Chapter 32: This Guy

2.1K 32 2
                                    

A/N: May seatbelt ba kayo? You better hold on tight. Magsisimula na ang bagong yugto sa buhay ng ating bida. XD

Comment...Vote...Click Like...Hit Follow if you like my stories. :D

______________________________________________________

            Napa-buntong hininga nalang ako habang linalagyan ko ang check mark sa notebook ko. Ano ba yan! Sinasadya niya man oh hindi siya pa rin ang nagko-kompleto ng listahan ko. Sabi ko sa sarili ko at napatingin nalang ako sa kanya. I don’t know how he knew I always wanted to wear a kimono and go to a festival ‘cause I haven’t done it before. Is he some kind of psychic? Patuloy kong isip sa sarili ko habang nakatingin lang sa kanya pero agad naman akong napatingin sa ginagawa kong painting nung napatitig siya sa akin sabay smile.

            Nagpa-praktis kasi kami ngayon para sa mga event namin. Bukas na ang event ko kaya kinakailangan kong mag-practice ng mabuti. Ano kayang klaseng painting ang gagawin namin bukas? I thought to myself.

            Magu-umpisa na sana akong mag-pinta nung biglang nag-ring ang phone ko. I just received an e-mail. Chineck ko naman agad ito at napangiti nalang ako nung nakita ko kung sino ‘yun…si Liam.

            Rin-ah, sorry for the late reply. I’ve been busy with rehab as well. I was saddened when I read your e-mail. Are you okay now? Is your hand alright? Can you paint? I don’t want you to loose the one thing you really love. Please…please…please be more careful. Take care of yourself always.

            P.S. Don’t you want to consider coming home? Don’t get mad. I know you’ll probably hate me for saying that but…let’s get real here Kat.

            -Liam-

            Napasimangot nalang ako bigla nung nabasa ko ang last part ng e-mail na ‘yun ni Liam. He changed! Where’s the positive Liam who always believe I can do anything? Bat ngayon parang nawala na ang tiwala niya sa akin? Why does he want me to come home?

            Isinara ko nalang ang phone ko without bothering to reply to his e-mail. He was the last person I’d thought na magsasabi sa akin ng mga ganun kaya hindi niyo ako masisisi kung ganito ang nagiging reaksyon ko.

            “Hey Kat, you okay?” Tanong sa akin ni Kayla habang nakatingin lang siya sa ginagawa ko.

            “Huh? Of course. Why won’t I be?” Confused na tanong ko sa kanya.

            “Cause…look at what you’re doing to your painting,” sabi niya sabay turo sa painting na ginagawa ko. Napatingin naman ako at nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko. Ang gulo lang ng gawa ko. Puro crooked lines na di ko maintindihan. Teka, ano ba ang concept ko sa painting na ‘to? Aish! My head is flying right now.

            “I…guess I’m hungry. I’ll go buy something first okay?” Pagdadahilan ko kay Kayla at agad naman akong lumabas ng kwarto.

            “Saan ka pupunta?” Tanong naman ni Calyx na tumigil sa pagscu-sculpt niya para sundan ako ng mata niya.

            “Bibili lang,” sabi ko sabay talikod sa kanya.

            “Samahan na kita,” sabi niya na aakmang tatanggalin na sana ang gloves niya pero pinigilan ko lang siya.

            “No. Please don’t,” pagmamakaawa ko sa kanya kaya natigilan nalang siya and I was immediately off after that. Nabigla ko ata siya sa tono ng pananalita ko.

            I’m sorry Calyx. Right now, I just want to be alone. Sabi ko sa sarili ko at agad na akong lumabas ng hotel.

            I ended up at the beach front just looking at the waves of the ocean as it rolls on the shore. It was so calming. Ang sarap ng simoy ng hangin, ang amoy ng dagat, ang mga tawanan ng mga tao habang naliligo sila. Siguro kung magkakabahay ako bilang araw, gusto ko din ganito. Sa harap ng dagat.

            Ipinikit ko ang mga mata ko para ma-enjoy ko ng husto ang dagat nung biglang…

            “Oh my gosh, you’re that new model for safealife.org,” sabi ng isang boses lalake kaya binuksan ko agad ang mata ko. My jaws dropped nung nakita ko ang  nasa harap ko…an angel?

            “You…you’re?” Confused na tanong ko sa kanya na nabubulol pa. Paano ba naman kasi, I’m seeing perfection in front of my eyes. At hindi ako nagbibiro. Ang tangos ng ilong niya, ang pula ng mga labi at ang puti ng kanyang balat. Daig niya pa ang babae.

            “I’m sorry, I haven’t introduced myself. My name’s Hiro and I have a heart disease exactly like yours,” sabi niya sabay ngiti sa akin habang inaabot niya ang kanyang kamay.

            Hindi ko maiwasang manlaki ang mata habang nakatingin sa kanya. Seriously? This guy has a heart disease too? But he looks so…healthy.

            “Katleenah,” sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay ko. He chuckled as he was shaking my hands.

            “I know,” sagot niya na may ngiti sa kanyang mga labi. That smile…it’s so perfect.

            “Are you busy right now? Maybe I can invite you to lunch,” sabi niya na pinakita na naman ang maganda niyang mga ngipin.

            “Su―sure,” nauutal na sabi ko but…what the hell Kat? Saying yes to a lunch with a stranger? Psh! Nadala ata ako ng ngiti niya. Pero…wala naman sigurong masama no? Bahala na nga!

10 Things To Do Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon