiruan lang sila. “Bret, Leah, here have a drink,” dagdag pa niya at nahiwalay na ang mga titig niya sa akin.
“Thanks pare,” sagot niya as he took the drinks at binigay sa kasama niya ang isa.
Why? Why does he have to be here? And why does he have to bring that girl along?
BINABASA MO ANG
10 Things To Do Before I Die
RomanceThere are countless days but only a few moments to live. Overflowing memories but only a few that truly stands out. Billions of people but only a few are remembered. Thousands of death but most are forgotten. If I die...when I die...will you remembe...