A/N: Mahaba-habang update para sa inyo. 14K reads na tayo. Paabutin niyo ako ng 15K huh? hihihi THANK YOU!!!
COMMENT...VOTE...CLICK LIKE...HIT FOLLOW IF YOU LIKE MY STORIES! :)
_______________________________________________________
“Oh Kat, ba’t parang kinakabahan ka dyan,” tanong sa akin ni Calyx nung nakita niya akong palakad-lakad sa backstage. Ngayon na kasi ang final event ng competition, ang fashion contest. Pero hindi naman ito ang ikinakaba ng dibdib ko eh. Dapat wala ako dito ngayon. Dapat makikipagkita ako kay Hiro. Pero wala, binalewala ko ang mga ‘yun. Ayoko din kasing mapahamak sina Britney.
“Wa—wala Cal, okay lang ako,” sabi ko sa kanya sabay smile. Agad naman niya akong pinalapit sa kanya at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko.
“Hey, ‘wag kang kabahan. You’ll do great out there. Ikaw nga siguro ang pinakamaganda dito eh,” sabi niya na ngumiti pa sa akin ng napakatamis kaya napangiti din ako sa kanya. “Thank Cal,” sagot ko at yinakap ko siya ng mahigpit.
Ang kumportable na ng pakiramdam ko tuwing inaakap ko siya. Dati palagi kong nararamdaman ang awkwardness between us pero ngayon, bigla nalang itong naglaho lahat.
“Ehem,” dinig naming sabi ng ilang mga boses at pagtingin namin nakatayo na pala doon sina Britney at Ashley pero hindi sila ang unang nahagilap ng mga mata ko. Ang una kong nakita paglingon ko eh ang mukha ni Bret na tila nalulungkot at naluluha pa habang naglakad siya palayo.
“What do you think you’re doing? You’re ruining the dress,” iritableng sabi ni Ashley na inayos ulit ang suot-suot kong gown na obra nilang dalawa ni Britney.
“Sorry,” sabi ko nalang sa kanila.
“You’re almost up. Do your best and make us proud. And oh, whatever you do, don’t trip,” sabi naman sa akin ni Britney sabay tawa kaya napa-agikik din ako. Oo alam ko clumsy ako.
“The model of AAIU positions please,” anunsyo ng isang baklang coordinator. Tumingin ulit ako kina Ashley at Britney at pati na din kay Calyx. “Break a leg,” sabay nilang sabi sa akin at tumango naman ako.
Agad na akong pumunta sa may entrance pagkatapos non. Grabe, naririnig ko ang mga bulungan ng audience. Mukhang ang daming tao. Bigla akong nakadama ng matinding kaba sa aking dibdib pero di na ako pwedeng umatras. Ipu-push ko ‘to.
Maya-maya pa eh biglang nag-change ang music at binigyan na ako ng cue ng coordinator kaya agad naman akong rumampa, taking the center stage. Nag-smile ako sa dinami-daming camera na kumuha ng litrato ko pagkatapak na pagkatapak ko palang sa stage at maya-maya pa, nag-umpisa na naman akong rumampa.
Taas noo akong naglakad sa mahabang rampway na ‘yun at ngumingiti din paminsan-minsan para sa mga tao at camera. “Go Kat!” Narinig kong cheer ng mga ka-schoolmates ko nung dumaan ako banda sa kanila. At maya-maya pa, natapos na din ako. Agad kong linagay ang kamay ko sa may dibdib ko nung nakabalik na ako sa backstage. Grabe, ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam nakaka-adrenalin rush din pala ang pagmomodelo.
“Whoa Kat! You were so great out there,“ excited na sabi sa akin ni Britney sabay akap sa akin ng mahigpit.
“Hey Brit chill! The dress!” Pagsusungit naman ni Ashley kaya napabitaw sa akin si Britney ng wala sa oras.
BINABASA MO ANG
10 Things To Do Before I Die
RomanceThere are countless days but only a few moments to live. Overflowing memories but only a few that truly stands out. Billions of people but only a few are remembered. Thousands of death but most are forgotten. If I die...when I die...will you remembe...