Chapter 46: A Pleasant Surprise

1.5K 28 3
                                    

Nagising nalang ako sa isang puting kwarto. Nasa tabi ko si papa at hinahawakan ang kamay ko habang si kuya naman eh nakaupo lang sa may bintana ng kwarto.

            “Pa,” mahinang tawag ko kay papa at napatingin naman silang dalawa sa akin ni kuya. “I’ll go tell your doctor you’re awake,” seryosong sabi ni kuya at agad na siyang lumabas sa kwarto. Mapula ang mga mata niya. Yung para bang kakatapos niya lang umiyak at bakas din sa mata niya ang lungkot. Pati si papa ganun din. Itsura palang nila kinakabahan na tuloy ako. Bakit kaya?

            “Pa, I’m okay. Dala lang ito ng sobrang nerbyos,” sabi ko kay papa habang sinusubukan ko ding kumbinsihin ang sarili ko na okay lang ako.

            “I know you are sweetie. And you’re going to be all better soon,” sabi naman ni papa habang pinipisil ang kamay ko pero may tono pa rin ng lungkot sa pananalita niya. Maya-maya pa eh pumasok na si kuya kasama ni daddy doc sa kwarto. Agad chineck ni daddy doc ang heartbeat ko at maya-maya pa eh tiningnan niya ng seryoso si papa. “Mas okay na ang tibok ng puso niya kumpara kanina. Medyo stable na ito kaya lang isa-suggest ko pa din po na i-confine nalang siya dito sa ospital until she gets her operation. At least dito matututukan natin siya,” sabi sa kanya ni daddy doc at nagulat nalang ako sa sinabi niya. Confined here ‘til my operation? Pero di pa nga naming alam kung kelan may dadating na donor. Pagre-react ko sa utak ko.

            “We’ll do what’s best for her,” sabi naman sa kanya ni papa.

            “Good. Eto po yung mga kailangang bilhing gamot para sa kanya,” sabi ni daddy doc sabay abot ng papel kay papa pero kinuha naman ito agad ni kuya sa kanya. “Ako na ang bahala dito pa,” sabi ni kuya at agad na naman siyang umalis ng kwarto. Bakit ganun? Bakit alis ng alis si kuya? Ayaw ba niya akong makita o ano?

             “At ikaw naman Kat, paulit-ulit ko ng sinasabi ‘to sa’yo pero please try to refrain from stressing yourself out too much. Alam mo ang kalagayan mo so you know your limitations,” sabi ni daddy doc at tumango-tango nalang ako. “I’ll try,” sabi ko sa kanya at agad na siyang umalis ng kwarto matapos nun.

            “Rest ka na muna ulit sweetie. Baka pagod ka pa,” sabi ni papa sa akin habang hinihimas niya ang buhok ko kaya tumango nalang ako at ipinikit ulit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero bakit parang may iba? Parang may kakaiba sa kilos ni kuya at ni papa. Hindi ko tuloy mapigilang mas kabahan pa lalo.

            Matapos ng aking maiksing tulog eh nagising nalang ako sa aking kwarto na kasalukuyan eh walang tao. Hindi ko mahagilap kahit anino manlang ni papa o kuya. Napagdesisyunan kong lumabas muna ng kwarto ko para hanapin sila. Sigurado kong nandito lang naman sila sa ospital. Nasa may pintuan palang ako ng kwarto nung narinig ko ang boses ni papa at kuya habang kausap nila si daddy doc. Nasa hallway lang naman pala sila.

            “Handa naman daw sila na ibigay ang puso niya pero hindi pa sila handing pakawalan ang anak nila sa mga oras na ‘to. Hintayin nalang natin na magbago ang isip nila,” seryosong sabi sa kanila ni daddy doc. Hmm…ano kaya ang pinagu-usapan nila?

            “Yeah, it’s kind of unfortunate really. Hindi man natin gusto na mangyari yun dahil buhay din ng isang tao ang kapalit pero kailangan din kasi ng kapatid ko ang puso niya,” sagot ng kuya ko. Puso niya? May donor na ba ako?

            Pero bago ko pa mapakinggan ang ibang detalye eh narinig kong nagbukas ang pinto ng C.R. ng kwarto ko at nadinig ko ang pinaka-unexpected na boses na madidinig ko.

           “San ka pupunta? Bawal ka pang magpagod. Mahiga ka nga ulit,” pagalit na sabi ni Calyx sa akin.

            “Wha—what the hell are you doing here,” gulat na tanong ko sa kanya na may luha na namumuo sa mga mata ko. Bawal daw ma-stress ang puso ko pero sa ginagawa nila na pag-surpresa sa akin mas nastre-stess lang ako lalo eh.

            “What do you think? Starting from now on I’ll be like you…personal nurse,” sabi niya na nag-smirk pa kaya napatawa nalang ako.

            “Yuroshiku onegaishimasu,” sabi ko sabay bow sa kanya kaya napatawa din siya. It basically means ‘Please take care of me’ in Japanese.

            Calyx being here in front of me right now…it’s such a pleasant surprise.

10 Things To Do Before I DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon