Chapter 12: The Tree

3K 49 6
                                    

A/N: Wheee salamat ng madami sa mga patuloy na nagbabasa ng story ko. I know medyo cliche siya in a way but kahit ganun, I'm so happy na maganda pa rin ang response na natatanggap ko. Thanks guys. :)

Sa mga gusto nga pala magpa-dedic, comment lang kayo.. :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Damn!” Napamura nalang ako nung nagising ako nung araw na ‘yun. Sumasakit na naman kasi ang ulo ko. “Don’t move too much,” sabi ng isang matangkad at morenang babae as she came inside the room. Come to think of it, nasaan ba ako? ‘Di familiar sa akin ang lugar na ‘to.

            “Hindi pa nakaka-recover ang katawan mo s dalawang araw na sunod-sunod na pagkahilo mo. Seriously, how can you be so careless? Exhausting yourself like that. Gusto mo baa gad mamatay?” Medyo inis na sabi niya at naupo siya sa kama ko. Napalingo-lingo nalang ako to answer her question.

            That’s right! Naalala ko na. There was a freshmen’s reaping and I exhausted myself from running too much. Tapos nakita ako nung anak ni Dr. Grey at ang huli kong naalala eh binuhat niya ako tapos sabi nila dadalhin niya ako sa mama niya.

            Dr…Grey?” Tanong ko as I eyed her curiously at nag-smile naman siya sabay nod.

            “And by the way, sorry for what happened last time. Sinabi sa akin ni Calyx ang nangyari. Don’t worry, nagbibiro lang ‘yung si Calyx. Medyo bad timing kasi yung pagkikita niyo last time,” depensa niya sa anak niya. So Calyx pala ang pangalan nung manyak na ‘yun. I thought to myself.

            “How long was I…” Umpisa ko. Itatanong ko sana kung ilang oras na akong tulog kaya lang may bigla akong naalalang mas importanteng detalye.

            “Eh? Isn’t today the first day of classes?” Medyo panicked na tanong ko.

            “Oh yes but I already called your department. Na-excuse ka na sa class niyo, sagot naman niya. “Sa ngayon pwede ka na munang umuwi para makapagpahinga ka ng maayos,” dagdag pa niya at nag-smile nalang ako saying, “Okay.”

            Pinahiram naman ako ng maayos na damit ni Dr. Grey para makauwi ako ng hindi pinagtitinginan ng mga tao. Ibinalot din niya ang black dress na sinuot ko sa Freshmen’s Showcase. Binigyan niya ako ng contact number niya telling me to contact her regarding any matter about me and then I was off.

            Di naman kalayuan ang clinic ni Dr. Grey sa apartment naming kaya mabilis din akong nakarating sa apartment ko.

            Agad kong binuksan ang e-mails ko nung nakarating na ako ‘dun at napa-smile naman ako agad nung may nakita akong reply from Liam. He never fails to change my mood.

            Rin-ah, I’m so happy na nagkaayos na kayo. Sabi ko sa’yo eh, kung importante talaga sa ‘yo ang taong ‘yun di yun basta-bastang ilalayo ng panginoon sa ‘yo kasi alam ng diyos na isa siya sa mga taong magpapaligaya sa ‘yo. ‘Wag kang matakot na malaman niya ang kalagayan mo Rin. Sigurado akong ‘di magbabago ang trato niya sa ‘yo.

            P.S. Oh and about my legs, hindi na ako nagwi-wheel chair. Naka-crutches nalang ako. How I wish you’re here to see me walk Rin-ah. See?

            ‘Yun naman ang sabi ni Lee at may naka-attach pa na picture niya sa e-mail na naka-crutches nalang talaga siya. Napahinga naman ako ng malalim sa huling sulat niya. I was so happy for him. Nalalabanan niya ang sakit niya. Somehow he can walk again.

10 Things To Do Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon