Chapter 45: Ray of Hope

1.8K 33 4
                                    

A/N: 10 more chapters plus an epilogue to go. Keep reading! :)

___________________________________________________

            “Daddy doc!” Masayang bati ko sa doctor ko nung pumasok na ako sa clinic niya. Nanlaki pa ang mata niya nung nakita niya ako. Di ko kasi pinasabi na nakabalik na ako eh. Gusto ko talaga siyang i-surprise.

            Linapitan naman niya ao agad na may ngiti sa kanyang labi. Aakma na sana akong yayakapin siya pero pinitik niya ako ng malakas sa aking noo.

            “Aray! Naman daddy ang brutal mo talaga,” sabi ko sabay hawak sa noo ko.

            “Mas brutal ka! Mas brutal ka sa sarili mong katawan! Hoy babae baka akala mo hindi ko alam ang mga nangyayari sa’yo sa Japan. Ilang beses ka nang inatake ng sakit mo doon hindi mo pa rin naisipang umuwi nalang,” pasigaw na pagkakasabi niya.

            “Eh daddy doc naman. Alam mo namang may gusto pa akong matupad diba,” depensa ko sa sarili ko at napa-buntong hininga nalang siya.

            “Did you write down the symptoms you experienced when you were there,” tanong niya sa akin at tumango nalang ako. “Let me see,” dagdag niya at binigay ko naman sa kanya ang notebook ko kung saan din nakalista ang bucketlist ko. Sa likod kasi nito nakasulat ang mga symptoms na na-obserbahan ko habang nasa Japan ako. Alam ko kasing hahanapan ako nito ni daddy doc. Matapos niyang basahin ‘yun eh ginawa na naman niya ang usual test sa akin at chineck niya din ang LVAD ko.

            “By the way, I have news. I don’t know if it’s good or bad but…” Umpisa ni daddy doc sabay hinga ng malalim. “Si Josh yung number 1 sa listahan na nangangailangan ng transplant…he passed away about two weeks ago which makes you the number one candidate for heart transplant now,” seryosong sabi ni daddy doc pero natulala nalang ako. Hindi ko alam kung malulungkot ako dahil isa na namang tao na may sakit sa puso ang nalagutan ng buhay o matutuwa ako dahil nasa top priority na ako for transplant. Hindi ko namalayan nung may tumulo na namang luha sa mata ko.

            “Hey, don’t think about it. Isipin mo ang kalagayan mo. At least ngayon, mas malaki na ang chances mo na mabuhay,” sabi ni daddy doc sa akin na may ngiti sa kanyang labi at tumango-tango nalang ako.

            Tama si daddy doc. This is a ray of hope. Kahit nakakalungkot man at least may mabuti siyang naidulot sa akin.

            Matapos ng check-up ko eh napag-desisyunan kong pumunta sa kwarto ni Liam. Nami-miss ko na kasi siya, nami-miss ko na ang taong palaging nagpapasaya sa akin. Matagal na din kaming hindi nagkausap.

            Papasok na sana ako sa kwarto niya nung biglang may lumapit na nurse sa akin. “Si Liam Mendoza ba ang hinahanap mo,” tanong niya sa akin at tumango-tango nalang ako.

            “Nasa garden siya nagpapahangin,” sabi niya sa akin.

            “Ah sige. Salamat,” sagot ko at ngumiti lang siya bago umalis. Agad naman akong nagtungo sa garden. Hindi naman ako nahirapang mahanap si Liam. Palabas palang kasi ako ng garden eh naririnig ko na ang tawa niya. Napangiti nalang ako habang nakikita ko siya sa ilalim ng puno na may kausap na dalawang bata na mukhang pasyente din dahil sa damit nila.

10 Things To Do Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon