A/N: HAPPY 18K SA 10 THINGS TO DO BEFORE I DIE!!! \(^_^)/
Madami akong inedit na chapters...some I even revised to big things like adding aditional dialogues to several scenes, ang ibang scenes binago ko din. Pati pangalan ng kuya ni Kat pinalitan ko. Kaya kung gusto niyo, balikan niyo ang ibang chapters o kung hindi man, antayin niyo ang EDITED...REVISED...DOWNLOADABLE VERSION kung matapos ko na ang story. XD
___________________________________________________
“Congratulations on passing the exam,” sabi ni Dr. Grey sa akin nung tapos niya na akong ma-check-up kaya napatingin nalang ako sa kanya.
“Thanks doc,” sabi ko sa kanya sabay smile.
“No Kat, it’s me who need to say thanks,” sabi niya with a genuine smile of her own.
“Huh, bakit naman po?” Confused na tanong ko sa kanya.
“For being there for Calyx, for being a friend to him when nobody else would,” seryosong sabi niya at bigla nalang akong napa-isip sa sinabi niya. Come to think of it…oo nga no? Wala akong ibang nakikitang kasamang kaibigan ni Calyx kundi ako, si Bret, si Ashley at Britney. Where’s his other guy friends? Ganun ba talaga siya dati?
“And also…” Dagdag ni doc kaya napatingin ulit ako sa kanya.
“Thank you for being my patient. Kung hindi siguro dahil sa’yo, di ko na ulit mapa-praktis ang specialty ko as a cardiologist,” sabi niya ulit at hinawakan niya pa ang kamay ko.
“Bakit naman po hindi? Ang galing niyo nga eh. Binubuhay niyo ako in these six months na nandito ako,” sagot ko sa kanya pero napatawa lang siya.
“It’s not all me. Pero seryoso, kung hindi dahil sa’yo di ko siguro magawang mangamot ulit ng taong may sakit sa puso,” sabi niya na napatawa pa ng konte.
I hope you’ll find happiness when you go back to the Philippines,” dagdag pa niya kaya napaakap nalang ako sa kanya.
“Thanks doc,” sabi ko sa kanya.
Matapos ng check-up eh agad naman akong lumabas ng kwarto kung saan sila lahat naghihintay, all packed up and ready to go. Si Britney, si Ashley, si Kayla, si Bret, si Calyx at nandito din ang kuya ko.
“Finally,” sabi ni Ashley nung nakita niya ako, halatang nainip siya sa paghihintay sa akin.
“Tara na,” sabi naman ng kuya ko at agad niyang hinila ang kamay ko.
“Fuji Rock her we come!” Sabay-sabay naming sabi at napatawa nalang kaming lahat. Hindi naman halata na excited kami no?
Mahaba-haba din ang byahe kasi sa bundok talaga hini-held ang event na ‘yun. But no, hindi sa Mount Fuji huh. Para nga daw kaming magca-camping nun eh pero with music all around us. Ngayon palang excited na ako.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa view sa labas ng bintana ko. Ang ganda ng view ng mountain. Kitang-kita mula dito ang silhouette ng city. Pati ang mga bundok sa di kalayuan, ang gandang pagmasdan.
Patuloy lang ako sa pagmasid sa labas ng bintana nung bigla akong na-distract sa tawa ng dalawang katabi ko.
“Ano ‘yan kuya,” tanong ko kay kuya Paolo at umusog ako ng konte para makita ang ginagawa nila pero agad itong tinabunan ni Britney.
“Oops, you can’t see it yet,” sabi niya kaya napa-pout nalang ako ng labi habang tinitingnan sila.'
Napatingin ako sa may bandang likod ni Britney at nakita ko doon ng nagseseryosong Calyx na nakatingin lang sa labas ng bintana. Agad akong tumayo kahit umaandar pa ang sasakyan para pumunta sa kanya.
“Anong iniisip mo,” tanong ko sa kanya nung makalapit na ako.
“Ahh wala. Iniisip ko lang, ang ganda talaga ng view sa bundok no,” sabi niya sabay smile. Naupo nalang ako sa tabi niya at pinagpatuloy ang panunuod ng view sa labas ng sasakyan.
“Uhm Cal, pwedeng magtanong,” sabi ko sa kanya matapos ng ilang segundong lumipas.
“Sure, ano ‘yun? Curious na tanong niya at hinarap na niya ako ng tuluyan.
“Bakit parang takot si Dr. Grey na mangamot ullit ng taong may sakit sa puso? Kasi sabi niya kanina kung hindi dahil sa akin di na siguro siya manggagamot ng taong may ganoong sakit,” tanong ko sa kanya at napabuntong-hininga nalang siya.
“Si mama kasi ang cardiologist ni Maya. She was her first patient at nung namatay siya pakiramdam niya may nag-kulang sa part niya bilang isang doctor. Kaya natakot siya. She retorted to being a physician instead kaya siya napunta sa university,” pag-eksplika naman ni Calyx sa akin.
“Oh,” maiksing sagot ko pero naiintindihan ko na. Ang traumatic siguro ng experience para kay Doctor Grey, pati din kay Calyx, ang pagkawala ni Maya. Kung mamatay ako, ganun din kaya ang magiging epekto sa mga taong mahal ko? Ayokong ma-trauma sila. But still…kahit namatay si Maya, it seems like a part of her lingers in every soul of each of the person she met. Hindi ko man siya nakilala pero nararamdaman ko siya kay Calyx, sa mga bata sa org, sa ate niya, pati kay Doctor Grey. When I die, I also want to leave a piece of myself to everyone.
Hindi ko alam kung paano pero habang nagu-usap kami ni Calyx eh nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nung naramdaman kong may umayog sa balikat ko. “Gising na little bear,” sabi ni kuya Pao nung nakamulat na ako. Agad akong nag-stretch ng mga kamay ko at sinundan si kuya pababa ng bus at nung naka-join na ulit ako sa grupo, nagulat nalang ako nung may dumagdag na sa amin.
“Hiro!” Masayang bati ko at napangiti naman siya nung nakita niya ako. What a surprise.
BINABASA MO ANG
10 Things To Do Before I Die
RomanceThere are countless days but only a few moments to live. Overflowing memories but only a few that truly stands out. Billions of people but only a few are remembered. Thousands of death but most are forgotten. If I die...when I die...will you remembe...