Chapter 39: A Remembrance

1.9K 36 2
                                    

A/N: Happy 16K to #10TTDBID! Gomen natagalan ang update. xD

COMMENT...VOTE...CLICK LIKE...HIT FOLLOW IF YOU LOVE MY STORIES. <3

________________________________________________

          “Cal?” Tawag ko kay Calyx nung pumasok ako sa art studio niya. Nangako kasi siya ngayon na sasamahan niya ako papunta ng secret garden nina mama.

            “Where is he,” tanong ko sa sarili ko. Wala kasi siya doon sa studio niya. Pero sabi niya dito kami magkikita eh.

            Umikot-ikot nalang muna ako sa studio. Ang dami niyang maliliit na wood carvings at sculptures na ginawa. Pero meron din naman siyang mga human size sculptures. I never realized it before pero ang galing pala talagang sculptor ni Calyx. His attention to detail is quite impressive.

            Ah eto ‘yung angel statue na ginagawa niya nung una kaming nag-meet. Ang ganda niya talaga at ang taas pa. Mas mataas pa yung sculpture na ‘yun sa akin.

            Napatingin nalang ako sa pangalan na nakaukit sa ilalim nito. “My Angel Maya,” basa ko sa nakalagay na title ng sculpture na ‘yun.

            Napangiti nalang ako pagkabasa ko nun. Hindi ako sigurado kung nagkaroon sila ng relasyon ni Calyx dati pero masaya ako at nakilala niya si Calyx kasi kung hindi, baka hindi siya kasing-bait sa mga katulad kong may sakit sa puso tulad ngayon.

            “Wherever you are now Maya, I hope you’re happy,” sabi ko habang nakapikit ang mga mata ko. Naramdaman ko nalang na biglang lumakas ang ihip ng hangin at parang may linipad na kung ano sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko, meron ng isang papel sa may paanan ko. ‘Yun siguro ang tumama sa akin.

            Pinulot ko naman ang papel na ‘yun at agad binasa ang nakasulat doon. “Foreign Exchange student program in France,” confused na basa ko dito. “Be an exchange student at our international sister school,” patuloy na pagbasa ko. Gustong umalis papuntang France ni Calyx?

            “Uy hey, kanina ka pa ba dito? Sorry ginutom ako eh,” narinig kong sabi ni Calyx nung pumasok siya sa kwarto kaya binitawan ko agad ang papel na hawak-hawak ko.

            “Okay lang. Kakadating ko lang din,” sabi ko sabay smile sa kanya. “Tara na baka mahapunan tayo,” sabi niya at hinila niya na ako agad palabas ng kwarto.

            Agad naming sinimulan maglakad papunta sa lugar na ‛yun na palagi naming pinupuntahan, ang secret garden nina mama na ngayon eh naging special place na din para sa amin ni Calyx. Natutuwa akong pagmasdan siya ngayon. Mukhang ang saya-saya niya ngayong araw. Bakit kaya?

            “Angkas ka,” sabi niya nung papasok na kami sa trail ng gubat. Umupo siya sa may harap ko at naghintay na umangkas ako sa likod niya. “Huh? Bakit?” Confused na tanong ko sa kanya.

            “Ayokong mapagod ka. Sige na,” sabi niya na lumingon pa sa akin para ngumiti kaya ngumiti nalang din ako para umangkas sa likod niya.

            Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha niya nung umpisahan niya akong buhatin, maya-maya pa napatawa na siya.

            “Oh, bakit ka tumatawa,” confused na tanong ko sa kanya.

            “Wala. Ang bigat mo kasi eh,” sabi niya na mas linakasan pa ang tawa kaya binatukan ko siya. “Ibaba mo nalang nga ako,” inis na sabi ko sa kanya na kumalas pa sa pagkaka-akap ko sa may leeg niya.

            “Ayoko nga. Mas gusto kong nararamdaman na nandyan ka,” sagot niya at bigla na namang nag-init ang mukha ko. Inakap ko nalang siya ulit sabay hinga ng malalim.

            “Aalis ka,” biglaang tanong ko sa kanya.

            “Huh? Saan naman?” Sabi niya na may patawa-tawa pa.

            “Pupunta ka ba ng France para mag-aral doon,” tanong ko ulit sa kanya at natahimik naman siya.

            “It had always been my dream,” sagot niya. “But I’m not leaving anytime soon,” dagdag pa niya. “Not now that you’re here,” mahinang pagkakabulong niya pero dinig na dinig pa rin yun ng matalas kong tenga.

            “Huh? Ano ‘yun?” Pagkukunwari ko.

            “Huh? Sabi ko hindi pa ako aalis,” sagot niya na medyo nagpa-panic ang mukha.

            “Hindi matapos nun,” sabi ko ulit.

            “Wala naman akong sinabi ah,” pagdadahilan niya kaya tumahimik nalang ako.

            “Anyways, malapit na naman akong mag-graduate dito sa AAIU eh. If pumunta man ako dun, it would be to refine my craft,” dagdag niya at nag-umpisa na siyang mag-kwento nun about sa dream niya na maging isang sikat na sculptor. Napangiti nalang ako sa kini-kwento niya. Seryoso talaga siya sa pangarap niya. Ngayon ko lang narinig to sa kanya and it’s making me so happy to hear it from him. I’m glad he’s opening up to me.

            Maya-maya pa eh dumating na din kami sa tunnel na papasok ng garden kaya binaba niya na ako para makapasok na doon. Napangiti naman ako agad nung nakita ko ang puno nina mama. Wala pa rin itong pinagbago. Ang dami pa ring bulaklak nito.

            Nagmadali akong lumapit dito at kinuhan ito ng picture. “You really love that tree don’t you,” sabi ni Calyx nung nakahabol na siya sa akin at tumango-tango nalang ako.

            Lumapit pa siya lalo dito at may kinuha siya sa bulsa niya na parang susi. “Anong gagawin mo,” tanong ko sa kanya habang linapitan ko siya.

            “Basta,” sabi niya at nagsimula siyang mag-ukit gamit ang matulis na parte ng susi.

            Pinanood ko nalang siya habang ginagawa niya ‘yun. He looks so happy doing it. But of course…he loves to sculpt after all.

            “Calyx and Katleenah, May 25, 2013.” Basa ko doon sa inukit niya nung natapos na ito.

            “A little remembrance of us being together…here,” sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

            Our eyes met afterwards and once again I felt safe knowing that he’s around. I wish I could always look into those eyes so that I will know that I’ll be okay. 

        

10 Things To Do Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon